Chapter 1
Claud’s Point of View
She’s a spoiled-brat. She’s naughty. She’s so childish. She’s too sensitive. She wants everything on her desire. But she’s the one I love secretly, but how can I confess this damn feelings to her? If she’s my boss.
I am her personal body guard. I was hired by her dad to check and to take care of her. But then, she hates me. Lagi niya akong sinisigawan at lagi niya akong tinatakasan. Tinatakasan para gawin ang mga gusto niyang bagay. She’s so different from all the girls I have seen before; she’s one of a kind. Hindi ko nga alam kung bakit ako nagkagusto sa kanya, ang alam ko lang, gusto ko lagi siyang makita. Minsan naaawa na din ako sa kanya, para kasing mag-isa lang siya sa mundo. Lagi siyang nasa mga bar at mga club. Umiinom ng alak, nagpapakalasing kasama ang mga lalaking nilulubos ang kawalan niya sa isip para siya’y halayin. Maganda nga naman kasi si Angelique. Kasing ganda ng pangalan niya ang mukha niya. Isang mukha ng anghel na may tinatagong kalungkutan sa sarili. Kaya din siguro ayaw ko siyang iwan o nakikitang umiiyak dahil sa pamilya niya.
Pero kahit na makulit siya, hindi niya din ako mabibigla sa ugali niya. Pinapakita ko sa kanya ang bad side ko. Tulad na lamnang ng hindi ako ngumingiti sa kanya, lagi ko siyang tinitignan ng masama at lagi ko siyang ‘di pinapansin kapag nakikipag-usap siya sa akin. Tawag nga niya sa akin ay ‘supladong kurimaw.’ Hindi ko alam sa babaeng‘yun kung saan niya nakuha ang ganung salita. Marahil sa mga nakakasalamuha niyang mga tao.
Alas-onse na ng gabi, nasa bahay na ako, off ko kasi sa trabaho bilang isang bodyguard niya pero tumawag ang Papa niya sa akin.
“Hello, Claud? I’m sorry, hijo, but I really need your help right now,” narinig ko ang nag-aalalang boses ng Papa ni Angelique sa kabilang linya.
“Yes, Sir, ano po bang maiitulong ko? It’s about Angelique again, right?” sagot ko sa kanya. Lumabas ako ng bahay para mas magkaintidihan kami. Si Inay kasi, nanonood ng TV kaya ang ingay.
“Yes, Hijo, gabi na pero wala pa si Angelique, please, find her for me, don’t worry, dagdag ito sa sweldo mo.”
“Ah, okay, sir,” ‘yun lang ang sinagot ko at binaba ko na ang phone ko. Pumasok ako sa bahay at nakita ko sa sala na tulog na si Inay kakanood ng TV. Kanina pa din kasi kami nanonood. Kapag day off ko kasi, nagkakaroon kami ng bonding ni Inay. Wala na kasi ang tatay ko at mag-isa lang akong anak.
Nagbihis ako ng damit matapos kung ihatid si Inay sa kwarto. Nag-iwan na lang ako ng note sa tabi niya kung sakaling magising siya para hindi siya mag-alala sa akin.
Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse na bigay ng Papa ni Angelique. Binigyan ko ‘to ng pangalan na ‘Angel.’
Saan ko nga ba hahanapin ang babaeng ‘yun? Halos lahat ng bar at club sa Metro Manila alam niya na, gayun na din ako sa kakahanap lagi sa kanya. Gabi-gabi na lang ganito ang trip ng babaeng ‘yun. Rebelde at delekwenteng babae, sayang naman ang pera ng Papa niya. Buti na lang at nakapag-aral din ako ng dahil sa papa niya kaya naman pumayag ako na maging personal bodyguard niya bilang pagbawi sa mga tulong na binigay niya sa akin noon.
Halos naikot ko na ang dalawampu’t limang bar pero wala pa rin akong nakikitang Angelique.
“Nasaan ka ba, Angelique?” halos masira naang buzzer ng kotse kakahampas ko dahil sa badtrip na ako sa kanya Alam niya ba na‘di lang ang Papa niya ang nag-aalala sa kanya? Pati na rin ako.
Nang kumaliwa ako along Marikina, nakita ko ang isang tagong bar. Agad kong pinakaskas ang kotse papunta doon. Ang ingay ng bar. Maraming tao at puro kabataan. Pumasok ako sa loob at marami ding babae ang tumitingin sa akin at nakikipagbungguan. Napipikon na nga ako kasi pati maseselan parte ng katawan nila, dumidikit sa akin.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES (COMPETITION)
NouvellesCOMPILATION OF ONE SHOT STORIES. THIS IS A COMPETITION FOR WRITERS and WATTPAD addicts. Winner will become an official admin of FB WATTPAD lovers page. Support them and let us help them to boost there writing skills and experience. We also want to...
