Kahit na ni sa panaginip ay hindi naisip ni Zumi na darating ang ganoong pangyayari sa buhay niya. Wala naman siyang ibang ginusto kundi ang mapalago ang sarili at mamuhay ng payapa kahit na nga ulila na siyang lubos at kahit pa nga madalas na ipinapamukha sa kanya kung gaano kalungkot ang buhay ng isang Zumi Arcilla. Walang magulang, walang kapatid, piling kaibigan at zero love life for five years!
Hindi na lamang iyon pinapansin ng dalaga dahil para sa kanya, kilala niya ang sarili niya at masaya siya sa kung ano mang mayroon siya bilang senior editor-in-chief ng isang sikat na travel magazine. She learned to live life at its fullest, look at its brighter side and accommodate only what she thinks will serve her best. And what 'best' will that be? The next Vice President for Operations of Traveler's Timeline!
Until she met Lee Yong Jin, a Filipino-Korean bachelor, business tycoon and ''Asia's Man of the Hour" na kailangang mainterview ni Zumi para sa magazine nila kapalit ang promosyong inaasam. Packed with lots of self-confidence, tinanggap niya ang assignment without thinking that this certain Lee Yong Jin is known to be a serious, unaccommodating and aloof one.
Akala ni Zumi ay ganoon lamang iyon kadali. Hanggang sa nagising na lamang si Zumi na hindi na ang promosyong hinahangad ang nais niyang makuha kundi ang atensiyong ipinakita at ipinaramdam ni Jin sa unang beses pa lamang na nagkita sila sa Isla La Jardin.
Kasabay ng pagkakalapit nilang dalawa ay ang unti unting pagbukas ng madaming katotohanang muling nagbalik kay Zumi sa nakaraan. Kasabay pa noon ang pagkatuklas niya sa damdaming ayaw na niyang mawala at kung maaari sanang angkinin na lamang niya habambuhay.
Ano ang uunahin ni Zumi? Pangarap para sa kinabukasang hindi na siya sigurado o ang damdaming umalipin sa kanya at nagtulak upang balikan ang isang bahagi ng buhay niyang inakala niyang naibaon na niya sa limot? At si Jin, ano nga ba ang papel nito sa buhay niyang 'dull' sabi nga ng iba? Mananaig ba ang pag-ibig laban sa magkaibang pananaw at prinsipyo? Sino ang mananalo nino? Paano mananalo ang isang talunang naghahangad lamang ng isang panalong magpapasaya sa kanya habambuhay? At kaya bang talunin ng isang maitim na balak ang isang dalisay at tapat na pag-ibig?
ABANGAN!
BINABASA MO ANG
Whenever, Wherever You Are(DOTS-Inspired Story)
FanfictionIf you hide, I'll seek for you. If you're lost, I'll search for you. If you leave, I'll wait for you. If they try to take you away from me, I'll fight for you. Cause I never want to lose someone I love.