Chapter11_Tambay

11 1 0
                                    

(Nico's POV)

Lalo kaming gumulo nang dumating si Keith sa grupo. May taglay din pala kasi talaga syang kalokohan.

Kasalukuyan kaming nasa tambayan. Sari sari nang napag-uusapan. Katatapos lang kasi ng quarter finals namin.

"Guys, may isusuot na ba kayo para sa prom night natin?" Sabi ni Gem.

"Ako wala pa. San ba magandang bumili ng damit?" Singit ni Ailene.

"I know a place. Dun na lang din kayo bumili ni Nico. Same with you guys kasi meron din silang suits" sabi ni Gem.

"Ah, no. I'm not planning to attend" sambit ko.

"What?!" Sabi ni Ailene. "Oh no, you are. Aattend ka. Kung kakailanganin kong kaladkarin ka, aattend ka. Sa ayaw at sa gusto mo" mariing sabi pa nya.

"Bff, alam mo namang ayoko nun eversince. Tsaka, ayokong magdress!" Sabi ko.

"Okay! Since ayaw mo magdress, ikaw na lang sumaling representative natin sa cross play. You'll be wearing tux since ikaw ang lalaki. O ano, what do you think?" Sabi ni Ailene.

"I think, that's a good idea. Then si Keith yun magiging representative natin na maging girl. I remembered nun bata pa kami, binibihisan yan ng pangbabae ni tita" sambit naman ni Gem.

"Couz, kailangan pa ba talagang ungkatin yan. Nakakahiya kaya!" Sabad ni Keith.

Nagkatawanan naman kaming lahat.

"O ano, kayo ng dalawa representative natin? Go na?" Sabi ni Ailene.

"Go ako. Si Nico naman partner ko e" wika ni Keith na kumindat pa sakin.

"Ok ok. Ako na sasali dun!" Sagot ko.

"Yown! Yey!" Sabay na sambit nina Ailene at Gem. Nag-apir pa ang dalawa na kala mo tumama sa lotto.

"Love, kayo ng bahala sa porma ni Nico, okay? Kami naman ang bahala kay Keith" sabi ni Gem kay JB.

"Sure! No problem" sagot ni JB.

"Yakang yaka namin ang porma nyan" dagdag ni Glendon at kumindat din sakin.

"Ano bang nangyayari sa mga lalaking to at kindat nang kindat sakin?!" Isip ko.

"O yan, settled na. Wait. Need natin iinform sa committee ng prom. For sure naman, wala ng kokontra sa kanila na sila na representative ng year natin" sabi ni Ailene.

"Ano ba tong napasok ko? Bakit nga ba ako napapayag ng mga to? Tss" isip ko.

"Maya, hanap na tayo ng susuutin natin sa prom. Tutal, more than a week na lang din naman e" sabi ni Gem.

"Oo nga. Oo nga. Excited na ko" irit ni Ailene.

"But before that, bff and Keith, may i remind you, may project pa po tayong dapat tapusin" sabi ko.

"Oo nga pala" sabay na sabi ng dalawa.

"Ui, tayo din kaya" sabi naman ni Gem kina JB at Glendon.

"Sus, kayang kaya na yun ni JB" sagot ni Glendon.

"Hoy hoy hoy, ano ka. Tumulong ka or else, wala kang grade talaga" sabi ni JB.

"Ui joke lang naman. Tutulong ako syempre" sabi ni Glendon na kakamot kamot sa ulo.

Nagkatawanan naman kami sa inasta ni Glendon.

"Why don't we set up a date sa paggawa ng projects natin? Sama sama na lang tayo gumawa" sabi ni Glendon.

"I think that's a good idea. Let's do our projects sa house nina Keith. Tamang tama, may pool ang mga yan" sabi ni Gem.

"Overnight tayo guys!" Sabi naman ni Ailene.

"Oo nga, oo nga. Masaya yun! Relaxing pa! Kelan?" Sabi ni Glendon.

"I'll check muna sa bahay. Minsan kasi may mga bisita din sina mommy at daddy" sabi naman ni Keith.

"Okay. Give us feedback tomorrow. Kung hindi papayag, hanap tayo other place" sabi ni Gem.

"My place kung hindi ka papayagan" sabi ni JB.

"Wow love, that's new. Pero mabuti yan. Barkada lang naman natin e" sabi ni Gem.

"Okay, tomorrow, let's settle the place then pati na rin yun other needs natin. Dito na lang tayo magkita kita sa tambayan" sabi ni Ailene.

"Guys ah, project po ang priority natin ah" singit ko.

"Bff, chillax ka nga dyan. Magagawa natin ang projects natin. It will just be in a relaxing way naman" sabi ni Ailene.

"Ano pa nga ba. As if naman may choice ako. Syempre, join naman ako sa inyo" sabi ko.

"Don't worry, i won't let you down" sabi ni Keith.

"Wow, ano yan rexona? Makahugot din naman tsong" pang-aasar ni Glendon.

"Sus, tigilan nyo na nga yan" sabi ni JB.

Maya maya ay nagring na ang bell kaya kanya kanya na kaming punta sa mga classroom namin.

Pakners in Lab (Ongoing - Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon