Bakit sa lahat ng karibal ko, eh mahal ko pa? Destiny, wag ka naman maglaro.
"Our class' Top 3 having the average of 92.83 ...
.
.
.
will be Marinella Lorenzo"
Nagpalakpakan kaming lahat matapos i-announce ni Ms. Vitor, class adviser namin, ng IV-Matthew ang Top 3. Distribution of report cards kasi namin ngayon para sa third grading.
Shiz. >__< Na-announce na yung Top 3. Sobrang nate-tense ako. Anlamig ng pawis ko at ambilis ng heart beat ko. Sana hindi pa ako. Rank 1, please be mine now. Paulit-ulit ko yang sinasabi gamit ang isip ko.
"And for the Rank Two," napatigil si Mam sa pagsasalita... mas lalo akong kinakabahan.
"Si Ynna na yan for sure." Bulong nung isa kong classmate sa katabi niya.
No. Hindi pwede. >__<
"Hindi! Si JB yan. Pustahan."
Oo. Siya. Tama siya. ^__^
"Ahmm, class, for the third time around. Dalawa na naman ang Rank 1 natin this 3rd grading. With an average of 97.28. And they are,
.
.
.
Ynna Gonzaga and Justin Bernard Lopez. Congratulations to both of you." nakangiting sabi ni Mam sa amin at iniabot ang certificate.
Nakabusangot ang mukha ko habang kinukuha yung certificate sa harapan. Parang gumuho ang mundo ko. Bakit ganito na naman? Tanong ko sa sarili ko.
Pangatlong taon na naming nagkukumpitensya sa pagiging Rank 1 nitong si JB. Transfer lang kasi siya nung Second Year kami.
" -_____- Psh. Kahati na naman kita sa trono ng Rank 1." pokerface niyang sabi ng lumapit sa akin. Napangiti ako, kaso nawala din kaagad. Akala ko pa naman iko-congratulate niya ko. Akala ko lang pala, medyo assuming. Leche talaga 'to.
"Mang-aagaw ka kasi. Nakakainis. Dumating ka lang dito, nagkaroon na ko ng kahati!" singhal ko sa kanya para hindi niya mahalata na natuwa ako kasi lumapit siya. Nakakainis!! Bakit pa kasi sa lahat ng magiging karibal ko sa Top1 ikaw pa. >__<
"Kasalanan ko pa, ganun?"
"Ewan ko sayo. Tse! Makalayas na nga. Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo eh."
Lumabas ako ng classroom, cut naman kasi klase namin eh. Mamaya na ko uuwi. Tambay muna ko sa library. May ireresearch pa kong homework.
-At the library
Naglog-in lang ako tapos nilapag yung gamit ko sa vacant table. Wala naman sigurong mangingialam sa mga gamit ko db? Ano nga ba yung assignment? Ah. Natatandaan ko na. Agad akong pumunta sa Math books section para kunin ung kailangan kong libro.
*Hanap-hanap-hanap* Ayun, nakita ko na! Dahan-dahan akong naglalakad pabalik dun sa pwesto ko habang binabasa yung libro. May nasanggi akong tao. Magso-sorry sana ko, kaso nagmamadali siya eh. Hays. Yaan na nga.
Pagbalik ko sa pwesto ko, agad kong sinimulan yung assignment. May nahulog na note galing sa notebook ko.
"Don't let others ruin your day. Keep smiling "
Huh? Luminga-linga ako sa paligid. Busy naman lahat sa kanilang sariling mundo.
Starting that day, lagi na kong nakakatanggap ng notes, parang ung nagbibigay nun, alam niya yung nangyayari sa araw ko.
Naku-curious na ko ha. Sino ba kasi sya?
----
February na. Petiks na lang kami, practice na lang ng graduation tsaka ayos ng clearance.
Patuloy pa rin nagbibigay ng notes sa akin ung "stalker/admirer" ko na yun. Hindi naman ako makapagreply kasi hindi ko alam kung kanino, paano, at saan ko ibibigay. Mag-ga-graduation na, one month na lang. Forever ganun na lang ang trip nya?
This February 14, BORING. Puro kinikilig kasi binigyan ng ganito, tumitili dahil napansin ng crush, may nagkoconfess, syempre may mga estudyante rin na pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha dahil walang nangyari sa kanila sa mga napansin ko, puno ang hallway nang dahil sa kanila.
Pagdating ko ng room, nagkakagulo yung mga classmates ko, sinisilip nila yung box at small bulletin sa may pinto namin. These was JB's "brilliant" idea, Vice-President kasi sya ng Supreme Student Government sa school na to. At ako namang PRESIDENT eh hindi naka-object dahil majority ng officers at year level representatives ay nag-agree.
These things are made para sa mga magkoconfess at mga gustong magmessage sa mga taong crush/gusto/mahal nila. The small bulletin ay para lang sa patuloy na ayaw magpakilala sa mga crush nila at sa box naman ay letters ng confession.
"Ehem-ehem! Excuse me." Pagpapapansin ko, nakaharang kaya sila sa daan. At aba, mga ayaw pa rin umalis.
"Ano ba! Kanina pa ko dito, walang nagpaparaan ha. Pwede ba, mag-uuwian naman eh, makikita niyo rin yan." sigaw ko.
Pumasok na nga yung iba, pero hindi nakatakas sa pandinig ko yung bumulong..
"Sus, bitter ang manang. Sana wala syang matatanggap."
Duh! As if I care. At pumasok na nga ako sa room, dire-diretso sa upuan ko. Saktong pagdating ng Physics teacher namin.
*Bell rings*
Agad akong tumayo. Hayy. Buti naman tapos na ang klase. Tsk. Binging-bingi na ko sa mga classmates kong daldal ng daldal, kesyo excited na silang mag-uwian, sana daw may nagsulat para sa kanila. Psh. Kabaduyan.
Nasa may pinto na ko ng sitahin ako ni JB.
"Hep-hep! Saan ka pupunta? Ang usapan ay ipapamigay ang laman ng box at iaannounce ang mga notes na nasa bulletin bago tuluyang umuwi."
Aish. Sabi ko nga eh, padabog na bumalik ako sa upuan ko.
Announce na ng announce ung class president namin ng mga notes.
"Hello sa three years ko ng crush, Ms. Ynna Gonzaga. From, secret admirer. P.S. May sulat pala ako sayo."
Oh tapos? Sus sana naman magpakilaka na siya di ba?
Natapos na nga ang notes reading. Isa-isa ng pinapamigay yung mga nasa box na letters. Pgkaabot nung akin, binuksan ko na. Isang malaking "HELLO YNNA. I LOVE YOU!" at puro hearts lang ang nakasulat. Ay teka may P.S pa pala.
"P.S. sorry kung hindi pa ko nagpapakilala. Promise. Sa graduation natin. ^______^v" pabulong na basa ko. Owss. So 4th yr. dn pala siya. Bahala na nga siya.
Mabilis lumipas ang araw. Preparation at designs na lang sa venue para bukas. Right, bukas na nga ang Graduation at sa kasamaang palad, Salutatorian lang ako. Keri na nga na si JB ang Valedictorian, kaso sobrang nakakapanghinayang pa rin at nakakasama talaga ng loob.
May inabot sa akin si JB. "Oy Ms. Rank Two. May nag-iwan sa bag ko, akala bag mo ata. Ge, una na ko."
Matutuwa na sana ko eh, kaso tinawag niya na naman akong "Ms. Rank Two". Asar niya na sa akin yun simula ng malaman namin na Valedictorian siya. Nako! Buti na lang graduation na bukas. Bye-bye Karibal na.
"Ynna, bukas na. " nakalagay dun sa note.
---
GRADUATION DAY!
Owyeh. Awarding na. Pagkaaward sa akin ay pinasabay na ang speech. Tapos na ko pati si Ella na 1st honorable mention.
"And our batch 2012-2013 Valedictorian, let's call Justin Bernard Lopez for his Valedictory Address" sabi ng emcee. Palakpakan naman ang lahat.
Psh. Dahil medyo bitter pa ko, hindi nakatuon ang atensyon ko sa speech ni Karibal. Iniisip ko pa din si Admirer. Kakaasar yun. Graduation na kaya. Tss.
"Ehem-ehem. First of all, I thank God for everything He had given me, had given us. Thank you also to our principal, teachers & parents. For their support, lectures, love, kindness and patience. We're not all here if it's not because of them. This day was very special for each one of us, we're done with a chapter of our life, and another one has yet to come..." napansin kong bumaba siya ng stage.
"Everyone, please give me a while, medyo kinakabahan kasi ako. Ngayon kasi naipangako ko sa babaeng mahal at naging inspirasyon ko ngayong high school na magpapakilala na ko sa kanya.."natahimik ang paligid, sign na pagbibigyan siya.
"Hello, Ynna Gonzaga, ako nga pala ang iyong gwapong admirer.." napalingon ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Nakita kong papalapit siya sa puwesto ko, sa di malamang dahilan ay napatayo ako mula sa pagkakaupo.
Nang makalapit siya ay hinawakan niya ang kanang kamay ko, "Ynna, mahal kita. Nung pagpasok ko pa lang sa room natin nung second year, nagka-crush na ko sayo. Pero nung malaman kong Top1 ka, medyo nabahala ako, pano ko mapapansin ng crush ko, eh pag grades pa lang namin ang ikocompare lumalagapak na ko? Tanong ko yan sa sarili ko noon. Sabi ko, gagawa ako ng paraan para mapansin niya ko. Kaya eto ako, nag-aral ng mabuti, naging top, napansin mo pero hindi dahil sa matalino ako kundi dahil magkaribal na tayo. Hahaha. Ginawa ko na lang yung way para hindi ka makahalata. Hanggang sa nag-third at fourth year na tayo, natotorpe pa rin ako kaya dinadaan ko na lang sa notes. Pero sabi ko, dapat bago tayo magkahiwalay at mahuli ang lahat, magtatapat na ko, ngayon nga yun. Mahal kita. Hindi ako nagtatanong kaya hindi mo kailangan sumagot. Pinapaalam ko lang." ngumiti siya ng malungkot habang nakatingin sa mga mata ko.
"Pano ba yan, Mahal din kita. Feeling ko kasi test paper ka eh. Kailangan kong sagutan. Para makapasa jan sa puso mo. " sabi ko sa kanya. Agad naman siyang ngumiti ng malapad at nagtata-talon sa tuwa. Humarap siya sa audience.
"Mama at Papa, este Tita at Tito. Pano ba yan, mahal din ako ng anak niyo. Hahaha. Edi magsisimula na kong manligaw. Pumayag na kayo diba? Basta positive ang sagot. Joke. Maghihintay po ako ng tamang panahon. Alam ko naman pong nakareserve na ang puso niya para sa akin." sabi niya sabay balik ng tingin sa akin at kumindat pa ang loko.
Ramdam kong pulang-pula na ang mukha ko kaya napayakap ako sa kanya. Ansarap sa pakiramdam na mahal din pala ko ng mahal ko. At ang nakakatuwa karibal ko pa siya nung una.
Lord, thank you po. :">
--
(WRITTEN BY Red02Guitar)
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES (COMPETITION)
Historia CortaCOMPILATION OF ONE SHOT STORIES. THIS IS A COMPETITION FOR WRITERS and WATTPAD addicts. Winner will become an official admin of FB WATTPAD lovers page. Support them and let us help them to boost there writing skills and experience. We also want to...