Chapter 7

154 9 0
                                    

Tuwing tinatanong siya, hindi siya kumikibo. Ayaw niyang magsalita. Ayaw niyang magtiwala kahit na kanino dahil sa pangambang maaari niyang ikapahamak lalo kapag nagsalita siya. Kahit pa nga ang matamis na ngiting iyon mula sa batang babae na ilang araw nang lagi nang nasa tabi niya ay ayaw niyang padala.

Unti unti nang naghihilom ang sugat niya sa kanang tagiliran ngunit ang pait at hapdi ng kalooban niya dulot ng mga nangyari ay hindi naiibsan man lamang. He misses his parents a lot at ang mabuhay sa isang malaking katotohanan na hindi niya na sila makakasama ay nagpapahina sa kanya.

Isang dapit hapon, nasa dalampasigan sila noon ng batang babae. Kanina pa siya nito kinakausap ngunit gaya ng mga nagdaang araw, wala itong naririnig na kahit na ano mula sa kanya. Hanggang sa katulad niya ay pinili na lamang nitong manahimik at titigan ang gintong araw na papalubog na noon.

"Looks like diamonds thrown into the ocean, right?" sambit ng babae na ang tinutukoy ay ang sikat ng araw na nakasabog sa karagatan. Napasulyap siya sa gawi nito. Noon niya lang nagawang pagmasdan ng mabuti ang maamong mukha ng babae. Ang malantik na pilikmata nito ay bumagay sa bilugang mata pati na rin ang maliit ngunit matangos na ilong ay bumagay naman sa manipis at hugis-puso nitong mga labi. Maputi ang kutis nito at ang mahaba at unat na unat nitong kulay-itim na buhok ay tinatangay ng hangin. She's so cute! Anang munting tinig na iyon sa isipan niya.

"Mama said that waves are like medicines. They take away your burdens just by watching them. Is it true? Are your burdens gone now? You're looking at them quite a while now." Inosenteng tanong nito sa kanya na sumulyap rin sa gawi niya.

Nagtama ang paningin nilang dalawa. Gusto niyang magsalita at sagutin ang tanong nito ngunit walang salitang lumabas mula sa bibig niya. Narinig niyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga ang babae.

"It's not true." Malungkot na saad nito. "But you know what, I still love the waves. I like the way they play with me. And they always run after each other maybe trying which will get to me first."

Nagpatuloy lamang ito sa pagsasalita habang nakikinig lamang siya. Ang malumanay na tinig niya ay tila magaang haplos na nagpapakalma sa kanya. Hanggang sa abutin na sila ng dilim doon.

"It's getting cold. Let's get inside." Mahinang saad ng babae na hinawakan siya sa braso. Napapitlag siya at tila napapasong iniiwas ang kamay. Napasimangot naman ang batang babae saka nauna nang naglakad pabalik sa loob ng bahay. Gusto niya itong habulin ngunit hindi niya magawa. Naiiling na sumunod na lamang siya rito para lang mapatda nang marinig ang malalakas na tinig na iyon mula sa sala ng bahay. Tigagal na nakatayo ilang metro lamang ang batang babae na tila hindi napapansin ng mag-asawang kumupkop sa kanya na nagtatalo.

"It's been weeks, Froilan! Anong gusto mong gawin sa kanya?"

"Give me another week, Marga. Kahit na ni pangalan niya hindi natin alam-"

"At wala na tayong magagawa pa sa bagay na iyan. Tell me, Froilan, is this just a simple concern sa pasyente o naaalala mo na naman si Shandi?"

Nagpalitan ng matatalim na tingin ang mag-asawa. Palipat lipat naman sa mga magulang ang nakamulagat na mga mata ng batang babae.

"Anong sinasabi mo, Marga? Walang kinalaman si Shandi dito. My God, Marga. Hanggang ngayon ba nasa isip mo pa rin ang bagay na iyan? Hindi pa tayo mag-asawa noon. At alam mo naman umpisa pa lang kung sino si Shandi sa buhay ko bago ka. What's happening to you?"

"D-dahil naaalala mo ang anak ninyo ni Shandi sa pasyenteng iyan. Tama ako hindi ba?" Sigaw ni Marga.

Wala siyang maintindihan basta't ang nararamdaman lamang niya ay siya ang dahilan ng pagtatalong iyon na nagaganap sa harap ng batang babae. Akmang tatakbo ito palayo ngunit napatda nang makitang nakikinig din siya. Nagtama ang mata niya at ang luhaang mata nito. He wanted to take her away from that scene but seeing those eyes filled with anger, hindi siya makakilos. Tila nanunumbat ang mga tinging iyon and he knows that it's all because of him. Realizations rushed into him until he couldn't bear it anymore.

Whenever, Wherever You Are(DOTS-Inspired Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon