Chapter 2

270 13 0
                                    

"Ma'am?"

"Huh! Ahm, y-yes po?"

"Tara na po, Ma'am. Kayo na lang po ang hindi nakakasampa sa bangka." Saad ng lalaking kanina pa nakatingin kay Zumi. Napalunok ang dalaga at palihim na kinalma ang sarili. Ang panginginig ng tuhod niya ay itinago sa pamamagitan ng suot na mahabang puting palda na nililipad ng hanging-dagat.

"S-sige po. Ahm, Manong dahan dahan lang ho ha? M-may phobia po kasi ako sa dagat lalo na po sa malalaking alon." Di na naitago ni Zumi ang panginginig ng boses. 

"Sige po, Ma'am. Doon na po kayo banda maupo sa loob para hindi ho umikot ang paningin niyo? Huwag niyo pong tingnan ang tubig."

"S-salamat po, Manong." Wika ni Zumi saka siya nito inalalayan upang maupo sa sinasabi nitong pwesto.. Aabot silang kinse na pasahero ng bangka na itatawid papunta sa hanay ng mga nag-gagandanhang resort kabilang na ang Isla La Jardin na siyang natatanging establisyementong nakatayo sa isang maliit na isla sa bandang iyon ng Visayas. 

Malalim na napabuntong hininga si Zumi nang umusad na ang bangka. Bahagya pa iyong gumalaw kaya naman mabilis na napahawak sa railing na kawayan. Nagulat pa siya nang sabay silang napahawak doon ng lalaking katabi na agad siyang nilingon.

Nakaball cap ito at may suot na dark glass at idagdag pang may shawl itong nakapaikot sa leeg. Kulay puting long sleeves polo ang suot nito at puti ring pants. Di niya gaanong mabistahn ang mukha nito at masyado namang awkward kapag nahalata nitong tila pinag-aaralan niya ang hitsura nito. 

Alanganing ngumiti si Zumi na hindi man lang nag-abalang suklian. Muli nitong itinutok ang tingin sa asul na karagatan na di naman magawa gawa ni Zumi. Napasandal sa railing si Zumi nang maramdaman ang biglang pag ikot ng paningin pati na rin ang paggapang ng malamig na hangin sa sikmura niya. Napapikit siya at dinama ang noong may gamunggo nang pawis.

"Okay ka lang?" Anang baritonong tinig na iyon. Di na nag-abalang magmulat ng mga mata si Zumi. Marahan siyang tumango bilang sagot. Nagulat pa siya nang maramdaman ang palad nitong dinama rin ang noo niya. Mabilis na nagmulat siya ng mga mata para lang mapasinghap nang mapagtantong halos isang dangkal lamang ang layo ng mukha ng estrangherong katabi sa mukha niya. He's not wearing his dark glass anymore at sa pagtatamang iyon ng kanilang paningin, humalili ang kakaibang pakiramdam kay Zumi. Dinig na dinig na yata niya ang malakas na tibok ng puso niya dahil sa sensayong hatid ng mga titig na iyon mula sa lalake.

"O-okay lang ako. T-takot kasi ako sa dagat kaya medyo nahilo ako."

Ngumiti ito sa naging sagot niya at palihim niyang nakagat ang pang-ibabang labi. 'atta smirk!

"Hindi ka dapat bumibiyahe ng mag-isa sa karagatan kung may phobia ka. Take this," saad nito sabay lahad sa harap niya ng maliit na bote na tila white flower na nabuksan na.

"Thanks, but no thanks. twenty minutes lang naman daw ito, eh."

"Matigas pala ang ulo mo." Wika nito at naglagay ito ng kaunting drop sa hintuturo saka mabilis na ipinahid sa gitna ng ilong at labi niya.

"Hey!" Iwas ni Zumi. Pinagtitinginan na sila ng iba pang kasama sa bangka noon at tila aliw na aliw sa kanila. White flower nga! Geez!

"Saan ka ba rito banda?" Tanong nito na muling umupo ng maayos ngunit matiim pa ring nakatitig kay Zumi. Nag-iwas ng mga mata ang dalaga. Nang makita ang malawak na dagat ay napalunok siya saka muling napapikit.  Pinagsalikop niya ang dalawang braso saka ipinatong sa railing at doon dumukdok.

She is so unaware na naaliw ang estrangherong katabi niya sa ginagawa niya na hayun at napahalukipkip pa.

"bakit takot ka sa dagat?"

"Bakit andami mong tanong?" Naiinis na balik niya ng tanong rito saka tiningnan ng matalim. Nakangiting nagkibit-balikat lamang ito pagkatapos ay ginaya ang ginawa niyang pagdukdok paharap sa kanya. Napalunok si Zumi sa ginawang iyon ng lalake. 

Muling nagtama ang mata nilang dalawa until Zumi figured out something inside her. Those eyes! Muli siyang napapikit hindi lamang dahil sa muling pagsigid ng pagkahilong nararamdaman kundi para na rin iwasan ang mga matang iyon na hindi niya matandaan kung saan, kailan at kanino niya nakita.

Kahit na nakapikit ay ramdam na ramdam pa rin ni Zumi ang intensidad ng mga titig ng estranghero. Estrangherong bigla na lamang niyang naalalang...

"Lee Yong Jin?" Mahinang anas ni Zumi na nakapikit pa rin at nakakunot noo. Unti unti siyang nagmulat ng mga mata. Jesus! How many times will I close and open my eyes, Lord?!

Ang nakangiting mukha ng kaharap ay unti unti napalitan ng kaseryosohan. Sandali itong nagpalinga linga pagkatapos ay isinuksok sa magkabilang bulsa ng puting pants ang mga kamay at tinalikuran si Zumi.

Hindi na namalayan ni Zumi na malapit na sila sa pakay na isla. Nang tumigil ang makina noon at binigay ang hudyat na pwede na silang bumaba ay saka pa lamang tila nahimasmasan si Zumi. Huli na rin nang mapansin niyang mabilis nang tumayo ang lalake at tila nagmamadaling tinalunton ang malapad na tablang tawiran pababa sa maliit na pantalan. Sinundan na lamang ito ng tingin ni Zumi habang kipkip ang malaking backpack na naglalaman ng mga gamit niya.

"Ma'am, tara na ho. Welcome to Isla La Jardin. Alalayan ko na po kayo." 

"S-salamat po, Manong."

ITUTULOy

Whenever, Wherever You Are(DOTS-Inspired Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon