SI KC

398 8 1
                                    

Si 'KC'

♪SachiYuu♪

© May 2013

Chapter 1

Meowie’s P.O.V

" Queen, pakopya ako ng assignment sa English " sigaw ng kuya ko. Este, older cousin pala. Wala akong kuya and since mas matanda sakin ng isang taon 'tong si kuya Alden siya na yung tinuturing kong nakakatandang kapatid.

" Ai, anu ba yan? hindi ka nanaman gumawa ng assignment mo anu? " sabi ko habang nakapout -3-

" Hindi nga kaya nga mangongopya sayo eh. " cool niya lang na sabi.

" Eh panu pag ayoko? "

" Isusumbong kita kay ninang, sasabihin ko magulo ka dito sa room.

" What? hindi naman ah " grabe naman 'tong si kuya blackmailing 'tong ginagawa niya sakin ah.

Ninanng ni kuya ang mama ko and sa kanya ‘ko ni mama pinababantayan. Ang hirap pala ng classmate mo ang older cousin mo. Daig ko pa may chaperon araw araw.

" So, pakopya na ko. Eto notebook ko oh " sabi niya sabay abot nung notebook niya.

Wow ah, ang sabi niya pakopya. Sana sinabi na lang niyang pagawa siya ng assignment. Joke time talaga. Pasalamat talaga siya he's older than me, kung 'di naitapon ko na 'tong notebook niya.

Ang hirap maging mabait na pinsan. Ako na taga-gawa ng homework niya, ako pa ang nag lalakad sa kanya sa mga nililigawan niya. Susme, gusto niya yung mga babaeng yun bakit kaya hindi siya ang manligaw. GRRRRR!!!

" Kakainis " nasabi ko na lang sa sarili ko.

Nasa kalagitnaan ako nang pagsusulat ko ng biglang.

" BOOOO!! "

O_O

"Ampucha!!" Nasabi ko sa sobrang gulat ko. Nilingon ko yung tampalasang gumulat sakin at tinapunan siya ng masamang tingin.

" Ui, Meowie huwag ka namang magalit d'yan. Parang binibiro ka lang eh " sabi ng bestfriend kong si Christian.

" Hoy! Piggy, sinong hindi magagalit sa ginawa mo. E, halos humiwalay yung kaluluwa ko sa katawang lupa ko e. Tignan mong siryoso ko dito e. Hmf! " sabi ko sa kanya. Sabay balik sa ginagawa ko.

Nga pala siya si Christian, bestfriend ko. Tropa siya ni kuya Alden, pero dahil mag katabi yung upuan namin dahil sa sitting arrangement naging close kami. As in super close. Meowie yung tawag niya sakin kasi daw mukha 'kong pusa. Tapos Piggy yung tawag ko sa kanya dahil....alam niyo na yun. hahahahaha

" Siryoso? Saan ka naman siryoso? Patingin nga. "

Kinuha niya yung notebook ko pati yung notebook ni kuya.

" Ah, dito ka pala busy. Naging secretary ka nanaman pala ng kuya mo " pang aasar niya.

" Oo, dakilang alalay ako nun e. " sabi ko sabay kuha na din nung mga notebook na hawak niya. " Piggy, dun ka na nga. Samahan mo na lang si kuya mambabae. Dito na lang ako. " pagtataboy ko sa kanya.

" Neh! dito na lang ako sa tabi mo. Kilala mo naman ako hindi ako katulad ni Alden na mahilig sa babae. Sige, tapusin mo na yan. Tulog lang muna ako. " sabi niya tapos umubob na siya sa may arm chair niya.

" Ok, sleep well Piggy. Gisingin na lang kita pag dumating na si Ma'am " :D

" Thanks " sabi niya habang nakaubob padin siya.

**

Wah, finally. Natapos ko din yung assignment ni kuya. Hindi ko masyadong kinopya kasi baka mahalata ni Ma'am. Nagunat ko sadlit tapos napatingin ako kay Pigggy.

ONE SHOT STORIES (COMPETITION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon