Chapter 3

240 10 3
                                    

"Zumi Arcilla of Traveler's Timeline?"
''Yes, ako nga.''
''Welcome to Isla La Jardin, Ma'am. Tori will guide you to your room.''
''Okay. Ahm, pwedeng magtanong? May I know who's the other two na kasama ko to have an interview with Mr. Lee
Yong Jin-''
''Oh. Hindi po ba kayo nainform, Ma'am? The cruise has been cancelled by Mr. Lee himself.'' Nakangiwing saad ng receptionist na kausap ni Zumi. Ikinagulat naman iyon ng dalaga.
''What?! Kailan pa?''
''Bago lang po, Ma'am. Ipinatawag nga po niya sa private conference room iyong dalawang galing ng Maynila na kagabi pa nandito. He said he'll be the one to inform you.'' Paliwanag ng receptionist.
''Argh! Bakit daw kanselado?''
''Hindi po sinabi ang dahilan, Ma'am. Iyong cruise lang naman po yata ang kinansel not the interview. Siniguro rin po niya ang pagiging pribado ng stay niya rito.''
''Madalas ba siya rito?'' Out of curiosity na tanong ni Zumi.
''Three times na po siyang napunta dito. Heto na po pala si Tori. Tatawagan ko na lang po kayo sa kwarto niyo kapag tumawag si Mr. Lee.
''Okay. Tatawagan ko na lang din ang head ko sa Manila for the sudden changes.''

=====

''S-she's here.''
''Good. Make sure hindi siya makakalayo. Most importantly, make sure may resulta ang pagkikita niyo riyan.''
"Y-yes, Sir.''

=========

Maganda ang kwartong nakalaan para kay Zumi. It's a two-bedroom Asian suite na may sarili pang maliit na swimming pool na nakaharap sa malawak na dagat. Mag-a-alas tres pa lamang noon ng hapon at kanina pa siya naghihintay ng tawag mula sa receptionist na nakausap upang malaman niya ang nabagong detalye ng pagpunta roon.
Nakausap na rin niya ang head niya at nasabi ang nangyaring cancellation ng cruise. She has to wait, anito. Talagang ganoon daw ang ugali ng Filipino-Korean na pakay niya roon. Ikinataas ng kilay niya iyon and that Lee Yong Jin starts to create an impression to her. Not a good one! Saad ng isip niya.
Bitbit ang ilang magazines at portfolio tungkol kay Lee Yong
Jin pati na rin ang ballpen at planner niya ay tinungo niya ang swimming pool. Inilapag ang mga dala sa mesitang nasa tabi ng beach rocking chair tsaka tinanaw ang malawak na dagat. Napabuntong hininga ng malakas si Zumi.
Unti unti niyang inilahad sa ere ang magkabilang kamay saka dahan dahang pumikit. Hinayaan niyang haplusin ng malamig na hangin ang katawan niya. Sa madilim na kawalan ay naaninag niya ang dalawang mukhang iyon na nakangiti sa kanya.
''Pa, Ma.'' Mahinang anas ni Zumi. Tila may mabigat na kamay na pumiga sa puso niya. Hanggang sa kusa iyong naging luha na di niya na napigilang pumatak.
When she opened her eyes, she saw herself way down there at the wide blue horizon. Alone and helpless. Nayakap niya ang sarili habang nanatiling nakatayo lamang doon. She stayed there for long as if waiting for something to happen kahit na wala naman. Until she found herself talking to the ocean.
Are you staring at me too? Are you feeling what I'm feeling right now? Can you hear me the way I can hear you rumbling down the shore? Are you seeing what you've done to me? Are you happy now knowing I'm still scared of you?

=======

You haven't changed a bit, Princess. You're still fragile, soft and pretends to be okay all the time. And here I am, missing you more each day.

========
''Enjoying the scene?''

Ang tinig na iyon ang nagpabalikwas kay Zumi at muntik na siyang mapasigaw nang mabungaran ang lalaking nakatayo at nakahalukipkip habang nakasandal sa salaming pinto ilang metro lang ang layo mula sa kanya.
''Y-you.''
''I'm glad kilala mo ako. Sorry for coming in. Bukas kasi ang main door at kanina pa ako naghahanap ng tao rito pero wala naman akong nakita.''
''K-kanina ka pa?''
''Nope. Kadarating ko lang. Umiyak ka ba?'' Kunot-noong tanong ng lalake na walang iba kundi si Lee Yong Jin.
Lumapit ito sa kanya na labis na ikinabog ng dibdib niya. Mas malinaw na ang mukha nito ngayon. Iyon pa rin ang suot nito kanina at mannerism na yata nito mamulsa.
''I'm asking you. Umiyak ka ba? Dahil ba sa panginginig mo kanina habang nasa bangka tayo?'' Muling tanong nito. Huminto ito sa harap niya facing the sun which is about to set. Tama nga ang mga artikulo tungkol dito. He is one hell of a gorgeous, hot hunk that any woman might envy her and wish to be on her shoes right now. But wait! Hindi ba't kilala din itong mailap at mahirap pakibagayan? Anu't ano na nasa harap niya ito ngayon at kinakausap siya? Na basta na lamang itong pumasok sa suite niya?
''You're not supposed to be here.'' Mga salitang namutawi sa bibig ni Zumi na di na niya magawang bawiin. Sa halip na sumagot ay ngumiti ang lalake na lalong nagdulot ng matinding kaba kay Zumi.
''What are these?'' Wika nito na ang tinutukoy ay ang mga magazines at portfolio na nasa mesita. ''Hmm, no need to read these all.. I'm here. Pwede mo akong tanungin.''
''Kilala mo ako?''
''Nakausap ko na iyong dalawa na makakasabay mo sana and the receptionist informed my secretary na nandito na nga raw ang representative ng Timeline. Kaya ako nandito. You're Zumi Arcilla, right?''
''Y-yeah. Bakit mo ikinansel ang cruise? And where are they? The other two na makakasama ko dapat?''
''Do you think mas magandang may proper introduction tayo sa isa't isa bago mo ako banatan ng mga tanong?''
''Oh! I'm sorry. Zumi Arcilla of Traveler's Timeline-''
''Lee Yong Jin.'' Agad na saad nito sabay abot sa kanang palad ni Zumi na nakalahad. ''Call me Jin.''
''But-'' Napahinto sa pagsasalita si Zumi nang biglang tumunog ang cellphone niyang nasa mesita kasama ang mga babasahin. Si Ryan ang tumatawag.
''Ryan-''
''Kanina pa ako naghihintay ng tawag mo.'' May himig-tampong agad na wika nito. Ni hindi man lang nag-abalang kumilos si Jin na diretso pa ring nakatingin sa kanya.
''S-sorry. N-napagod kasi ako sa biyahe tapos may mga changes pa sa nakaset na interview. Tatawagan na sana kita, eh.''
''Ganoon ba? May surprise ako sa iyo, Zu.''
''S-surprise? What's that for?'' Nagtatakang tanong niya sa kaibigan habang nakatingin siya kay Jin na biglang napakunot noo at sumeryoso ang rehistro ng mukha.
''Secret, Zu. Sige na, tawagan mo ako mamaya ha? Teka, nagkaharap na ba kayo ng Lee Yong Jin na iyon?''
''H-hindi pa, eh.'' Pagkakaila ni Zumi. Kumilos si Jin at kinuha ang pen at planner niya saka nagsulat doon. Nang matapos ay iniabot iyon kay Zumi saka tumalikod na at umalis.
''Gonna go now, Zu. See you soon.''
''Sige. Bye.''

Nang matapos makipag-usap kay Ryan ay nagtatakang binasa ni Zumi ang nakasulat sa planner na iniabot ni Jin.

DreamGrace. Shore northeast. 5:00 AM sharp. Be there or you'll be sorry.

ITUTULOY




Whenever, Wherever You Are(DOTS-Inspired Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon