A One-Shot Story written by :
HunterLance
“Ansaket na ng leeg ko! Magkakastiff neck ako neto eh. Bumaba ka na nga diyan! Gora na! Puno na itong backpack mo, baka nasa sampung kilo na ng rambutan ang laman nito.” reklamo sa akin ni Tina, best friend ko iyan.
Kanina pa kami namimitas ng mga rambutan dito sa we-don’t-know-who-owns-this-lot. Grabe! Ngayon ko na naman ulit tong gagawin, ang umakyat ng puno ng rambutan! Natakam kami kasi bigla eh. Mga nasa 200+ na puno ng rambutan ang meron dito, estimation ko lang ha. ^__^
Buti na lang humiwalay kami ni Tina sa mga kasamahan namin, kundi di naming matatagpuan itong Rambutan Paradise na ito. Halos 10 Saturdays na kaming naga-outreach program dito sa Sitio na ito pero ngayon lang namin na-discover ito! Napahiwalay kami sa mga kasamahan naming sa NSTP eh. Dito na kami dinala ng mga paa namin.
[A/N: NSTP- National Service Training Program, Saturday class ito ng mga freshmen college students wherein nagka-conduct angmga mentors ng mga outreach activities sa ibat ibang lugar every week.]
Wooooh! Eh di kami na ang mala-Dora The Explorer! Hahaha.
“Hoy Honey Vem! Bumaba ka na nga riyan! Wala na yung mga kasamahan natin, nauna na sila, mamaya niyan mawala tayo at di na makauwi pa.” sigaw ulit ni Tina.
“Sandali lang bhes. Saying din naman itong mga ito eh. Shunga naman yug may ari, hinahayaan na lang na mabulok tong mga rambutan fruits na ito.” Saying na saying nga eh, kung kami lang ang meron nito, maghapon na akong mamamalagi rito. Want to sawa kumbaga! Hihi ^__^
“Bumaba ka na nga diyan bhes! Baka mamaya niyan, bigla na lang tayong barilin ng may ari dito.”
“Oo, bababa na po. Bhes, paki-catch naman itong mga hawak ko oh. Open mo yang bag.” mula sa itaas, inihagis ko pababa yung mga hawak kong rambutan sa backpack ko na hawak hawak ni Tina.
“Bungga! Eh di may malalantakan na naman tayo mamayang gabi para sa gagawin nating movie marathon!” I shouted loudly nang makarinig kami ng mga kahol ng aso sa hindi kalayuan..
“Arf!Arf! Arf! Warf! Arf! Arf! Warf! Arf! Arf! Arf! Wraf!” grabe teh!
“Bhes! May mga aso! Sigaw ka kasi ng sigaw diyan eh! Tara na! Uwi na tayo! Ayokong malapa ng aso! Huhu.”
“Aish! Napalakas ba talaga sigaw ko? OMG! Bhes, wag ka tatakbo, hintayin mo akong makababa. Don’t leave me!” sigaw ko ulit.
“Arf! Arf! Arf! Warf! Warf! Arf! GGGGGGGRR! Arf! Arf!” papalapit na yung mga dog! Oh no!
“Bhes! Mga aso! Wag kana bumaba! Aakyat ako diyan! Dami nila! Taas ka bhes!” natakot din tong isang ito.
Nakakatakot nga naman kasi kahol ng mga asong to! Pababa na sana akong bigla-bigla’y itinulak na naman ako pataas ni Tina upang bigyang daan ang pagakyat niya!
“Sonuva! Bhes! Wag kang manulak! Angsakit! Masakeet!”paglingon ko sa baba, nandun na yung mga aso! Dalawang aso, di lang basta basta aso, mukha silang wolf, bigger than the size of a wolf! Cross bred siguro! Basta! Chaka sila!
“Tina bhes, dun ka sa isang sanga, malapit ng mabali itong inaapakan nating sanga.”
“My God! Halimaw ata ang mga asong iyan eh,” sabi ni Tina na takot na takot na. habang yung mga aso naman, patuloy pa din ang kaluskos sa puno ng rambutan na kinalalagyan namin.
“Shooo! Get Lost! Leave this place right away or else, babatuhin ko kayo ng shoes ko! Shoooo!” pananakot ko sa mga asong lul na to. Nightmare! Di naman yata natakot eh.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES (COMPETITION)
Short StoryCOMPILATION OF ONE SHOT STORIES. THIS IS A COMPETITION FOR WRITERS and WATTPAD addicts. Winner will become an official admin of FB WATTPAD lovers page. Support them and let us help them to boost there writing skills and experience. We also want to...
