Naging mainit ang pagtanggap sa kanila ni Jin ng mga katutubong Tagbanwa. Bagamat nakakitaan ng kuryusidad ang mukha ng lahat, taos-puso naman ang mga itong nakihalubilo sa kanila, entertaining them with songs and dances na hindi na nahindian ng dalawa nang akayin sila ng mga batang makisayaw sa mga ito. Noong una ay alanganin pa si Zumi pero nang makita ang kasiyahang nakapinta sa mukha ni Jin, nawala ang pagdadalawang-isip niya. Lalo na nang hawakan siya nito sa kamay habang ginagaya ang indak ng mga bata.
May kung anong mahika na bumalot sa pagkatao ni Zumi habang nakikisaya nang mga oras na iyon. only then she realized na napakatagal na pala niyang hindi nararamdaman ang ganoong pakiramdam. Ang tumawa lang ng tumawa at hayaan ang sariling sumabay sa agos ng tawa ng lahat ng naroon. Na bigla na lamang sumagi sa isip niya na tama nga yata ang perception ng mga nakakakilala sa kanya. That her life is undoubtedly boring. Colorless. Meaningless.
Karamihan sa mga netibong naroon ay marunong magsalita ng Tagalog bagamat may tono lang at nakilala na rin niya si Nana Liway na siyang nagbihis sa kanya. Ayon pa dito, gulat na gulat ang lahat nang hangos na bumaba ng yate si Jin at tinawag ito pati na rin ang nagsisilbing lider ng mga taga-roon na si Tata Mulong.
Nawalan umano siya ng malay at labis na nabalisa si Jin kaya naman napaaga ang pagdating nito sa isla. Nang maayusan siya at masigurong nasa maayos na lagay na ay hinayaan na siyang makapagpahinga ng mga ito. Gawain na raw ni Jin ang dalawin sila kapag nasa Pilipinas ito na nagyayari ng isa o dalawang beses lamang sa isang taon.
"Paano niyo pong nakilala si Jin?" Tanong ni Zumi na katatapos lang kumain ng hapunan at sinundan si Nana Liway papunta sa mesang kinalalagyan ng mga pagkain na di-kalayuan sa umpukan.
"Siya na lamang ang magkukuwento sa iyo. Ibinilin ni Jin iyan sa amin."
"Talaga po? At kailangan niyo pong sundin ang sinabi niya?"
"Oo. Kahit nasa malayo at bihirang magawi si Jin dito, laging may tulong na dumarating na ayaw naman niyang ipaalam sa lahat. Dahil sa kanya kaya kahit malayo sa sibilisasyon at syudad ang isla namin, tahimik at kuntento kaming nabubuhay rito. Dahil sa kanya kaya kami may pagamutan na ang mga iskolar niya rin ang tumatao. Madaming napaaral si Jin na katutubo at kami lamang nina Tata Mulong ang nakakaalam na sa kanya galing ang tulong kaya naman mahal na mahal namin iyan kahit noon pang una siyang nagawi rito."
"M-medyo hindi ko naiintindihan, Nana Liway. Iba po ang Jin na kilala sa mundong ginagalawan niya kaysa sa sinasabi ninyo at nakikita ko."
"Makulay ang buhay ng batang iyan, Binibini. Isa lang ang sasabihin ko sa iyo. Kanina ko lang siya nakitang natakot ng ganoon habang pinagmamasdan ka niyang walang malay. Bumalik na tayo roon."
"S-sige po."
"Oo nga pala, may nakahandang kubo para sa iyo. Katabi ng kubo ni Jin. Sabihin mo lamang kapag gusto mong magpahinga ulit."
"Maraming salamat po, Nana Liway."
=======
Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin dalawin ng antok si Zumi. Kanina pa siya pabiling biling sa kinahihigaan hanggang sa nagpasya siyang lumabas ng kubo.
Suot ang jacket ay nagpalinga linga si Zumi. Maliwanag ang paligid dahil sa sinag ng malaking buwan na nakatunghay sa kabuuan ng isla. Ayaw mang tanggapin ng isipan niya subalit nagugustuhan niya ang naririnig na ingay ng along humahampas sa dalampasigan. May mga gaserang nakasabit sa labas ng bawat kubo. Napabuntong hininga si Zumi hanggang sa mamataan niya ang taong iyon na nakaupo sa buhanginan habang nakaharap sa kalmadong dagat. Jin!
Dahan dahang siyang naglakad hanggang sa halos tatlong metro na lamang ang layo niya mula sa lalake na hindi pa rin naramdaman ang paglapit niya. Nakataas ang mga tuhod nito at nakapatong ang dalawang braso.
BINABASA MO ANG
Whenever, Wherever You Are(DOTS-Inspired Story)
FanficIf you hide, I'll seek for you. If you're lost, I'll search for you. If you leave, I'll wait for you. If they try to take you away from me, I'll fight for you. Cause I never want to lose someone I love.