Halos naroon na lahat ng taga-isla nang dumating sila sa pagdarausan ng kasal at halos magkakatulad ang kasuotan ng mga naroon.
Magkahiwalay ng pwesto ang mga lalake at babae. Tanging sina Jin at Zumi ang tatayong ninong at ninang ng mga ikakasal. Nasa kalagitnaan na ng seremonya ngunit nararamdaman pa rin ni Zumi ang pakiramdam na iyon na tila may nagmamasid sa kanya.
Napalingon sa kanan at kaliwa niya ang dalaga hanggang sa mahagip ng mata niya si Jin na nakatingin na naman sa gawi niya. Ngumiti ito sa kanya ngunit irap ang isinukli niya. They were doing such thing hanggang sa matapos na ang seremonya bandang alas singko y medya ng hapon.
Nang magpalakpakan ang lahat ay wala sa loob na napatingin si Zumi sa bagong kasal. Larawan ang mga ito ng dalawang taong labis na nagmamahalan. Dalawang taong pinagbuklod ng isang wagas at tunay na pag-ibig na naging mailap kay Zumi sa loob ng limang taon.
Napabuntong-hininga ang dalaga. Limang taon na mula nang maghiwalay sila ng kasintahang medical practitioner na si Johnson at ang dahilan, ang pagiging nagger at possessive ng binatang doctor. He was her first boyfriend at walong buwan pa lamang silang magkasintahan noon. She was so fed up until they decided to call it quits.
Muli silang nagkita ni Johnson pagkalipas ng tatlong taon and he confessed that he loves her still. Naging makulit na ito at sunod ng sunod sa kanya. Palagi rin itong nagpapadala ng mga regalo sa opisina at sa condo niya na labis nang ikinaiinis ng dalaga.
Until one night, lasing na kumatok ito sa unit niya. Hindi niya malaman kung paanong nakalusot ito sa guwardiya at nag-eskandalo pa doon. Si Ryan na kalilipat lang sa katabing unit niya ang umawat dito at nang hindi makinig ay sinuntok ito ng lalake. Nagpang-abot doon ang dalawa hanggang sa dumating na ang mga security personnel ng condo at kaladkarin ng pilit si Johnson.
Doon na sila naging magkaibigan ni Ryan na isang freelance photographer. Gwapo ito, matalino at may sinasabi sa buhay. Registered Physical Therapist pero mas sinunod ang pangarap na larangan, ang pagiging photographer nga and he's doing good at it.
Ito na ang lagi niyang kasama kapag pareho silang may bakanteng oras. Napagkamalan na nga silang magkasintahan ngunit ipinagkikibit-balikat lamang ng dalaga ang isiping iyon. Ipinangako niya sa sarili na kapag nagmahal siya ulit, that'll be the last.
She's now thirty years old at habang sinusundan ng tingin ang ikinasal, may damdaming biglang nabuhay sa kaibuturan ni Zumi. Ano kaya ang pakiramdam kapag natagpuan mo na ang taong nakatadhana para sa iyo? Ang taong magiging dahilan ng mga ngiti sa labi mo. Ang taong lagi na lang nandiyn sa likod mo, no matter what happens. Ano kaya ang feeling na ikinakasal ka sa kanya at sabay kayong sumusumpa sa harap ng Diyos na magmamahalan habambuhay? Bakit ganito? Bakit bigla yata akong nainggit?
Dahil sa isiping iyon ay nakaramdam ng kahungkagan si Zumi. Napatitig siya sa kalangitan. Bahagyang may kadiliman iyon at sumisigid na sa buto niya ang lamig na dulot ng hanging nagmumula sa karagatan na nasa di-kalayuan. Nang ibaling niya ang paningin pabalik sa ikinasal ay wala na ang mga iyon. Ang nanunuot na tingin ni Jin ang nakasalubong niya kaya naman napabaling siya sa kabilang direksiyon.
Pagkatapos ng seremonya ay tumuloy ang lahat sa isa pang venue kung saan nakahanda ang isang masaganang piging. Muli na namang napuno ng kasiyahan ang gabing iyon. Asikasong asikaso siya nina Nana Liway. Si Jin naman, bagamat nakikihalubilo sa lahat at nakikipagtawanan ay kapansin pansin ang kaseryosohan. Hindi na rin ito muling lumapit pa kay Zumi and God forbid but Zumi suddenly realized that she misses the feeling of being near him. Pilit na inignora ng dalaga ang isiping iyon at lihim na kinastigo ang sarili. Gayunpaman, nararamdaman niya ang tila pag-ignora ni Jin sa kanya at kung bakit ay hindi niya alam.
BINABASA MO ANG
Whenever, Wherever You Are(DOTS-Inspired Story)
FanfictionIf you hide, I'll seek for you. If you're lost, I'll search for you. If you leave, I'll wait for you. If they try to take you away from me, I'll fight for you. Cause I never want to lose someone I love.