Chapter10_New Found Friend

8 1 0
                                    

Di magkamayaw ang mga babae sa klase nang pumasok ang transferee at bulungan naman ang mga lalaki.

"Class, quiet!" Saway ng guro.

"No doubt, gwapo nga naman pala", isip ni Nico nang pumasok si Keith sa klase nila. Nakita nyang sina JB ang naghatid dito papunta sa classroom. "How come? Close na agad sila?" Isip pa nya.

"Class, we have a new transferee. This is Keith Salvacion. Kakauwi nya lang from the States and decided to continue his study here in the Philippines" the teacher introduced. "Well, Keith, please formally introduce yourself to the class" dagdag nito.

"Hi, good morning. I'm Keith Salvacion. Pleased to meet you. Cousin ko nga pala si Gemini Borromeo, the student at the other section. Well i guess, she's well known, tama ba?" Pakilala nya.

"Of course. Campus princess yun e. But, why magkaiba kayo ng surname?" Tanong nun isang babae sa klase na kinikilig pa.

"Ah, kasi mother nya at father ko ang magkapatid" sagot nya.

"Ahh, kaya pala magkakasama sila nina JB kanina. Pinsan naman pala sya ni Gem. Hmm, he seems easy to get along with" isip ni Nico.

"Okay okay, yun mga personal nyong tanong, mamaya nyo na lang itanong. Hm, Salvacion ang surname mo, dun ka sa tabi ni Nicoleen uupo" sabi ng teacher sabay turo kay Nico. Nag-adjust ang lahat para magkaron ng pwesto si Keith. Alphabetical kasi ang arrangement nila.

"Thank you Ma'am" sabi nito at tumungo na sa pwesto nito.

Napatingin si Nico kay Ailene.

"Ang swerte mo naman!" She mouthed.

Nasa bandang dulo na kasi si Keith kaya si Nico lang ang katabi nito.

"Okay! Let's go back to our lesson" sabi ng teacher.

Sa gitna ng lesson, napalingon si Nico sa katabi nito.

"Hi! I'm Keith" halos pabulong na sabi nito at iniabot ang kamay nya.

"Nico" nakangiting sabi ni Nico at tinanggap ang pakikipagkamay nito.

"Glad na ikaw nakatabi ko. Sabi kasi ni Gem, sayo ko makipagclose tsaka sa girl with the name Ailene, tama ba?" Sabi ni Keith.

"Ahh, i see. Well, yung Ailene na tinutukoy mo, ayun sya oh! Halos mabali na yun leeg kakalingon sayo. Lakas tama nun sayo e" natatawang biro ni Nico.

Sinundan naman ni Keith ang direksyon na tinitingnan ni Nico at kumaway naman si Ailene na kilig na kilig. Gumanti din naman ng kaway si Keith kung kaya't mas lalo itong kinilig.

"Kita mo na? Lakas tama e no? Pero mabait yun. Di naman yun nangangagat" biro pa ulit ni Nico.

Natawa naman si Keith sa banat nito.

"You're cute. Bolero ka din" sabi ni Keith at tila nag-init naman ang mga pisngi ni Nico. Tumungo ito upang di makita ni Keith ang pamumula ng kanyang mukha. "Ahm, mind if i ask you something?" Dagdag nito.

"Sure, ano ba yun?" Tanong ni Nico.

"Ahm, you, are you? Ano---" sabi ni Keith na pinutol na ni Nico.

"You're asking me if i'm a lesbian? Well, kind'a" sabi ni Nico.

"Aw, i hope i don't get you offended" sabi ni Keith na may paghingi ng paumanhin sa itsura ng mukha nito.

"Naah, it's okay. Walang kaso sakin" sagot ni Nico.

"Thanks. Friends?" Tanong nito.

"Friends!" Sagot ni Nico.

Natapos na ang klase nila. Agad na lumapit si Ailene sa pwesto nina Keith at Nico pagkalabas ng teacher nila.

"Hi!" Bati ni Ailene kay Keith.

"Oh, hi. Ailene right?" Sabi ni Keith.

"Ihhh, nakakakilig naman. You know my name na" sabi ni Ailene na parang kiti kiti sa sobrang kilig.

"Oist, bff. Tss!" Sita ni Nico. Napangiti na lang si Ailene at nag-peace sign dito.

"How come you already know my name?" Tanong ni Ailene matapos humila ng upuan paharap kay Keith.

"Gem told me awhile ago na sa inyo daw ako ni Nico unang makipagkilala kasi you're her friends. Then, Nico confirmed din naman" Keith explained.

"Ahh, i see. Tama naman. Barkada kasi kami nina JB, Gem, Glendon at Nico. Then, ikaw na rin. Welcome!" Sabi ni Ailene.

"Wow, thank you" sabi ni Keith. "Okay lang din ba sayo Nico?" Baling nito kay Nico.

"Oo naman. Welcome!" Sagot ni Nico.

"Geez, thanks!" Sagot ni Keith.

"How long have you been in the States?" Tanong ni Ailene.

"Well, i was born there. Umuuwi lang kami dito to spend some vacation. We usually spend it with Gem's family" sagot nya.

"Good thing you could speak the Filipino language" sabi ni Ailene.

"Tagal ka na pala dun no? E bakit umuwi na kayo dito? For good?" Sabi naman ni Nico.

"Kahit naman kasi nasa States kami, tinuruan pa rin nila ako mag-Filipino. And then, we transferred na dito kasi dito na ang assignment ng daddy ko sa trabaho nya. Matagal na rin kasi nyang gustong dito na manirahan. Di lang magawa before gawa nga ng work nya" paliwanag ni Keith.

"Ahhh" sabay na sabi nina Nico at Ailene. Nagkatawanan naman sila.

Maya maya ay dumating na ang susunod nilang teacher kaya bumalik na sa pwesto nya si Ailene.

Nagtuloy tuloy ang klase hanggang sa lunchbreak na sila. Sabay sabay na silang tatlo na nagpunta sa canteen.

"Grabe Keith, all eyes on you ang madla. Ang gwapo mo naman kasi!" Sabi ni Ailene.

"Tss, naiilang nga ako e" sabi ni Keith na kita nga ang pagkailang.

"Don't worry, masasanay ka rin sa mga yan" sabi naman ni Nico.

Pagpasok nila ng canteen ay agad nilang nakita sina JB, Glendon at Gem. Kumakaway ang huli sa kanila. Lumapit sila patungo sa pwesto ng mga ito.

"Hi couz, hi girls. Naks, mukang close na kayong tatlo ah" sabi ni Gem.

"Hi couz. They're nice naman kasi. I easily get along with them. Mga jokers din kasi, lalo na tong si Nico" sabi ni Keith.

Napatingin si Nico sa dalawang lalaking kasama ni Gem. Parehong nakakunot ang noo.

"Problema nitong dalawa?" Isip ni Nico.

"Dito na kayo umupo. Sabay sabay na tayong maglunch" sabi ni Gem. "Love, ako na bibili ng food natin. Anong gusto mo?" Baling nito kay JB.

"Kahit ano love. Kagaya na lang ng sayo" sagot nito.

"Okay. Ikaw couz, what do you want?" Tanong ni Gem kay Keith.

"I'll buy my own. Want to experience everything here. Thanks" nakangiting sagot ni Keith.

"Oh, okay! Let's go?" Aya nya sa amin. Tumango naman kami. Si JB lang ang naiwan sa mesa.

"Ahm, Nico, what's that?" Tanong ni Keith sa inorder ni Nico.

"Dinuguan yan. Try mo mamaya, masarap yan. Order ka na din ng sayo para kung di mo to magustuhan, may option ka pa" sabi ni Nico.

"Ah, okay. Eto na lang. Seems nice" sabi ni Keith at inorder ang afritada.

"Wala bang ganyan sa inyo Keith?" Tanong ni Ailene.

"Actually, i've already seen them pero di oa ko nagtry" sabi ni Keith.

"Kung ganon, try mo na ngayon. Masarap yan!" Sabi ni Ailene.

"Wag kang mag-alala, di ka made-dedo dyan" singit naman ni Nico.

"Made-dedo? What's that?" Takang tanong ni Keith.

"Ibig sabihin, di mo ikakamatay yan" singit ni Glendon.

"Ahhh, i see. Yun pala yun" sabi ni Keith.

Nagkatawanan naman silang lahat at nagsimula nang kumain.

Pakners in Lab (Ongoing - Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon