Chapter 21

24 1 0
                                    

Raz' POV


Loko talaga yung mga 'yun. Dadamoves daw ako kay Vhan? Syempre oo. Hahahaha de joke lang.

Naglalakad na ako papuntang locker para masundo si Vhan ng may nakita akong biglang dumaan sa corridor. Ahhh baka si manoong Janitor yun.

"Bwaaaaaaa!" Tangina sino ba yun!? Nilingon ko siya. Suuus, ang love of my life ko pala. "Hahahahahahahaha! Muntanga ka talaga kahit kailan Raz! Hahahahaha! Gulat ka nu? Hahaha" Kung maka tawa naman to -___-


"Taena mo! Hindi ako nagulat ha!" Pag dedepensa ko. Shet, infairness ha, nagulat ako dun haha.

"Taena mo din! Indenial ka pa eh halata naman. Tss" Inaayos niya yung gamit niya.

"Ako na magdadala niyan, baka mapagod ka pa. Di ko pa naman gusto yung nagtatamlay ka." Nag wink ako sa kanya tsaka ko kinuha yung gamit niya.

Naglalakad kami papuntang parking lot ng madaganan ng isang babae si Vhan.

"OUCH NAMAN!" Galit ata eh?

"Sorry po miss." Si ate naman oh, sinaktan pa yung mahal ko. Haha charot lang!

"It's okay - hmm Rose?" Napatingin ako sa babae. May hawig nga sya ni Rose.

"A-ah eh, sige po una na po ako." Nagmadali ma siyang maglakad.

Kapatid kaya yun ni Rose? Eh wala naman kaming alam na may kapatid siya.

"Lika na nga, Raz! Baka maiwan pa tayo eh." Kinaladkad na ako ni Vhan pero napahinto siya. "Luuuuh, yung props namin sa club naiwan ko sa classroom. Lagot! Kailangan ko pa naman tapusin yun." Halatang nag wo-worry siya.

"Kahit kailan talaga, ang tanga mo. Hahaha tara na nga, balikan natin yun." Ako naman ang humila sa kanya.

"Thank you, Raz." Uugh that smile ♥

Pinihit ko na ang door knob ng pintuan at bumulagta sa amin ang isang patay na katawan.

"Oh my ghad!!! Anong nangyari sa kanya!?" Gulat na tanong ni Vhan. Maski ako hindi ko alam.

"H-hindi ko a-alam." Nanginginig na ako sa takot.

"Tatawagan ko sina Justine." Kinuha niya ang phone niya at nag dial.

Sino na naman kaya ang may gawa nito? Uubusin niya ba talaga kami?

"Hello? Oo -- punta kayo dito, please. B-basta! Sige bilisan niyo." At agad binaba niya yung phone.

"VHAN? RAZ? -- OH MY GHAD!!" Bungad ni Rose sa amin. Di naman siya gumagamit ng expressions noon ah? Sabagay nakakagulat naman talaga.

"S-sino gumawa niyan?!" Nanginginig na tanong ni Justine.

"H-hindi d-din namin alam." Sagot ni Vhan habang nagtatakip ng bibig. "Pabalik na sana kami ni Raz sa parking lot kanina pero naiwan ko ang props ng club namin kaya't binalikan namin dito yun pero pag open ng door knob yan ang bumulagta sa amin." Pagpapaliwanag ni Vhan.

"K-kawawa n-naman si S-sugar." Sambit ni Justine.

"Dapat lang sa kanya yan no, pakealamera kasi." Sabi ni Rose tapos inirapan kami. Bakit ganun? Di naman siya ganyan dati ah.

"Rose ano ka ba, kahit papaano kaibigan at kaklase natin siya. At kailangan niya ng hustiya." Wika ni Beatxy.

"Tama. Kailangan niya at ng iba pang mga kaklase nating namatay ang hustisya. Kailangan na nating malaman kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito." Sabi ni Viegy.

"Tara na, ipagpaalam na natin to sa mga staff ng schools habang wala pang 5:00 PM." Sabi ni Benj at tumango naman kaming lahat.


Pumunta kami ng faculty at pinaalam ang nangyari. Hindi sila makapaniwala pero agad silang tumawag ng pulis at pinalinis ang classroom namin. Hindi na kami tumuloy sa pag ce-celebrate dahil sa nangyari.

----
A/N: Waaah sorry minsan lang ako mag update. ^____^ Hectic sched eyy :3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Death SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon