Chapter 1

98 7 2
                                    

Izyle's POV


"Haaaaaay! Ano kayang pwede kong suotin? Ang boring naman kung first day of school, mag u-uniform na agad ako. Sayang naman ang beauty ko no!" Pagkaka-usap ko sa sarili ko sa harap ng salamin.


Matawagan na nga lang si Yya kung anong susuotin niya.



Calling Yya...




"Oh bruha? Napatawag ka?" Bungad ni Yya sa pag sagot ng phone call. Kung makatawag naman ng bruha to! Hmp -_-


"Tsee! Mag tatanong sana ako kung anong outfit ang susuotin mo ngayong first day natin bilang Grade 10." Sagot ko sa tanong niya.


"Well, swim suit ang susuotin ko. Para bungga, diba? For sure, I will be the center of attraction. Hahahaha" Sabi niya sabay tawa. Bruha talaga to!



"Gaga! Wag mo na nga lang sagutin yung tanong ko. Hindi mo naman ako natutulungan eh. Bye na nga! See you later. Labyuuu" Sabay hang up ng call.


Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos kong mag bihis. Napag-isipan kong mag Penshoppe shirt nalang at mag jagger then sneaker. Simple lang, dahil mahirap na, baka matalbugan ko pa ang beauty ni Julia Barreto kapag nag bihis ako ng bongga! Hahaha. Syempre joke lang yun. Kung natataka kayo, well, hindi ako mag-u-uniform dahil first day naman ng pasukan at may 1 week kaming palugit para hindi mag uniform. Yung iba kasi, hindi pa nakapagpatahi ng school uniform nila pero sakin, meron na. Paki nila kung ma civilian ako ngayon? Hahaha.




Bumaba na ako at dumiritso ng kusina. Gutom na ako at sakto ang pagbaba ko dahil amoy na amoy ko na ang nilulutong pan egg ni mama. Hmmm, ang bango talaga!


"Good morning, ma." Bati ko sa kanya sabay upo sa table. Kumuha ako agad ng dalawang pan egg at bacon. Walang rice kasi diet ako. Ehhh, uso ba sakin yun? Hahaha.

"Good morning nak. Kain ka lang dyan ha. Punta lang muna akong mall, mag go-grocery ako kasi wala ng laman ang ref natin. Enjoy your first day. Iloveyou!" Sabi ni mama sabay kiss sa cheeks ko at lumabas na ng bahay. Ang sweet talaga ni mama. :)

Pagkatapos kong kumain, nag toothbrush na ako at kinuha na ang bag ko. Pumunta na ako ng garahe at sumakay sa Lambourgini ko. Oo, may car na ako. ^___^ Gift ni papa nung birthday ko. :D

Sa School...

Literal akong napa-nganga pag pasok ko gate ng South Eastern University. WOW! Just WOW! Mas lalo pa talagang gumanda ang S.E.U. Binago na ang pathways, at mas dumami pa ang malabulaklak na halaman. Tsaka bagong pinta lahat ng buildings ha. Napaka gandang pag masdan ng fountain sa gitna ng oval slash park ng mga estudyante.

"Bruhaaaaaaa!" Napalingon ako sa kinaruruunan ng boses. Si Justine pala, isa sa mga bestfriends ko simula nung freshmen pa kami.

"Kung maka sigaw ka, parang tayong dalawa lang dito. Tingnan mo oh, pinagtitinginan tuloy tayo." Sabi ko sa kanya sabay pout.

"Sorry na. ^____^ Na-miss lang talaga kita. Ang tagal mong hindi nagpakita ah! Nilubos-lubos mo talaga ang bakasyon mo sa Mindanao! Hindi tuloy tayo nakapag-bonding." Nag pout pa siya habang sinasabi lahat ng yun. Ang daldal talaga! Haha. Totoo nga naman, hindi ako nakapag-spend ng time with S-Chix dahil sa bakasyon ko. By the way, S-Chix is my group. It consists of 4 members, charoot. Haha! Si Yya, Rose, Justine at ako lang ang members ng group. S-Chix means SPECTACULAR CHIX. Sa madaling salita, talented na, magaganda pa! ;))

"Wow. Words of Wisdom ba yun, Justine? Hahaha. Wag ka na mag drama, hindi bagay sayo eh. XD Tara na nga, pasok na tayo sa classroom natin. Excited na akong Makita si Yya at si Rose." Sabi ko sabay hila sa kanya.

"Weeh? Sila ba talaga ang gusto mong makita o si Raz? Ayyyiiiieeee." Ngiti-ngiti niyang sabi sabay pindot ng tagiliran ko. Baliw ata to eh! Hahaha. Pero na-miss ko rin naman si Crush, oh I mean, si Raz. Hahaha.

Death SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon