"Papa, mabubuhay po ba siya?" Tanong ng sampung taong gulang na si Princess sa amang doktor na si Dr. Froilan Arcilla.
"He will, baby." Sagot naman ng ina ni Princess na si Marga na isa ring medical practitioner.
"Kawawa naman po siya, ano?" Saad ng unica hija ng mag-asawang Arcilla na nakatunghay sa binatilyong tantiya ni Dr. Froilan ay nasa labintatlong taong gulang.
Nakita nila itong nakahandusay sa mabatong bahagi ng private resort na iyon na pag-aari ng pamilya sa isang maliit na isla at may tama ng baril sa kanang tagiliran. Dahil sa tawag ng sinumpaang tungkulin, pinagtulungan nila itong dalhin sa nagsisilbing tila maliit na clinic sa basement ng bahay kung saan may mga gamit pang-medikal.
Natanggal ang bala nang walang gaanong komplikasyon at nagising na rin ito bagamat muling nakatulog dahil sa tindi ng pagod at hirap na naranasan.
"Hon, kailangan na nating maireport ito sa mga police sa bayan," suhestiyon ni Marga.
"Sabado pa lamang ngayon. Sa Huwebes pa ang balik ng bangka dito sa isla. By that time, makakausap na natin siya at malalaman na natin kung anong nangyari."
"He looks like a Korean anime, Papa."
"Hahaha. Mukha ngang hindi Pinoy ang batang ito. Baka naman bakasyunistang nakidnap, hon?" Turan ni Marga.
Napabuntong hininga si Froilan. "Mukha nga. Hindi bale, ang importante ligtas na siya. Let's go upstairs. He'll be fine here."
"Mabuti pa nga. Nagugutom na ako. Let's go, Princess." Wika ni Marga na hinila na ang anak patalikod sa kamang kinahihigaan ng pasyente. Isang sulyap muna ang iginawad ni Princess rito.
Matangos ang ilong ng binatilyo, makipot ang labi na bahagya pang namumutok sa gilid sanhi marahil ng pagtama ng matigas na bagay. Ang may kakapalang kilay ay bahagyang magkasalubong. Ang may kahabaang buhok nito na tulad ng mga hinahangaan niyang KPop groups ay nakatabing sa noo. Maputi ang complexion nito at may kapayatan din.
"Pwede ko po ba siyang bantayan mamaya, Mama?"
"Sure, baby. Better talk to him para magising na siya so we can ask him what's his name and where he came from."
"Okay po, Mama."
Kinabukasan na nagising ang pasyente ng mag-asawang Arcilla. Nagulat pa ito nang mabungaran si Princess na nakamata rito habang tinicheck ng amang si Froilan ang dextrose na nakakabit sa kaliwang kamay.
"Noo go sae yo?!!" Malakas na saad nito na agad na napabangon ngunit mabilis ring bumalik sa pagkakahiga dahil sa pagsigid ng kirot sa sugat nito sa tagiliran. Nagkatinginan ang mag amang Froilan at Princess sa narinig na wika ng lalake. Agad na dumalo si Froilan at tiningnan ang sugat nitong tumagos pa ang dugo sa gauge na itinapal rito.
"You've been shot. How are you feeling?" Tanong ni Froilan na agad ring tiningnan ang vital signs ng pasyente. Hindi ito umimik bagamat malikot ang mga mata.
Nang magtama ang paningin nila ni Princess, hindi na nito inialis ang tingin sa babae.
May kakaibang kaba naman na naramdaman si Princess nang magtama ang paningin nila ng binatilyo. Mapupungay ang singkit nitong mga mata na matiim kung tumitig.
"Argh!" Hiyaw nito nang bahagyang pisilin ni Froilan ang balikat nitong namamaga pa.
"You have to stay here for days. Your wounds need to be healed first then we can go to the police station and have this reported."
Sa narinig ay sunog sunod na umiling ang binatilyo. Muling naglikot ang mga mata nito na tila ba may kinakatakutan. Akmang babangon itong muli at balak kalasin ang dextrose sa kamay nang pigilan ni Froilan sa magkabilang balikat.
"Okay, okay. Calm down. Tell us what happened when you're ready, okay? You take a rest."
Nagpupumiglas pa rin ito at di na nakatiis ang batang si Princess na lumapit at marahang hawakan ito sa braso na ikinapatda nito.
"Hey, Papa is a good doctor as well as Mama. They can take good care of you. I'm looking after you, too when you're still sleeping."
Muling nagtama ang mata nilang dalawa. Ang nakangiting mukha ni Princess ay tila gamot na kumalma sa binatilyo hanggang sa unti unting namuo sa mga labi nito ang pilit na ngiti.
====
Ang malakas na tunog na iyon ng telepono ang gumising kay Zumi. Naiinis na hinagilap niya ang aparato at iniangat iyon.
"Hello!"
"S-sorry." Hingi ng paumanhin ng nasa kabilang linya.
"Ryan? Napatawag ka ng ganitong oras? May problema ba? Nasaan ka?"
"Nope. Naalala lang kita. Nandito na ako sa bahay."
Napasulyap sa orasan sa night table si Zumi. Mag-a-alas dose na ng madaling araw. Here we go again! Wika niya sa isip.
"Tungkol pa rin ba ito sa pagpayag ko sa ipinapagawa ni Sir Mike? Nag-usap na tayo, hindi ba? Alam mo naman kung gaano kaimportante ang project na ito sa akin."
"Hindi naman na kita mapipilit na igive up ang project na iyan, eh. Ang akin lang naman, baka kako hindi ka pa handang gawin-"
"Dahil may dugong Korean iyong Lee Yong Jin na iyon. Hay naku, Ryan, matanda na ako. Lagi mong sinasabi sa akin na kalimutan ko na ang galit ko sa mga Koreans pero ikaw itong nagpapaalala lagi. Kaibigan ba kita talaga? Yan ba talaga ang inaalala mo o may ibang dahilan pa?"
"Takot ka sa dagat, hindi ba? Sabi ni Sir Mike niyaya daw kayo ng Lee Yong Jin na iyon na magcruise while doing the interview. Paano kung atakehin ka ng phobia-"
"Ryan, handa ako okay? Naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang concern mo pero kailangan kong gawin para sa promotiong inaasam ko. Tatlo kaming mag-iinterview from three different firms so please, worry no more. Tatlong araw lang ako doon."
Walang narinig na tugon sa kabilang linya si Zumi. Tanging ang malalim na buntong hininga ni Ryan ang narinig niya. "I can do this, okay. Masyado ka lang nasanay na magkasama tayo lagi sa mga assignments and projects bilang assistant ko. I'll keep in touch, okay?"
"Mamimiss kita, Zu." Seryoso ang tinig na saad ng lalake. Napailing si Zumi. Minsan gusto na niyang isipin na may lihim na pagtingin sa kanya ang kaibigan ngunit binabalewala niya ang isiping iyon. Ryan is her only best friend. Her only ally. Ang tanging taong nakakaalam ng lahat lahat sa kanya.
"I'm gonna miss you, too Bestfriend. Just be happy for me, okay? And wish me luck 'cause I'm gonna need that big time."
"Yeah, b-bestfriend. Huwag kang mai-in love sa Lee Yong Jin na iyon ha? Kahit suplado iyon eh malakas ang appeal at karisma. Ayaw na ayaw kong nakikita kang nasasaktan, Zumi."
"Ang OA mo na, Ryan. Sige na, maaga pa ang flight ko bukas papuntang Visayas. Tatawagan kita agad pagkadating ko ng Isla La Jardin."
"Pangako?"
"Geez! Yeah, promise."
"Take care."
"You, too. I'll hang up now. Bye." At mabilis na ibinalik niya sa kinalalagyan ang telepono saka muling nahiga at pinilit na makatulog uli.
===
"I love you," mahinang saad ni Ryan na hindi na narinig ng dalagang si Zumi. Napabuntong-hininga si Ryan saka isinuksok sa bulsa ng pantalon ang cellphone at tinanaw ang kwarto ng dalaga mula sa kinatatayuan niya. "I love you, Zumi. And I will always love you even if it's just one-sided. One day, you'll realize that it's me and only me you'll need. I am so sorry but I have to do this."
Ilang sandali pang nanatili si Ryan doon hanggang sa ipinasya nitong umalis na. Dalawang taon na niyang ginagawa ang ganoon. Ang palihim na tanawin si Zumi kapag nandoon ito.
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
Whenever, Wherever You Are(DOTS-Inspired Story)
FanfictionIf you hide, I'll seek for you. If you're lost, I'll search for you. If you leave, I'll wait for you. If they try to take you away from me, I'll fight for you. Cause I never want to lose someone I love.