"Hindi naman natin alam kung totoo iyong kwento tungkol sa falls, bakit pa tayo pupunta doon?" tanong ko kay Ethan habang naglalakad kami sa gitna ng masukal na gubat na iyon. Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag na sumama sa kanya. Sabado noon at walang pasok, bigla na lang siyang sumulpot sa bahay namin at bigla na lang niya akong ipinagpaalam sa Mommy ko, akala ko simpleng gala lang. Ganoon naman kasi si Ethan, pabigla-bigla, Mr. Suddenly kumbaga.
"Wala namang masama kung susubukan natin diba? Saka isa pa, alam ko totoo iyon. When my grandfather saw my grandmother for the first time, he went to that falls and wished na sana si Lola na ang makasama niya habambuhay. And his wih came true." nakangiting pagkekwento niya pa. Napabuntong hininga na lang ako. Ano pa bang laban ko roon? Kapag si Ethan may ginustong bagay, gagawin niya ang lahat makuha lang iyon, when he wants something, he put his 101% just to get it. Parang itong falls na iyon.
Bata pa lang kami ay kinukwento na ni Lolo Andres iyon. Sabi ni Lolo Andres, may isang falls sa bayan namin na kapag nag-wish ka daw at naghagis ng bato, matutupad. Dahil daw sa falls na iyon kaya naging asawa niya si Lola Agnes.
Noong bata pa ako, paniwalang-paniwala ako sa falls na iyon, akala ko kasi talaga totoo, pero noong ako na ang nag-wish, wala naman nangyari. Bukod sa nagkada-dapa-dapa ako, at nagkaroon ako ng mga sugat-sugat sa tuhod, wala akong napala. Nalungkot lang ako dahil dalawang araw pagkatapos kong pasukin ang gubat at umakyat sa dalawang burol at mabasa ng malamig na tubig mula sa falls, nalaman ko na may ibang nagugustuhan na si Ethan.
Hay... petty crush. Iyon lang naman ang nararamdaman ko para kay Ethan. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang petty crush na iyon. Kahit na alam ko na wala naman akong mapapala kay Ethan, kahit alam ko na ang tingin niya lang sa akin ay....
Childhood friend, Nerd, tagagawa ng assignment sa Math at Physics, water girl kapag may practice sila ng basketball sa school, kasama kapag wala siyang ibang makasama, sa madaling salita. ALALAY.
Ethan Marcus Santiago is the most popular guy on our campus. And he's my bestfriend. Wala na sanang problema dahil masaya naman kaming dalawa sa samahan namin, kaya lang... bigla kong na-realize na iyong petty crush ko para sa kanya, nadevelop into something else.
I think... I think that I'm inlove with him...
Pero hindi pa ako sigurado...
At kahit na hindi ako sigurado. Wala naman akong balak sabihin sa kanya iyon.
Ayokong masira ang kung anumang meron kami.
"Malapit na ba tayo?" muling untag ko sa kanya. Paakyat na kami sa burol noon. Humarap siya sa akin, pagkatapos ay inilahad niya ang kanyang kamay sa akin.
"Ewan ko. Siguro, sabi ni Lolo, sa ikalawang burol, sa likod non, nandoon na iyong falls." tinitigan ko ang kamay niya. Nag-iisip ako kung kukunin iyon...
"Titingin pa eh. Inaalalayan ka na nga titingin pa. Tara na!" bigla ay hinatak niya ako pataas. Dahil sa ginawa niya, hindi ko napansin ang maliit na bato sa harapan ko, natapakan ko iyon at nawalan ako ng balanse, dahilan upang matumba kami pareho.
"Aray!" malakas na daing ko. I fell on top of him. Nabigla ako, napapikit... parang hindi ko kayang mag-angat ng ulo dahil alam kong nakatingin siya sa akin. Kinakabahan ako, damang-dama ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.
"Ano ba iyan. Apat na ang mata bulag pa rin..." tatawa-tawang sabi niya.
"Heh! Ang sama mo. Kung di mo naman ako binigla hindi naman ako madadapa." hinampas ko siya sa balikat. Nakangiti siya. Nakatingin sa akin. Habang ako, natitigilan. Kahit kailan kasi ay hindi ko naisip na makaka-face to face ko si Ethan ng ganito kalapit.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES (COMPETITION)
Historia CortaCOMPILATION OF ONE SHOT STORIES. THIS IS A COMPETITION FOR WRITERS and WATTPAD addicts. Winner will become an official admin of FB WATTPAD lovers page. Support them and let us help them to boost there writing skills and experience. We also want to...
