Chapter 9

133 9 0
                                    


Kanina pa nakatutok sa ginagawa si Zumi habang nakadapa sa kama kaharap ang laptop niya. Nagmamadali ang mga daliri niya na kung nakapagsasalita lamang ang mga iyon ay kanina pa siya nakarinig ng reklamo dahil sa mariin niyang pagtipa.

Masamang masama ang loob niya lalo't higit kay Jin. What's happening, Zumi? Nagpakababa ka sa harap ng isang antipatikong lalake na halos dalawang araw mo pa lang na nakikilala. O kilala mo na nga ba siya? Ikaw namang ewan, naghintay talaga. Kainis!

Malakas na napabuntong-hininga si Zumi saka niya sinulyapan ang relong suot. Mag-a-alas onse y medya na. Pinasadahan niya ng tingin ang nasa screen ng gadget. This has to end, Zumi and get your ass back to Manila. ASAP!

Muli niyang itinuon ang pansin sa ginagawa at napapitlag siya nang marinig ang sunod sunod na katok na iyon sa cabin niya. Binalewala niya iyon thinking it was Jin.

"Ate Zumi!" Malakas na tawag ng nasa labas ng pinto. Napakunot-noo siya. Muling naulit ang tawag na iyon kaya naman wala nang nagawa ang dalaga kundi ang tumayo at buksan ang pinto. Ang batang si Caridad na siyang humila sa kanya ng nagdaang gabi sa umpukan ang naroon at may dalang damit na maayos na nakatupi. Iniabot nito iyon sa kanya.

"Ano 'to?" Nagtatakang tanong ni Zumi.

"Ipinabibigay po ni Nana Liway. Yan daw po ang isuot niyo mamaya sa kasal nina Atong at Ligaya. At ipinapasabi rin po na kakain na."

"G-ganoon ba. Salamat dito at saka pakisabi okay na ako dito. May ginagawa kasi ako para sa trabaho ko, eh. May pagkain naman dito sa yate. Kakain na lang ako."

"Eh si Kuya Jin po ang nag-utos sa akin, eh. Pilitin ko raw po kayo."

"Sabihin mo sa kanya ayos lang ako dito. Susunod na lang ako doon kapag natapos ko na ang ginagawa ko."

"Eh baka magalit po si Kuya sa akin. Dapat daw po kasama kitang babalik doon kina Tata Mulong."

"Hindi magagalit iyon. Ako'ng bahala."

"Eh di raw po niya ako bibigyan ng puto na ginagawa ni Nana kapag wala ka."

"Sinabi niya iyon?"

"Opo. Nakabantay na siya doon sa lutuan ni Nana. Paborito ko po iyon, eh. Kaya sige na po, sumama na po kayo sa akin para ako po ang unang makatikim ng luto ni Nana Liway."

"Ganoon?"

"Opo. At tinototoo niya po ang mga sinasabi niya, Ate Zumi kaya halika na po." Malungkot ang mukhang pamimilit pa ni Caridad.

Muling napabuntong-hininga si Zumi. Napakaimposible mo talaga, Lee Yong Jin!

"S-sige. Ilalagay ko lang ito sa loob."

=====

Alanganing sumunod si Zumi sa bata. Ikinuyom niya ang mga palad at sa isip ay nakita niyang dumapo ang mga kamaong iyon sa panga ni Jin. Inabutan nila si Nana Liwa, Tata Mulong at dalawang iba pa na nakaupo na sa harap ng mesa.

"Nandito na pala si Zumi. Halika na. Nasa kusina si Jin. Siya ang nagpresentang magluto ng ulam natin." Tuwang tuwa na saad ni Tata Mulong.

"T-talaga po?" tanong ni Zumi na naupo sa bakanteng ratan na upuan katabi ang isa pang bakante rin.

"Luto na!" Anunsiyo ni Jin na biglang sumulpot sa likod niya na nanggaling sa maliit na kusina. Bahagya pa itong natigilan nang makitang nandoon ang dalaga.

"Nakow! Namiss ko ang luto mo, Jin." Wika ni Nana Liway.

"Namiss ko rin pong ipagluto kayo, Nana Liway. Dyaran! Tinolang native na manok na may pagmamahal mula sa puso ni Lee Yong Jin."

Whenever, Wherever You Are(DOTS-Inspired Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon