THIS IS WAR

476 30 1
                                        

This is War...

Copyright © 2013 by HatsuneMiiku Stories ALL RIGHTS RESERVED No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author.

Written by:
HatsuneMiiku


Kenzie's POV

"Jam! anong nangyari sayo?!" sigaw ko ng makarating si Jamison sa bahay ko.

"Zie, sorry hindi ko sinasadya" hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at hingal na hingal siya.

"Bakit? ano bang nangyari?" tanong ko, natatakot ako sa itsura niya ngayon para siyang hinabol ng isang batalyon ng mga tao.

"Basta Zie mag-impake ka na ng mga gamit mo please" nagmamakaawang sabi ni Jam.

"San tayo pupunta?" tanong ko.

"Dadalhin muna kita kay Jaren, kaibigan ko siya at pwede kitang ipagktiwala sa kanya" sabi niya at kumuha ng bag at pumunta sa cabinet ko para ilagay ang mga gamit ko.

"Ako na Jam uminom ka muna ng tubig sa kusina, kung ano man yang dahilan ng pag-aaya mo umalis eh tsaka ko na lang itatanong pero kailangan mong ipaliwanag sa akin iyon" sabi ko sa kanya, isang titig lang ang binigay niya sa akin at pumunta ng kusina.

nagdala ako ng pang 3 araw na damit dahil hindi na kasya sa bag ko at lumabas ako ng kwarto.

"ready ka na?" tanong niya.

tumango na lang ako at palabas na sana sa front door ng tawagin niya ako.

"dito tayo dumaan, may mga nag-aabang dyan" pabulong niyang sabi, kaya lumabas kami sa back door.

dahan dahan kaming lumabas ng may tumawag kay Jam.

"Jamison Garcia! san ka pupunta?!" nagmula yung boses sa likod namin lumingon kami at nakita naming may nakatutok sa amin na baril.

"Hindi ka magbabayad o mamatay ka ngayon sa harap ng mahal mo?!" sigaw niya sa amin.

"Boss magbabayad po ako, hindi ko naman po kayo tatakasan eh maghahanap pa ako ng pera" pagmamakaawa ni Jam.

"Anong ginagawa mo ngayon? tatakas o mamasyal?!" sigaw ulit ng lalaki.

Hindi nakaimik si Jam kahit ako hindi maka-imik dahil kahit anong oras pwedeng kunin ng lalaking nasa harap namin ang buhay ni Jam.

"Sige hindi na kita sisingilin, pero ito ang kabayaran" kalmadong sabi ng lalaki sa harap namin, niyakap ko agad si Jam dahil alam kong babarilin na niya si Jam, nang tumama na sa balikat ko ang bala ng baril sobrang sakit nito.

"Zie!" sigaw ni Jam at nawalan ako ng malay.

***

"Par pwede ko bang iwan ko muna si Zie dito?" naririnig kong sabi ni Jam, nakahiga ako sa sofa at antok na antok.

"Sige par, pero bakit?" tanong ng isang hindi pamilyar na boses.

"May pinagkakautangan kasi ang mga magulang ko, pinatay nila ang mga magulang ko at gusto ng mga iyon na ako ang mag-bayad." narinig kong sabi ni Jam.

Dumilat ako at nakita kong nakaupo siya sa paanan ko at kaharap ang isang lalaki.

"Jam" sabi ko.

"Sa wakas gising ka na Zie" sabi niya at niyakap ako.

"Nasan na tayo?" tanong ko.

"Wag ka mag-alala, ligtas kayo dito" sabi ng kaharap naming lalaki.

"Zie siya si Jaren, kaibigan ko iiwan muna kita dito para masiguro kong ligtas ka mahihirapan naman silang hanapin ka dito." pagpapakilala niya.

"Kailangan mo pa bang umalis?" tanong ko.

"Oo para masigurado kong ligtas ka, maghahanap muna ako ng pera" sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Wag ka ng umalis, please" sabi ko.

"Hindi pwede Zie, kailangan ng matapos tong gulong to" tumayo siya at lumapit kay Jaren.

"Par, paki gamot na lang ng tama niya" sabi niya at lumabas na ng pinto.

"Anong pangalan mo?" tanong sa akin ni Jaren.

"Kenzie" matipid kong sabi, iniwan niya ako kasama ang isang lalaking hindi ko naman kilala.

"Halika linisan ko na yang sugat mo... naigagalaw mo ba braso mo?" tanong niya at umupo sa tabi ko.

"Konte" sagot ko.

Pagkatapos niyang linisan sugat ko nagluto siya ng makakain namin.

"Halika kain na tayo" masigla niyang sabi.

suddenly may naramdaman akong kakaiba.

"Ba't mo ako tinititigan?" sabi niya sa kalagitnaan ng pagkain namin.

Umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain.

***

Lumipas ang ilang araw hindi pa rin bumabalik si Jam, at sa mga araw na lumipas naging malapit kami ni Jaren.

"Gusto mo mag-gitara?" tanong ni Jaren.

"Hindi ako marunong, ikaw na lang" sabi ko.

"Tuturuan kita" sabi niya, ipinahawak niya sa akin ang gitara, ipinuwesto niya ito sa mga strings.

"Jaren hindi ko talaga kaya" sabi ko at binitawan ang gitara.

"Ganun ba?" parang nalungkot naman siya sa sinabi ko.

Hinawakan ko ang kamay niya ng hindi tumitingin sa kanya, napatingin naman siya sa akin.

Hinalikan ko siya sa pisngi at napangiti siya.

Pagdating ng gabi nakita kong nahihirapan siyang matulog sa sofa kaya bumangon ako at nilapitan siya.

"Tabi na tayo matulog" nakangiti kong sabi.

"Hindi, wag na, ok lang ako" sabi niya.

"Naiilang ka ba sa akin? dahil ba sa girlfriend ako ng kaibigan mo?" tanong ko.

"Napaka straight-forward mo talaga" at ginulo niya ang buhok ko.

"Sagutin mo nga yung tanong ko" sabi niya.

"Oo, nakakahiya kay Jamison" sabi niya.

"Wala na siya Jaren" sabi ko.

"Hindi ka nakakasigurado" sagot niya.

***

Naging komportable din sa akin si Jaren makalipas ang ilang araw, nagkakape kami at nagkukulitan ng may dumating na tao na hindi ko inaasahang babalikan pa ako.

"Anong nangyayari dito?" tanong ni Jam.

Parehas kaming hindi naka-imik.

"Halika na, aalis na tayo" hinawakan ni Jam ang kamay ko at hinila, pero binawi ko din ang kamay ko, tinignan niya kaming dalawa at hinawakan niya ulit ang kamay ko at nahila na niya ako.

"Jamison!" tawag ni Jaren. Huminto sa paglalakad si Jam at nilingon ito saglit, sinundan naman kami ni Jaren, tinanggal niya ang pagkakahawak ni Jam sa kamay ko, sinuntok agad ni Jam si Jaren.

"Jaren!" sigaw ko, gumanti naman ng suntok si Jaren. ng susuntukin ulit ni Jaren si Jam sinipa niya ito.

Nilapitan ko si Jaren na napahiga sa sahig at nilingon si Jam, tumayo kami at inilabas ni Jam ang baril niya at itinutok sa amin, humarang ako agad kay Jaren at napapikit ako.

sa sunod na nangyari narinig ko na lang ang pag-putok ng baril, dumilat ako at nakita kong natumba sa sahig si Jam.

Nilapitan agad namin ni Jaren si Jam inilabas ni Jam ang isang checke sa jacket niya at hindi ko na napigilang humagulgol.

"Jaren, ito na ang pera ikaw na ang bahala mag bayad, alagaan mo si Zie" at tuluyan na syang nawalan ng malay.


...HatsuneMiiku...

ONE SHOT STORIES (COMPETITION)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon