Chapter 5

241 11 4
                                    

Ang mahinang katok na iyon sa pinto ng cabin ang gumising sa diwa ni Zumi. Agad siyang napabalikwas nang maalala kung nasaan siya nang mga sandaling iyon. She checked herself at tinungo ang pinto saka iyon binuksan. Ang nakangiting mukha ni Jin ang nabungaran niya.

"Sorry for waking you up. Baka kasi nagugutom ka na, eh."

Sinulyapan ni Zumi ang suot na wrist watch at nagulat pa siya nang makitang mag-a-alas diyes y medya na ng umaga.

"Oh! I'm sorry. N-nahihilo kasi ako kanina kaya hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Ahm-"

"It's okay. Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

"Medyo. Nasaan na ba tayo? Bakit hindi na yata gumagalaw ang yate?"

"Nasa gitna pa rin tayo ng dagat. Maliliit lang ang alon dito kaya hindi masyadong mauga. Let's eat."

"H-hindi ka pa kumakain?"

Marahang umiling ang lalake na nakahalukipkip at titig na titig na naman sa kanya. When will you stop staring at me like that?

"Naku, pasensiya ka talaga Mr. Lee-"

"It's Jin, right?" Saad nito saka tumalikod at nagpatiuna. "Pagsabayin na natin ang breakfast at lunch tapos let's take a swim-"

"No! Please, ayaw ko." Mariing tanggi ni Zumi.

Nilingon siya ng lalake. "Don't worry, akong bahala sa iyo."

======

Ang katok na namang iyon ang nagpaigtad kay Zumi na nakaharap sa isang half-sized mirror sa loob ng cabin na nakatalaga sa kanya.

"Ready ka na?" Anang tinig ni Jin mula sa labas ng pinto. Napakagat-labi si Zumi. Naghalungkat siya sa cabinet na naroon and she found shirts and ladies' garments inside. May mga pares din ng bathing suits doon na hindi niya pinagkaabalahang tingnan man lang. She chose a white sleeveless cotton shirt at itim na shorts. "Zumi?" Muling tawag ng binata.

"C-coming." Sagot niya. Nagpakawala muna siya ng isang malalim na buntong-hininga. Ipinusod niya ang buhok paitaas at muling pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin. Naglagay lamang siya ng kaunting pulbos sa mukha at isinuot niya ang cardigan saka tinungo ang pinto.

Ang seryosong mukha ni Jin ang sumalubong sa kanya bagamat nakita niya sa mga mata nito ang isang emosyon na hayun at namayani na naman sa puso niya ang kaba. Napalunok si Zumi lalo na nang mapansing tila walang balak na umalis mula sa pagkakaharang sa pinto si Jin.

"You're beautiful." Mahinang anas nito. Napayuko si Zumi. "Hey, hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" Wika nito na hinuli ang tingin niya.

"P-pwede bang umalis ka sa harap ko?" Wika ni Zumi.

"I said you're beautiful." Mapait na ngumiti ang dalaga saka sinalubong ang tingin nito.

"Hindi ka pa ba sanay na nakakakita ng magaganda sa paligid mo, Mr. Lee? Let's go. Let's do this scheme of yours so I can proceed with my goal why I'm here."

"Easy, Zumi. We'll take things slow." Saad nito saka tumalikod na. Gustong mainis ni Zumi sa sarili. Hindi na niya maintindihan ang itinatakbo ng isip niya na hayun at tila tauhan siyang basta basta na lamang sumusunod sa kung anong ipinag-uutos sa kanya. Napabuntong-hininga si Zumi. Gusto niya nang sapakin ang sarili at baka magising siya mula sa panaginip na iyon.

Nang iangat niya ang tingin, she realized that she's not dreaming. Patunay ang asul na dagat na nasa harap niya na pilit niyang hinaharap kahit pa nga ang dulot noon sa kanya ay ang mga pasakit na ayaw na sana niyang maramdaman. Damn you, Promotion! Kapag nakamit na kita, malilintikan ka sa akin!

Whenever, Wherever You Are(DOTS-Inspired Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon