Chapter 16

20 0 0
                                    

Grace' POV



Nabalitaan ko ang nangyari. Isinugod raw sa hospital si Charity. Sinabihan ko kaagad ang iba kong kaklase sa nalaman ko kaya napagdesisyonan naming pumunta agad sa hospital na kinaruruunan nila ngayon.

By the way, Glee Club ang sinalihan kong club. Ayon sa meeting namin, magkakaroon kami ng "CONCERT-FOR-A-CAUSE" sa last day ng foundation. 50 pesos ang entrance fee ng concert na magaganap. Ang malilikom naming pera ay mapupunta sa mga street children. In short, magpapa-feeding program kami. :) Exciting yun! ^___^


Kasama ko sina Johnpaul, Yya, Jacob, Honey, Angelo, Ana, Ejay, Rose, Benj, at Viejy ngayon. Sila lang kasi ang nahagilap ko nung nalaman ko ang nangyari.

Paakyat na kami sa room na kinaruruunan ni Charity.

Nakakatakot talaga dito. Hindi ko talaga gustong pumapasok ako sa hospital.

Bakit ganun, bakit parang kinakabahan ako?

Nasa Room 18 daw sina Charity. Saan ba dito yun?

Hanap...

Hanap...

Hanap...

Hanap...

Hanap...

"Saan ba dito ang Room 18? Kainis naman oh, ba't ba sa 18 pa? Tss -___-" Pag rereklamao ni Jacob. Ayun, nabatukan tuloy ni Yya.

"Mag hintay ka nga nasa Room 12 pa tayo oh! Duuuh. -_-" Nagbabangayan nanaman ang dalawa. Tsk!

Hanap...

Hanap...

Hanap...

Hanap...

Hanap...

ROOM 18

"Ayon! Nandito na tayo." Masayang sabi ni Benj. "Ssshhh! Hospital to babe, hindi ito perya." Sabi ni Rose. Tumahimik tuloy si Benj. Ang cute nila.

"Grace, pumasok na tayo." Pagyaya sa akin ni Johnpaul.

Hinawakan ko ang door knob, at dahan-dahang binuksan ang pinto.

Nahagilap ng mga mata ko ang dalawang babaeng iyak ng iyak at isang lalaking nasa sulok lang at napakuyom ang kamay.

"Meamor." Tawag sa ni Honey kay Meamor. Close friends din sila. Lumingon si Meamor, namumugto ang mga mata niya.

"Honey..." Mahinang sagot niya. "Wala na si Charity. Wala na ang bestfriend ko, Honey." Umiyak na siya ng umiyak. Kawawa si Meamor. Tsk!

Lumapit si Grace, Angelo, Ana, at Ejay kay Meamor. Si Johnpaul, Yya, Jacob at ako naman ay lumapit kina Justine at Beatxy. Si Viejy, lumapit kay Charity. Feeling ko, mahal talaga nila ang isa't-isa. Hindi nga lang nila pinapaalam ang yun.


Viejy's POV


Hindi ako makapaniwala.

Wala na ba talagang buhay ang babaeng nasa harapan ko ngayon?

Bakit ganun? Bakit kinuha siya agad?

Maraming tanong ang nabuo sa aking utak. Hindi parin talaga nag si-sink in sa'kin ang katotohanang wala na si Charity. Wala na ang pinaka mamahal kong babae. :(

Kahit patago lang kaming nag-iibigan noon, masaya naman kami. Maraming pagsubok ang dumaan sa amin pero ito na yata ang pinaka mabigat.

Charity, bakit? Bakit mo'ko iniwan? Diba sabi mo, kapag tayo talaga ang para sa isa't-isa, magkakabalikan pa tayo. Charity alam kong ikaw na talaga ang para sakin. Pero paano pa tayo magkakabalikan kung ako mismo ay iniwan mo na. :(

Hindi ko na namamalayan na may mga luha na palang tumutulo sa pisgi ko.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa nangyari. Hindi ko mapapatawad ang sarili kosa pagkamatay ng taong mahal ko.


Sorry Charity. Sorry...

Death SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon