Chapter 3

53 5 0
                                    

Beatxy's POV



Hinila ko si Justine papuntang cafeteria kung saan nandun sina Izyle. Pagka hawak ko ng kamay niya, parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Spark ba yun?

"Beatxy! Dito!" Bulyaw sa'kin ni Benj. Ang lakas talaga ng boses niya. -___-

Hinila ko nanaman si Justine papunta dun. Ang cute talaga ng dimple niya. *___*

"Tingnan mo nga naman oh, first day palang ang sweet na. Ayiiieee!" Sabi ni Grace na tila kinikilig. Shunga talaga siya. Halaaa! Nakalimutan ko, hinahawakan ko pa parin pala ang kamay ni Justine.

Nagmadali kaming bumalik ng classroom kasi hindi namin namamalayan na 5 minutes nalang, malelate na kami sa first subject namin this afternoon.

"Good afternoon, class." Bungad samin ng babaeng teacher. Nasa 40's siguro siya. "By the way, I am Mrs. Villones and I will be teaching you the ESP subject for the whole year." Pagpapatuloy niya.

Mabilis lumipas ang oras. Maraming estudyante ang nakakalat sa oval dahil dismissal na. Andito kami ng barkada sa isang bench ng oval.

"Dude, may napapansin ako sa classroom natin." Sabi ni Eliezer habang kumakain. Ang taba talaga -__-

"Oh ano naman yun?" Sabi ko.

"Parang iba eh. Kasi kanina, bago ako pumasok, parang may kung anong lamig ang sumalubong sa akin dahilan ng pagtaas ng mga balahibo ko. Tapos kinabahan ako bigla." Sabi niya na tila may takot pero kumakain parin.

"Ano ka ba, Dude! Parang hindi ka lalaki eh. Baka kinilabutan ka lang nung nakita mo si Charizze! Hahahahaha." Kanchaw sa kanya ni Raz. Natawa tuloy ako. XD

"Gago. -_- Kalimutan niyo nga lang yun! Oh ayun oh, chix!" Sabi ni Eliezer sabay turo sa direksyon ng babaeng tinutukoy niya.

"Ang ganda talaga ni Alyana. Walang kupas yung kaputian niya no?" Nakatulalang sabi ni Dave habang nakatingin kay Alyana. Matinik talaga tong si Dave, inlove talaga kay Alyana eh! "Pero para sakin, mas nangigibabaw parin talaga ang ganda ni Grace." Yun oh! Hahahahaha.

"Beatxy! Eliezer! Dave! Raz!" Sabay kaming napalingon sa tumawag samin. Si Yya pala. "Bilisan niyo! Punta tayo ng classroom! Kasi si asdfghjkl" Ha? Di ko na intindihan. Takbo kasi siya ng takbo kay napatakbo na rin kami.

Ang daming tao. Halos hindi kami makadaan -_- "Excuse me! Excuse us!" Sigaw ni Yya kaya pinadaan nila kami.

Bumulagta sa harapan namin ang isang katawan. Katawan ng babaeng duguan. Oo, naliligo siya sa sarili niyang dugo. Si Jossel... Wala na si siya. :((

"Jossel... Jossel bakit? Bakit mo kami iniwan? Sinong may gawa nito!?" Ma-iyak-iyak na sabi ni Honey, ka klase namin. Bestfriend niya si Jossel.

Lahat kami naghihinagpis ngayon. Andito kami sa burol ni Jossel. Hindi talaga ka pani-paniwala na nawalan kami ng kaklase. Sayang si Jossel. Mabait siya. Hindi siya makasarili. Nakakalungkot isipin na wala na siya. Makonsensya sana ang gumawa sa kanya nun. :/

Lumipas ang linggo pagkatapos ng nangyari. Hindi parin kami makapaniwala. Hindi kami makapaniwala na patay na si Jossel, na pinatay siya. Minsan, nag kukwento si Ana, isa sa mga bestfriends ni Jossel, na dinadalaw daw siya nito sa kanyang panaginip at alam kong may dahilan yun.

Gusto niya ng hustisya. Gusto niyang mabigyan ng katarungan ang pagkawala niya.

Sana namahimik ang kaluluwa mo Jossel. 'Wag kang mag-alala, aalamin namin kung sinong gumawa sayo nun. Rest In Peace, Jossel Cupay.

Death SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon