Chapter 9

18 2 0
                                    

Dave's POV



Hindi nag tipon-tipon ang barkada kaninang lunch time. Masyado kasing naging busy ngayon at dahil yun sa Club Selecting. Hmm, Minecraft Club pala ang sinalihan ko. Kasama ko si Justine at Eliezer sa club na yun. Sa classroom kasi, kaming tatlo ang super addict nun. Buti nga't may nakaisip na gumawa ng Minecraft club. ^___^

Ako nga pala si Dave Mongaya. 17 years old na ako at ako ang top sa klase. Hindi ako nakikinig sa lectures, lalong-lalo na sa Math. Hindi ko kasi type magturo si Mrs. Arguelles, natatawa ako sa mukha niya eh. XD Pero kahit papaano, nakaka perfect score parin ako sa quizzes namin.

Naka tambay lang ako ngayon sa may bench ng oval. May 15 minutes pa naman ako para mag stay dito kasi 12:45 pa. Pinagmamasdan ko lang ang mga babaeng dumadaan sa harapan ko.

"Hi Dave!"

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa gulat, si Trishia pala. -__-

"Oh Trishia, ba't andito ka pa?" Sabay usog ko sa upuan kasi tumabi siya sa'kin.

"Wala lang. Hindi pa naman time eh. Tsaka nakita kita kaya lumapit ako. Bakit? Bawal ba?" Sabi niya sabay open ng cellphone niya. Mag e-fb ata.

"Ah hindi naman. Sabay nalang tayo umakyat mamaya ha?" Saad ko sa kanya habang inaayos ang buhok ko.

"Yeah sure, ikaw pa." Pa cute niya sabi. Tss, ayan na naman siya. :3 "Dave, selfie muna tayo!" Sabay angat niya ng phone niya. Ayyysssh >___>

"Ha? Ay 'wag na. Ang haggard ko oh!" Pagdadahilan ko sa kanya. Eh sa ayaw kong mag selfie kami eh! Okay sana kung si Alyana o si Grace yung nagyaya. -_-

"Eeeehhh sige na, Dave! Kahit isang picture lang oh." Nag pout pa siya akala mo naman ang cute niya. Tsss -_-

"Sige na nga! Isa lang ha. Tapos akyat na tayo ng classroom. Baka ma-late pa tayo." Pag sang-ayon ko sa favor niya.

**Click**

"Nice one! Ang pogi mo dito oh! ^___^ Post ko to ha!" Pasigla niyang pinakita yung picture namin. Matagal naman na akong pogi eh. Tss!

"Tara na, Trishia! 5 minutes nalang oh, at malelate na tayo." Pag yaya ko sa kanya. Hinila ko na yung braso niya para tumakbo papuntang 3rd floor.

Trishia's POV

Ohmygoooood! Hinawakan ni Dave ang braso ko. Omygod! I cannot breathe! Chaaaar. -_- Pero kinilig ako ah!

Nasa 3rd floor na kami at papunta na kami sa pinaka dulo nito dahil doon naka-locate yung classroom namin. Mabilis kaming naglalakad ni Dave pero halata namang late na kami eh. Napahinto ako sa paglalakad nang may naamoy ako.

"D-d-dave?"

"Bakit ka tumigil? Late na tayo Trish--"

"Hindi ka ba nakaka-amoy?"

"H-ha? Anong naaamoy mo?"

"Amoy kandila, Dave!" Tumingin ako sa paligid.

Laking gulat ko ng may nakita akong estudyante rin. Nasa likod siya namin.

"A-ano k-ka ba naman Meamor! Di ka man lang nag sabi na nandyan ka likod." Halatang nagulat si Trishia. Kahit ako nagulitan din.

"A-a-ah, s-sorry. Sige, m-mauna na ako." Umalis na siya at nauna na sa classroom namin.

"Nagulat ako kay Meamor ah. -_- Tsss! Teka ka nga Trishia, ano bang ibig sabihin kapag nakaka-amoy nun?" Hindi ko na inalintala ang oras.

"D-d-diba kapag nag ka ganun, m-may masamang m-mangyayari?" Halatang takot na si Trishia.

"Wag mo na pansinin yun, Trishia. Halika ka na! 20 minutes na tayong late sa ESP subject natin oh." Pag-iiba ko ng topic. Ayoko rin naman kasing matakot.

"Good afternoon, classmates. Good afternoon, ma'am. May we come in?" Kumatok si Dave sa pintuan ng classroom namin upang makuha ang attension ng classmates namin, pati na rin kay ma'am. Hindi na ako nakapagsalita dahil sobrang natakot ako kanina. Kinilabutan talaga ako.

"Good afternoon. You may come in." Sabi ni ma'am sa amin.

"Ayiiiieeeeeee!" Kanchaw ng classmates namin.

Hala! Naka hawak pala si Dave sa kamay ko. Ohmygooood!

Tinanggal kaagad ni Dave ang kamay niyang nakahawak sa akin at inirapan ang mga classmates namin. Sayang! Moment na sana yun eh. -__- De joke lang! XD

Science time...

"Okay class, I will return now your paper work in our Outdoor Activity. Actually, kahapon ko pa to na check kasi naging busy sa Science Club this past few months, dahilan din ng paminsan-minsan kong pag pasok sa klase." Ibinigay niya kay Sugar ang papers. "I think 6 pairs lang ang may malalaking scores. Na beat nila ang 60 na passing score natin. Hmm, actually, mas maraming plants ang makikita at malalagay niyo sa list and I am proud that those 6 pairs got it. Sugar, please read the names of the first 6 papers. Sila ang mga pares na nakakuha ng highscores."

"Ehem," pagsisimula ni Sugar. "Honey Encipedo & Angelo Rendon got 70 points. Ana Cedron & Ejay Quinazo got 67 points. Eliezer Ortega & Charizze Josol got 66 points. Izyle Rabino & Raz Nami got 66 points. Julius Requiron & Jessmar Lumayno got 64 points. Lastly, Webbie Rivera & Junel Macapal got 62 points." Ibinigay na isa-isa ni Sugar isa-isa ang mga papers habang nag papalakpakan kami sa 6 pairs na nag standout sa activity na yon.

Mabilis ang takbo ng oras kaya't dismissal na. Kanya-kanya kaming lumayas ng classroom at dumiritso na sa clubs na napili namin. Next month kasi ay Foundation na ng S.E.U at lahat ng clubs ay may gagawing pakulo at naka depende na yun sa kung anong club ka sumali.

By the way, Arts Club ang sinalihan ko. May talent kasi ako sa pag pi-paint. ;)

Death SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon