Chapter 6

34 2 0
                                    

Rose' POV



I smell something fishy. Hmmm, parang nag seselos na talaga si Grace kay Izyle at Raz. Tsk!

Pauwi na kami lahat. Sina Grace, Johnpaul at Yya nakasakay sa Baby Ford ni Jacob. Si Eliezer, Dave at Justine, nakasakay sa Ferrari ni Beatxy samantalang Ako, si Benj, at si Raz ang nasa Lambourgini ni Izyle. Actually, si Raz ang nag di-drive.

Pagkauwi ko ng bahay, dumiritso agad ako ng kwarto ko. Napagod ako sa paglinis ng classroom namin eh. -_- Dumagdag pa yung pussy cat na yun! Kadiri nga eh, sobra! Tss.

Nakahiga lang ako kama. July 12 na pala ngayon. Malapit na yung first monthsary namin. ^____^ Ano kaya gift ko sa kanya? Hmm. Bahala na nga, hindi naman maarte si Benj loves ko eh. :D

I almost forgot! Hihi, My name si Rose Ongco. Anak ako ng mga magulang ko. :) Medyo kulot ang buhok ko and I love dancing. Actually, member ako ng isang Dance Troupe ng S.E.U ^___^ Members din sina Yya, Justine at Izyle, Raz, Beatxy at Benj. Samantalang sina Grace, Johnpaul, Jacob ay University Choirs. ;)



Johnpaul's POV

Science time na! Halatang excited lahat ng classmates ko sa activity na gagawin namin ngayon. Sabi ni Mrs. Aguilar, maghahanap kami ng plants and insents inside the University. Actually, by partner kami. Ito yung list ng ma partners:

Ako-Grace
Izyle-Raz
Justine-Beatxy
Rose-Benj
Yya-Jacob
Eliezer-Charizze
Dave-Trishia
Webbie-Junel

Marami pang ibang mag partners. Hindi na nakapalag si Dave nung sinabi ko sa kanyang si Grace ang partner ko. Alam naman na ni Dave na may lihim na pagtingin ako kay Grace. Kahit dinadaan ko lang sa jokes lahat, sa ka loob-looban ko, seryoso ako sa kanya. Pero hindi ko pa kayang ipakita yun dahil alam kong mahal niya parin yung bestfriend slash Ultimate crush niyang si Jello. Tsk!

Andito kami ngayon sa may garden ng S.E.U, kasama ko si Grace at parang mahinhin siya ngayon. Nakaka panibago lang.

"Grace, okay ka lang?" Pag sisimula ko.

"Ah, eh. Oo Johnpaul, okay lang ako." Sabi niya in a cold voice. May problema siya eh, halata naman.

"Pwede mo namang i-share sakin yan, Grace. Hindi mo kailangang itago lahat ng nararamdaman mo." Sabi ko sa kanya sabay lapit sa kinaruruunan niya.

"Ano kasi... Hmm, Johnpaul nasasaktan ako." Napahinto siya. Yumuko siya at niyakap ang sarili niya mga tuhod.

"Ha? A-anong ibig mong s-sabihin, Grace?" Naguguluhan na ako.

"Yung feeling na lahat ng pagmamahal mo inalay mo sa isang taong napaka importante sayo, tapos siya, yung sinukli niya sa pag mamahal na yun, PASAKIT lang. Bakit ganun? Sobrang tanga ko na ba talaga? Martyr na ba talaga ako? Manhid ba ako para hindi ko maramdaman na hindi niya ako kayang mahalin gaya ng pag mamahal ko sa kanya? Johnpaul, ang sakit! Ang sakit sakit!" Umiiyak siya habang sinasabi niya ang lahat ng yan.

Nasasaktan ako. Nasasaktan akong nakikita siyang umiiyak. Umiiyak isang taong di hamak na kaya siyang ipaglaban. Gagong Jello yun! Pinapaasa at sinasaktan niya lang si Grace!

"Grace... Grace okay lang yan. Alam kong masakit. Pero you have to wake up, Grace. Hindi mo kailangang magpaka-tanga sa taong pinapaasa ka lang. Know your worth, Grace. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Madami kami Grace, andito ako. Handa akong saluhin ka. Hindi ko kayang saktan ka nila, lalong-lalo na ni Jello. Hindi ako papayag na ginaganyan ka niya." Napakuyom na ako ng kamay ko.

"Pero bakit ganun? Kahit na sinasaktan niya ako, hindi pa rin nawawala ang buong pag mamahal ko sa kanya? Ang sakit lang kasi binabaliwa niya lahat ng yun." Umangat ang ulo niya, hudyat para punasan ko ang mga luhang umaagos sa pisngi niya.

"Pag-ibig yan, Grace. Sa ayaw at sa gusto mo, masasaktan at masasaktan ka talaga." Ang ganda niya parin kahit umiiyak na siya.

"Johnpaul! Grace!"

Mag sasalita na sana si Grace nang may tumawag sa pangalan namin. Si Benj pala.

"Oh bakit?" Lumapit ako sa kanya.

"Tara sa Classroom! Bilis!" Nagmamadali siya kaya nag madali na din kami.

Sa aming pagtatakbo papuntang classroom, huminto si Grace.

"Johnpaul, mauna ka na."

"Ha? Bakit Grace? Parang may problema sa classroom eh. Kailangan tayo dun!"

"Ah, eh.. B-b-basta! Sige bye."

Tumakbo na siya palayo. Wala na akong magawa kaya nagpatuloy nalang rin ako sa pagtakbo papuntang classroom.

"Excuse me! Excuse me! Padaan po!" Sigaw ko sa mga estudyanteng nag kukumpulan sa pintuan ng section namin. Ano ba to? Anong gulo nanaman ba dito? Tsk.

Nagulat ako sa nakita ko. B-b-bakit? Sinong may gawa sa kanya nito?

Wala na... Wala na si Rupert. Nakita ko siyang nakabitay sa kesami. May sugat din ang pulso niya.

"Rupeeeeeeert!!!" Ma iyak-iya na sigaw ni Jessa, ang M.U ni Rupert. "Bakit ganun? Sinong may gawa sayo nito? Bakit mo'ko iniwan? Ga-graduate pa tayo ng sabay diba, diba Rupert!?" Naka hangad siya habang kinakausap niya ang bangkay ni Rupert.

"Hindi ko na naiintindihan ang nangyayari! Sino ba talaga ang may gawa nito!?" Sigaw ni Dave na halatang galit na.

"Sino ba ang huling nakasama ni Rupert bago lumabas ng classroom?" Tanong naman ni Eliezer.

"Si G-g-g-race! Oo si Grace. Siya ang nag lock ng classroom nang biglang dumating si R-r-rupert para hingin ang susi kasi naiwan niya ang activity notebook niya dito sa c-c-classroom." Pagpapaliwag ni Jessa.

"Johnpaul, asan si Grace? Diba magkasama kayo!?" Tanong ni Benj sa akin.

"Hindi ko alam kung saan siya pumunta. Kanina kasi, habang tumatakbo kami papuntang classroom, huminto siya at sinabing mauna na raw ako. Hindi ko alam ang rason niya kaya't dumiritso na ako dito." Pagpapaliwanag ko sa kanila.

Saan na nga ba si Grace?

Death SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon