MEMORIES

333 13 1
                                        

Leona's POV

Naglalakad ako sa isang iskinita . Papasok na ko ng school ng mapahinto ako. Pagkaliko ko kasi nakakita ako ng babaeng hinahampas hampas yung isang lalaki habang umiiyak.

"Bakit ka ba ganyan?! Ano bang kasalanan ko? Ano bang nagawa ko? Pakiexplain sakin! Bakit mo ko iiwan nalang bigla?" Sigaw ng babae habang hinahampas hampas parin yung lalaki

Biglang sumakit yung ulo ko. Ewan basta parang may kumirot. Pero umayos din naman agad.

Napatingin ako sa relo ko.

7:28 am na. 7:3o yung klase ko. KAPAG MINAMALAS KA NGA NO?

Pakelam ko ba sa dalawang to.

Dumaan ako na parang wala akong nakikitang nag-aaway.

Nakalagpas ako sa kanila YES!

"HINDI NA NGA KASI KITA MAHAL! TUMIGIL KA NA! PWEDE BA?!"

Napahinto ako at napalingon.

Mag-isa na lang yung babae at umiiyak sya. Gusto ko syang lapitan... Ngayon ko lang napansin nakasuot sya ng uniform ng school namin. SO SCHOOLMATE KO SYA.

Nilapitan ko sya.

"Miss ok ka lang?" Habang inaabot ko yung panyo.

"Jonathan" Habang umiiyak. Yan lang ang sinabi nya. Tiningnan nya ko at umalis.

Sayang effort ko dun ah! LECHUGAS BARABAS. Tumakbo na ko dahil late na ko! Aysh!

"Fiona! Wala si sir. Tara kain! " Si Bel. Ang pinakamatakaw kong kaibigan.

"Ang aga-aga kain agad?! Bel magtigil nga yang bungangers mo. Tara punta tayo library magrereview tayo." Keith. Ang nanay naming lahat.

" Tara" Sabay na sabi ni Kim at Kev.

Fiona tawag nila sa akin. Trip nila. Malapit daw sa Leona eh?

Naglalakad kami papuntang library ng makasalubong namin yung babae kanina sa iskinita, MAY KASAMA SYANG LALAKI ANG GWAPO! Pero iba ata to sa kanina? Ang saya ng mukha nya at magkaholding hands sila.

Edi arte nya lang pala yun?

"FIONA!" NAgulat ako sa sigaw ni Kev.

"Ano?!?! Makasigaw naman ate . Nambabasag lang ng eardrums?"

"Nakatulala ka kasi sa crush ko eh. Akin yan"

"Sino?"

"Si Rad. Yung kasama ng impokritang babae."

"Huh?"

"Wala tara na nga."

Pumasok na kami sa library . Hanep. Nagrereview nga sila samantalang ako. Nakiki WIFI.

after 10 mins. Nabored na ko . Pagtingin ko sa mga kasama ko. MGA TULOG.

Ok, REVIEW NGA. May lumapit sa kin. ANG GWAPO! Tekaa..

"Miss? "

"Bakit po?"

"Pwede na kayong lumabas ng mga kaibgan niyo siguro? Natutulog lang sila eh. Wala na kaming maupuan. Thanks." Sabay lumingon sya sa likod nya " Pre tara dito"

O_________O Nagulat ako sa mga sumunod na ginawa ng mga kasama niya.

Pinaghahampas ba naman ng mga notebook sa ulo ang mga kaibigan ko??

Tumawa lang tong lalaking nasa harap ko?!?!

ABA'T!!!

"Aray!" Sabay sabay na sigaw ng mga kaibigan ko.

ONE SHOT STORIES (COMPETITION)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon