Chapter13_Overnight

12 1 0
                                    

(3rd Person's POV)

Narating na nila ang bahay ng pamilya ni Keith. Pinagbuksan sila ng gate ng gwardya at sinaluduhan pa.

"Guys, we're here!" Keith announced.

"Grabe Keith, ang laki naman ng bahay nyo!" Ailene exclaimed.

"Di naman Ailene" kakamot kamot sa batok na sabi ni Keith.

"Grabe. Masyado kang pahumble e kitang kita naman na" sabi ni Ailene.

"Kids, andyan na pala kayo. Come on in now" sabi ng isang babae na kitang kita ang pagkasopistikada.

"Hi Mom!" Bati ni Keith at bumeso dito. "Meet my friends, Nico, Ailene, JB and Glendon. Gem's here also" he introduced.

"Hi kids!" Bati ng mommy ni Keith.

"Hello po" bati ng lahat.

"Hi tita" bati ni Gem at bumeso rin.

"Hi hija. It's been long since huling nagkita tayo" sabi ni Mrs. Salvacion.

"Oo nga po tita. Medyo busy din kasi" sabi ni Gem.

"Asus, busy ba? Saan? Sa boyfriend?" Panunukso ni Gem.

Agad naman namula si Gem sa tinuran nito.

"Hindi naman po tita. Marami lang po inaasikaso. But speaking of boyfriend, he's with us" sabi ni Gem. "Tita, si Justin Bustamante po, boyfriend ko. But we call him JB" dagdag pa nito.

"Oh, hi, JB. Ikaw pala ang boyfriend nitong pamangkin ko. Good taste of her" baling ni Mrs. Salvacion kay JB.

"Ah, o-opo. Thank you po Mrs. Salvacion. Pleased to meet you po" sabi ni JB na nahihiya.

"Naah, the pleasure is mine and please, stop that too much formality. Just call me tita tutal friends naman kayo ni Keith at boyfriend ka naman ng pamangkin ko" sabi nito.

"S-sige po tita" sabi pa rin ng nahihiyang si JB.

"Same with the others, just call me tita okay?" Sabi ni Mrs. Salvacion.

"Hey, dyan na lang ba kayo sa labas mag-uusap? Wala kayong planong pumasok sa loob?" Boses mula sa isang lalaki galing sa loob ng bahay.

"Dad!" Bati ni Keith. "Dad, meet my friends, Nico, Ailene, JB and Glendon. And Gem is with us also" sabi pa nya.

"Hi sa inyong lahat. Bago pa humaba ang usapan, pumasok na tayo sa loob. Dun ko na kayo kikilalanin" sabi ni Mr. Salvacion. "And just call me tito" nakangiting dagdag nito.

Pagpasok nila sa loob ay mas namangha pa sila sa nakita. The whole inner house was really beyond amazing.

"Grabe. I'm speechless" saad ni Glendon.

"I second the motion" sabi naman ni Ailene.

"Wow ah. Glendon and Ailene just agreed with each other?? That's something new" wika ni Gem.

They were formally introduced na rin sa daddy ni Keith. Mabait din ito. They really are a simple family kahit na ganito sila kayaman.

"Guys, dun tayo sa may poolside maggawa ng project ha? May space naman dun for our works" saad ni Keith.

"Go ahead son. Pumunta na kayo dun. We'll just bring you your merienda there" sabi ng mommy ni Keith.

"Thanks mom" sagot ni Keith.

"If i could be of help, tawagin mo lang ako anak" sabi naman ni Mr. Salvacion. Tumango naman si Keith at inaya na ang lahat papunta sa poolside.

"OMG! Nakakatempt ang pool nyo Keith. I think we should finish our projects as soon as possible. Para akong hinihila ng pool na to!" Pagbibiro ni Ailene.

Natawa ang lahat sa sinabi ni Ailene. Pero kapuna puna ang pagiging tahimik ni Nico.

"Nico, is there something wrong?" Tanong ni Keith.

"Ahh, wala naman. Okay lang ako" sagot ni Nico.

"Hindi sya marunong lumangoy" singit ni JB. "Guys, please, iwasan natin magharutan ah, specially when it comes to Nico. Hindi kasi sya marunong lumangoy" dagdag pa nito.

Napatungo naman si Nico at nanatiling nakatingin sa sahig.

"Hey, okay lang yan. Nu ka ba. Wala ka naman dapat ikahiya kung di ka marunong lumangoy. Gusto mo, turuan kita?" Sambit ni Glendon.

Napangiti naman si Nico.

"Hindi na. Takot kasi talaga ako e. Pero salamat sa offer" sagot ni Nico.

Pakners in Lab (Ongoing - Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon