SimbangGabi
Sobrang saya ko ngayon!
Halata ba? Haha.
Start na kasi nang Simbang Gabi! Pinlano naming magbabarkda na makumpleto yung 9 na misa.
Kasi matutupad daw yung wish mo? Haha. Kahit medyo imposible yung wish ko, Tiwala lang. Haha!
Yung wish ko? Whihi, simple lang, ang mapansin ako ni Jacob Del Pilar! Ang crush ko, ang mahal ko, ang buhay ko! Haha <3_♥
Nandito na kami sa misa. Syempre, dami ang lovers! Trending kaya yan! Haha.
Balang araw, magsisimba din kami ni Jacob! Haha.
After nang misa, umuwi kami agad. May pasok pa ksi kami. 1 week pa. Pero wala na masyado ginagawa. Sumisilay na lang ako! Haha. Landii.
Sa school..
Ayan na, kanya kanyang share tungkol sa unang misa. Haha.
Nawala yung attention ko, nang nakita ko si Jacob, naglalakad! Whoo, ang Hot! Haha.
"I saw you earlier, you look gorgeous on your red dress. Hope to see on other masses" Sa akin nya ba sinabi yun?
Whattttttt? As in ako?
Eto na ba? Wish granted na ba? Haha.
Excited na tuloy ako sa Simbang Gabi. Ibig sabihin kasi nun, dun din sya Nagsisimba? E bakit di ko sya makita? Hays.
Pero keri lang yan. Haha!
Pero, wala talaga ee. Wala sya. Mejo nanghina naman ako.
Ganun na lang, hindi ko sya nakikita sa misa, pero pag nagkikita kami sa hallway, nagngingitian na kami. Dati, pinagdadasal ko pa kung kelan dadating yung mga oras na ngingitian nya din ako! Huwahahaha!
Christmas Party namin ngayon.
NakaDress lang ako na Red. Yep, dapat hndi talaga yan, e kaso sabi nya bagay daw sa akin yun e. Haha.
Nakita ko naman sya! Naka red din syang tops! Terno pala kami! Soulmates? Haha!
Andaming nagpapapicture sakanya, sa ibang shots, nakabuhol yung kamay nang mga babaeng mukha namang tigyawat sa braso nang aking mahal!
Hay, buti pa sila! May picture, e kami-
"Excuse me, Miss, can you take a photo of us?"
Inabot naman nya yung Tatsksin nyang phone dun sa baba tapos inakbayan ako.
Omaygollly! Namumula ata ako! E, sino ba naman kasi hndi mamumula nito?
Nung natapos kaming picturan, may ibinulong sya sa akin.
"Sabay na tayo mgsimba sa natitirang 4days. Antay kita sa ihawan sa kanto. And oh, you really look pretty"
Eto sigurado na ko! Namumula na talaga ako! Whaaa!
Hindi na ko nakapagconcentrate sa party, iniisip ko na yung misa mamayang 4am.
Ganun na nga ang nangyari. Sabay na kaming nagsimba. Nakakatsansing ako dto pag Ama Namin na! Haha.
Last day na! Sana yung wish ko matupad! Haha.
"Xeila, ahm?"
"Ah? Bakit?"
"Naniniwala ka ba dun sa wish? Pag nabuo mo yung 9days?"
Marunong palang magtagalog! XD
"Ahhmm, oo? hihi. Bakit?"
"Talaga? Anong wish mo?" parang amazed na amazed nyang sabi.
"Ah ano, yung mapansin at magustuhan din ako nang lalaking gusto ko."
"Sino?"
Ikaw! Ikaw po! Pero syempre echoss lang.
"Basta, e ikaw? Ano wish mo?"
"MAGING GIRLFRIEND KITA"
Diretso nyang sabi? Ano daw? Bingi na ba ako?
"A-ano? A-ako? G-gf m-mo?" utal utal kong sabi.
"Oo, Unang araw na nakita kita, ang ganda ganda mo. Lagi ka pang ngumingiti. Mas lalo tuloy akong naiinlab. Mas ikinagulat ko nagsisimbang gabi ka din pala. At dito pa? Kaya kinausap kita. Kaso sa hiya ko, ayun lang nasabi ko. Tuwing nakikita kita, nagtatago ako. Para kasing may hinahanap ka. Nung christmas party, dun lang ako nagkaroon nang lakas. Ang saya saya ko kasi atleast nakakasama kita kahit bakasyon na. Kaya sana, Xeila, pagbigyan mkong-"
Hindi ko na sya pinatapos. Hinakikan ko na sya. Smack lang. Tapos nginitian ko sya.
" Mahal din kita, at ikaw lang. Ikaw yung lalaki yun."
"So, tayo na?"
"Sa harap ni Lord, Oo!"
Niyakap nya ko. Tuwang tuwa ako.
"Sa harap din ni Lord. Xeila Cruz, I love you!"
End.
(written by DaldalerangPayatot)
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES (COMPETITION)
Historia CortaCOMPILATION OF ONE SHOT STORIES. THIS IS A COMPETITION FOR WRITERS and WATTPAD addicts. Winner will become an official admin of FB WATTPAD lovers page. Support them and let us help them to boost there writing skills and experience. We also want to...