Chapter6_Acceptance

10 1 0
                                    

(JB's POV)

Kinaumagahan, nang magising ako ay agad kong nilapitan si Nico. Natutulog pa rin ito pero di na ito nilalagnat. I'll just let her rest for today. Kakausapin ko na lang yung adviser nila.

Yes, i now call her Nico. I just felt inside me na kailangan ko na lang tanggapin kung ano na ang pagkatao ngayon ng bestfriend kong si Kleng. Well, sya pa din naman yun. Naging Nico na nga lang. May mga aspeto man na nagbago, sya pa rin yun bestfriend ko. Yung pakner ko eversince.

I started to prepare myself for school. Naligo na ako at agad na nagbihis. Bumaba na ko para mag-almusal at binilinan na rin sina manang.

Maya maya ay may nag-doorbell. It was too early and i wasn't expecting visitors as well.

"Sir JB, andito po ang daddy ni Mam Kleng" wika ng isa sa mga maids namin at kasunod nga nito ang ama ni Nico.

"Tito, good morning po" pormal kong bati.

"Good morning. Is my daughter here JB?" Seryosong tanong nito.

"Nasa kwarto ko po sya tito. Natutulog pa po. Nabasa po kasi sya ng ulan kagabi kaya nilagnat po" paliwanag ko.

"I see. Well, can you wake her up. I'll bring her home" sabi nito.

"Sige po. We'll be downstairs in a bit" sagot ko.

I don't feel any awkwardness kasi alam ko namang may tiwala sakin ang parents ni Nico. Tsaka, wala naman akong planong kahit ano sa anak nila. I promised tita that i will take good care of her daughter.

"Nico. Nico." Pagtawag ko na sinamahan ko na nang marahang pag-alog.

"Hmm, what is it JB? I still wanted to rest some more" sagot nito na mumukat mukat pa.

"Nico, your dad is here. He's fetching you. He'll be taking you home" sabi ko.

At tila naman nakuryente si Nico at napabalikwas sa kama.

"What did you just say?! Si daddy?!" Sambit nito.

"Yup! He's waiting downstairs. Mag-ayos ka na. Here, andyan yun mga nabasa mong damit. Laba naman na yan. Sayo na yang suot mong damit" sabi ko. "Bumaba ka na, hintayin ka na lang namin dun sa sala" dagdag ko pa.

Agad naman kumilos si Nico habang ako ay bumalik na sa baba kung nasaan ang daddy ni Nico.

"Where is she?" Tanong nito.

"Nag-aayos lang po sya tito. Bababa na rin po" sagot ko.

"Ano bang nangyari hijo?" Tanong nyang muli. Bakas ang pag-aalala sa mukha nya.

"Nagpunta po kasi sya sa sementeryo kahapon. Inabot po sya ng ulan. Ni hindi po sumilong kaya ayun, basang basa po sya nung inabutan ko" sagot ko.

"Hindi ba't sabay kayong umuuwi?" Sabi nya.

"Sorry tito, pinauna ko na po kasi sya. May practice po kasi ako ng basketball kahapon. Kaso sa sementeryo po sya nagpahatid sa driver" sagot ko.

"Ganun ba. I see. Pasensya ka na sa abala JB" wika nito.

"No worries tito. May lagnat po sya kahapon. I think it's better po kung magpapahinga na lang po muna sya. Ako na lang po kakausap sa adviser nya" sabi ko.

"Sige hijo. Thank you. Salamat sa pag-aalaga mo sa anak ko habang wala ako" sabi nito.

"Wala pong problema" sagot ko.

"Dad!"

Pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Si Nico. Pababa na sya.

"Kleng, let's go home. Dun mo na ituloy ang pagpapahinga" sabi ng daddy ni Nico.

"Nico. Call me Nico, dad" pagtatama ni Nico.

"Fine! Let's go. Papasok na rin tong si JB. Baka malate pa sya. I have my car with me" sabi ni tito

Hinatid ko na sila sa labas. Bago sumakay ay bumaling muli sakin si Nico.

"JB, thanks for taking good care of me. Thanks for fulfilling your promise" sambit ni Nico sa akin.

Kita ko ang lungkot sa mga mata nya. I don't know kung guni guni ko lang ba yun kasi nakangiti naman sya sa akin. But, i chose to ignore it at tumango na lang.

"JB, thank you ulit" sambit ni tito bago tuluyang umalis.

Tumango lang din ako sa kanya. Nang tuluyan na silang makaalis ay kinuha ko naman ang mga gamit ko at pumasok na rin sa eskwela.

Patuloy akong binagabag ng mga mata ni Nico habang nasa byahe kami patungo sa school. Hindi ko alam kung ano ang nais ipahiwatig ng mga yon. Pakiramdam ko, may mabigat na dinadala si Nico na hindi ko alam.

Was i really that distant na kay Nico? Marami na ba akong hindi alam sa kanya?  Ano bang pinagdadaanan nya? Have i really fulfilled my promise sa mommy nya? Tss! Questions!

Pakners in Lab (Ongoing - Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon