Chapter 11

15 3 0
                                    

Izyle's POV



Half day lang ang class namin kaya this afternoon pa lang ako papasok.

Nag uniform na ako at kumain ng lunch kasabay si mama.

"Kailan ba ang Foundation Week niyo, nak? Tsaka anong club ang sinalihan mo?" Tanong sakin ni mama habang kumakain.

"Hmm, ngayong October 18-23 yung Foundation Week, ma. Hmm, sumali po ako sa 1D Club." Sabay subo ko ng pan egg.

"1D Club? Ano 'yun, nak?" Nagtatakang tanong ni mama. Nag smile ako bago mag salita.

"One Direction Club po yun, mama. Diba na kwento ko sayo na idol na idol ko ang members ng band na yun. Buti nga't may nag tayo ng 1D Club." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Aaaah. Sino-sino naman ang mga kasama mo sa club na yun?"

"Actually, hindi ko pa po kilala lahat ng members namin pero may classmates din akong kasali sa club nayun, kasama na si Charizze, Arlyn, Gleia, Dianne."

"Hmm, mukhang mag eenjoy ka sa Club na yan anak." Sumang-ayon ako kay mama dahil talagang mag eenjoy ako. ^___^ "Bilisan mo na dyan dahil baka ma late ka." Sabay tayo at nilagay sa sink ang pinagkainan niya.

Lumabas na ako ng bahay at dumiritso sa Lambourgini ko. Nag drive ako papuntang S.E.U nang may nadaanan akong pamilyar sakin. Huminto ako at pinagmasdan siya.

"Meamor!" Napag-alaman kong kaklase ko siya kaya't binaba ko ang window ng kotse.

"B-bakit?" Parang nagulat siya nang makita ako.

"Bakit ka nag lalakad? W-wala ka bang sasakyan? O wala bang nag hahatid sayo?" Naguguluhan kong tanong. Eh kasi nga diba, lahat ng nasa section namin, mayayaman. Eh bakit siya, nag lalakad lang?

"Ah eh, w-wala ang mag hahatid sakin. H-hindi ko alam kung nasaan yun." Hindi ko alam kung dapat siyang paniwalaan pero binalewala ko nalang yun, instead, niyaya ko nalang siyang sumakay. "Sumabay ka na sakin, Meamor. Isang street pa ang lalakarin mo bago mo marating ang S.E.U. Baka ma late ka pa."

"W-wag na. K-kaya ko naman eh. Mauna ka na at may dadaanan pa ako." At nag lakad na siya palayo. Hindi ko na siya pinilit pa at baka ma-late din ako sa klase.

Meamor's POV

Hindi na ako sumabay kay Izyle. Baka malaman pa siya. Mabuti pang dumiritso nalang muna ako ng University.

Naglalakad ako ngayon papuntang 3rd floor. Nahihilo nanaman ako. Sana hindi... Sana mali ako.

"Good afternoon, class." Bati sa amin ni Mrs. Villones. "Today, I will assign you for your upcoming reports. Group yourselves according to your will. Start now."

Lahat kami may group na.

Si Arlyn, Cyril, Charity, at Desirie ang mga kasama ko. Na-assign sa amin ang Teenage Pregnancy at magbibigay kami ng mga impormasyon hingil sa topic na ito.

Kailangan kong kausapin si Mark. Kailangan niyang malaman to. Pero sana, sana hindi totoo ang hinala ko.

"Meamor." Lumingon ako sa nagsalita. Si Charity pala.

"Oh bakit?" Tanong ko sa kanya habang pinapasok ko ang ESP notebook ko sa bag.

"Samahan mo'ko Meamor. Please?" Sabi niya sakin habang hinihila ako.

"T-teka! Saan tayo pupunta, Charity?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Pupuntahan lang natin si Viejy. May kailangan akong sabihin sa kanya. As in, ngayon na. Meamor, please..." Pagpipilit niya sakin kaya no choice na ako.



Viejy's POV

Andito ako ngayon sa Soccer Ground. Hindi raw kasi papasok ang English teacher namin kaya tatambay muna ako dito.

"Ang cute niya."

"Oo nga eh. Section Rizal student yan."

"Talaga? Pamilyar yung mukha niya."

"Balita ko, may ka secret relationship siya."

"Viejyyyyyy!"

Hindi ko na narinig ang ibang conversation ng dalawang babaeng katabi ng bench ko dahil may sumigaw ng pangalan ko. Si Charity yung tumawag sakin.

"Viejy may pag-uusapan tayo!" Pasigaw niyang sabi sakin.

"Anong pag-uusapan natin, Charity? Yung tungkol ba sa nangyari noong sabado?" Alam kong yun ang tinutukoy niya.

"Oo! At may kailagan kang malaman!" Sigaw niya sakin.

"Teka nga! Naguguluhan na ako ha! Ano bang pag-uusapan niyo? Tsaka ikaw naman Charity, bakit mo ba kasi ako sinama dito? Mabuti pang iwan ko muna kayo dahil may gagawin pa ako sa classroom. Ayusin niyo ang problema niyo." Pag dadabog ni Meamor sa aming dalawa. Umalis na siya patakbo. Naiwan kami ni Charity dito sa isang bench.

"Ano bang kailangan mo, ha?!" Pag sisimula ko.

"Gusto kong malaman mo na..." Napahinto siya at umiyak. "Buntis ako Viejy, buntis ako at ikaw ang ama ng batang dinadala ko." Hindi na niya napigilan ang pag hagolgol. Ano daaaaaw!??? Si Charity, buntis?!

"H-ha!!? Wag kang mag biro, Charity!" Napakuyom na ako ng panga. Hindi pwede! Hinding-hindi!

"Sa tingin mo ba, nag bibiro ako? Seryoso ako Viejy! At natatakot ako. Natatakot ako sa mangyayari sakin." Umiyak siya ng umiyak.

"H-h-hindi naman natin yan sinasadya, diba? Kagustuhan natin yung nangyari diba? P-p-pero hindi ko kaya Charity. Hindi ko kayang maging batang ama." Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Alam ko, Viejy. Anong gagawin natin ngayon?" Hindi parin siya tumigil sa pag iyak.

"Hindi pa masyadong nakakapit ang bata dahil 3 weeks pa lang yan." Hindi ko alam kung tama ba 'tong magiging desisyon ko. "Ipa-laglag natin, Charity." Wala na akong ibang alam kundi yun lang. Dahil kapag nalaman to nina tito, siguradong sapul ako at matitigil ako sa pag aaral ko.

"H-h-haaa!? Sigurado ka ba sa sinasabi mo!? Kikitil tayo ng enosente? Ganun ba yun, Viejy!?" Gulat na gulat siya sa sinabi ko.

"Sorry, Charity. Pero yan lang ang natatanging paraan para hindi ito kumalat sa buong University at bago pa ito malaman ng tito ko. Ayokong masira ang reputasyon ng Section natin at lalong-lalo na ang pangalan ko, Charity." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit pero parang may kung anong sakit akong naramdaman. Siguro nakokonsensya ako.

Sorry baby, kailan kong gawin to. Hindi pa ako handang maging daddy sayo.

Death SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon