Chapter 7

21 2 0
                                    

Grace' POV



Pag pasok ko sa gate ng S.E.U, rumors na agad ang naririnig ko. Kesho ang section namin horror, kesyo may demonyo daw sa amin. Tsss!

1 week na nakalipas simula nung namatay si Rupert. Tsk! Kawawa siya.

First monthsary nga pala ngayon ni Rose at Benj. Edi sila na may lovelife! Hahaha. Sana mag stay strong ang dalawang yun. ^____^

"Grace!"

Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Si Johnpaul pala.

"Oh bakit?" Tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa kinaruruunan ko.

"Ang tagal mong nawala ah. Siguro naman alam mo na." Sabi niya sakin.

"Ah oo eh. Hmm, nagka lagnat ako. Yung tungkol kay Rupert? Oo alam ko na yun. Kawawa naman siya." Pag-rarason ko sa kanya.

"Nagkalagnat ka pala? Ba't di mo sinabi? Sana naalagaan kita." Ang sweet niya. :)

"Ano ka ba! Kaya ko naman sarili ko noh. Tara pasok na tayo." Andito na kami sa classroom. Ang tahimik nila.

"Good morning guys!" Bati ko sa kanila para naman mag ingay sila pero hindi sila kumibo.

"Happy monthsary Rose at Benj!" Bati ko sa kanilang dalawa.

"Salamat Grace." Sabay nilang sagot. Ang tamlay nila.

"Anong problema?" Tanong ko sa kanilang lahat.

"Grace, may alam ka ba sa mga nangyayari?" Nagulat ako sa tanong ni Justine sakin.

"H-ha? A-anong ibig mong sabihin, Just?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Sa lahat ng ito. Sa lahat ng nangyayari. Napapansin na kasi namin na tila iba ang kinikilos mo. Ang cold mo na at parang lagi kang may dinadalang problema. Aminin mo nga, Grace!" Nakakatakot na simpatya sakin ni Rose.

"H-hindi ko k-kayo maintindihan! Ako ba yung bini-blame niyo sa pagkamatay ni Jossel at Rupert?" Naiiyak na ako.

"Oo Grace! Ikaw ang hinala namin. Ano? Huli ka na!?" Mataray na tanong sakin ni Webbie. Ano bang nangyayari?

"Itigil niyo na yan! Walang kasalanan si Grace. Ano ba kayo!" Pagtatanggol sa akin ni Johnpaul. "Alam ko ang dahilan kung bakit ang cold ni Grace, kung bakit nag iba siya." Dagdag pa niya.

Sinabi ni Johnpaul lahat. Lahat ng nalalaman niya kung bakit ako naging cold. Kung bakit parang may problemang bumabagabag sakin.

"Sorry." - Rose
"Sorry, Grace." - Izyle
"Pasensya ka na, Grace." - Yya
"Hindi namin sinasadya, Grace." - Just

"Sorry talaga, Grace. Sobrang stress na talaga kami kung anong nangyayari sa section natin. Alam mo naman na siguro yung mga rumors na kumakalat sa school. Pinoprotektahan lang namin yung image ng section natin, yung images natin kasi kilala tayo ng buong university at siguradong wasak lahat yun kapag nagkataon." Pagpapaliwanag ni Rose sa akin.

"At tsaka, kaya kami naghinala sayo kasi bigla ka nalang nawala. Hindi ka man lang nagpaalam. Maski si Johnpaul hindi alam kung anong nangyari sayo. Kaya doon namuo ang hypothesis sa utak namin, na pwedeng ikaw ang salarin. Pero mali kami." Dagdag pa ni Izyle.

"Hindi mo naman kasi sinabi na may problema ka. Andito naman kami Grace, para tulungan ka. Andito ako, best buddies tayo diba?" Singit ni Yya. Tama, dapat sinabihan ko sila. Dapat alama nila ang problema ko dahil barkada ko sila.

"Diba may motto tayong pinapanindigan. Problema ng isa, problema ng lahat. Diba, Grace? Sana sinabi mo samin, para ma bugbog namin yung Jello na yun!" Sabi ni Dave na umiinom ng Gatorade.

"Sorry guys. Sorry kasi hindi ko sinabi sa inyo. Sorry kasi hindi ko napanindigan ang motto nating mag babarkada. Sorry kasi ang tanga ko. Tama si Johnpaul, hindi ko dapat ipinipilit ang sarili ko sa taong hindi ako gusto. Oo, hindi ako nagpakita ng ilang araw. Nilagnat kasi ako at dahil daw yun sa depression. Lagi ko kasing iniisip yung masasakit na salitang binitawan sakin ni Jello. Kaya yun yung naging resulta." Paliwanag ko sa kanila. Ang bait talaga nila. Hindi nila ako pinapabayaan.

"Bakit ba, Grace? Ano bang sinabi niya sayo?" Tanong ni Eliezer sakin.

"Ganito kasi yun."

**Flashback**

Sabado ngayon. Mag kikita kami ni Bestfriend. ^_____^ Namimiss ko na yung ngiti niya, at yung amoy niya. Miss ko na si Jello. :D

Ano kayang magandang suotin? Hmm. Ah! Susuotin ko nalang yung Hello Kitty shirt na ibinigay niya sakin nung birthday ko tsaka mag jejeans nalang ako at flipflops.

Andito ako sa mall ngayon particularly, dito sa Pizza Hut. Sabi kasi ni Jello, dito daw kami mag kikita. Hmm, naalala ko pa, nung first time naming lumabas, dito kami kumain. Favorite namin ang Pizza.

"Grace..."

Ang boses na yun. Na miss ko yun. Pero bakit ang cold? Tsk. Nilingon ko ang tumawag sakin. Ang gwapo na niya. Miss ko ng kurutin ang pisngi niya.

"Jello! Halika ka dito!" Masigla kong aya sa kanya. "Tseb, namiss kita sobra!" Niyakap ko siya pero inalis niya ang mga kamay kong nakapulupot sa leeg niya. Parang may iba...

"Namiss din kita, Grace. Hmm, may pag uusapan sana tayo eh." Sabi niya in a cold voice. Is there something wrong?

"Ah, hmm, sige. Anong pag uusapan natin, Tseb?" Kinakabahan ako. Parang may iba eh.

"Ganito yun, Grace." Mula sa pagiging cold, naging seryoso ang mukha niya. Bakit hindi na niya ako tinatawag na sa callsign namin? :( "Grace, kailangan mo na akong layuan. Itigil na natin to. Gusto kong wag mo na akong tawagan, itext, ichat, at kausapin. Sa madaling salita, putulin na natin ang komunikasyon sa isa't-isa Grace. Hindi ko kayang mag selos ang girlfriend ko ng dahil sayo. Hindi ko siya kayang mawala ng dahil sa kung anong meron tayo ngayon. Sorry Grace, but I am ending our friendship starting today. I have to go. Bye." Parang may kung anong tumusok sa puso ko. Ang sakit! Ang sakit sakit ng mga binitawang salita ni Jello, ng bestfriend ko.

Hindi na ako makapag salita. Na stiff ako sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sunod-sunod na pumapatak ang mga luha ko, ni hindi ko nga namalayan na ako nalang mag isa sa table na inuupuan ko. Iniwan na niya ako, iniwan niya ako sa ere.

Nagulat ako ng may nag punas ng panyo sa pisngi ko. Nilingon ko siya. Si Johnpaul pala.

"Okay lang yan Grace. Hawakan mo oh." Iniabot niya sakin ang panyo. "Ganyan talaga, sa buhay natin hindi lahat ng bagay permanente. Pero 'wag kag mag-alala Grace, kung may umaalis, may dumadating." Ang mga salitang yun, nakakagaan ng loob.

Salamat Johnpaul. Salamat at sinalo mo ako.

**End of Flashback**

"Wow Johnpaul! Nag alay ka ng Words of Wisdom ah! May utak ka din pala. Hahahahaha." Kanchaw sa kanya ni Beaxty. Natawa nalang kaming lahat.

"Wag ka mag-alala Grace, andito kami. Handa ka naming tulungan. Isang pamilya tayo dito." Sambit ni Izyle.

Salamat Papa God, kasi biniyayaan mo ako ng mga kaibigang handa akong tulungan sa kung anong problema ko ngayon.

Death SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon