Third Person's POV
Normal lang tayo na tao. Nagmamahal...Nasasaktan.
At ngayon, tuklasin natin ang kwento ni Liel.
Kung panu siya nagmahal...At kung panu siya nasaktan... Dahil lang sa pagmamahal niya ni Eri. -*- Umagang umaga, nasa basketball court na si Liel at naglalaro, syempre, ng basketball kasama ang barkada.
Sa maagang edad niya na labintatlong taon, madami na siyang ginagawa na kung sasabihin ko pa, baka mabigla kayo. Mabalik tayo. "Liel, tingnan mo o. Si Eri mo."
Tiningnan ni Liel ang tinuro ng barkada niya... Sabay ngiti. "Hi Eri!" "Uy Liel." Sabi ng dalagang labing anim na ang edad. Oo, labintatlo at labing anim, layo nuh?
"Musta?" "Eto... Bibisitahin ang kuya mo, diba may lagnat yun siya?" Wika ni Eri habang nakangiti.
Nawala saglit ang ngiti ni Liel pero bumalik ren naman ito, pero ngayon, pilit nalang.
"A-ah oo." Sinong mag-aakala na ng gwapo na si Liel ay mai-inlab lang sa bestfriend ng kuya niya. Heartthrob si Liel sa paaralan nila kagaya ng kuya Benj niya samantalang si Eri naman ay isang normal na babae lamang na palagi mong makikita sa paaralan.
"Pasama nga." Nag-isip ng madalian ang binata. Kapag sasama siya, masasaktan lang siya sa pagka-close ng babaeng minamahal niya sa nakakatandang kapatid niya. Pero... Makakasama niya ang pinakamamahal niya... Why not take the risk? "Sige ba."
Hindi na nagpaalam si Liel sa mga barkada.
Siguradong mage-gets naman nila ang gagawin niya. Ang magpakamartyr kahit alam niya na ang kalaban niya ay mabagsik. Tahimik lang sila sa paglalakad nila. Wala namang ma-oopen na topic si Liel sa kanya kasi wala naman silang dapat pag-usapan tapos nahihiya pa siya. Nakaramdam siya ng hinayang nung nakita niya ang gate ng bahay nila.
Bakit kasi ang torpe niya ano? Pumasok na sila sa bahay kasi hindi naman ito locked.
Umakyat sa ikadalawang palapag at kumatok na ang dalaga sa pintuan ng kuya ni Liel na si Benj. "Benj... Si Eri ito."
Agad na nagbukas ang pintuan,"BAKIT KA NANDITO?!" "*shrugs* Bisita." Ani Eri habang pumapasok sa kwarto at upo dun sa couch habang si Liel ay bumuntot sa kanya at tumayo sa tabi niya.
"Ugh, oy Liel, lutuan mo nga to." Iritang sabi ni Benj sa nakakabatang kapatid kahit sa loob looban, nahihiya ito kasi ang gulo gulo ng kwarto niya.
"Lul. May dala na akong pagkain at tapos na akong kumain. Dapat ikaw ang kumain." Wika ni Eri habang linalabas ang cellophane na may lamang tupperware na ngayon lang napansin ni Liel.
"Ah, hindi ako kakain kapag hindi mo ako susubuan." Paglalandi 'kuno' ni Benj sa bestfriend niya. "Opkurs susubuan kita, may lagnat ang beshprend ko e."
Lumabas na si Liel sa kwarto ng kuya niya. Selos. Yan ang nararamdaman niya. Ang sweet kasi nila. Pero come to think of it, nakasabay ren naman niya ang babae sa paglalakad, guess it's paid off. -*- "Benj!" "Ate Eri!" "Lul, wag mo nga akong tawaging ate." Nag-iisa si Liel sa bahay nila, may lakad ang kuya niya. Nagla-laptop siya ng biglang sumigaw si Eri, syempre nasa labas siya, kaya napasigaw ren si Liel sa gulat. "Ahehe, pasok." "San ang kuya mo?" Tanong ni Eri habang naglalakad patungo sa laptop ni Liel para tingnan kung ano ang ginagawa ng binata. "May lakad." Simpleng sagot ni Liel kahit nagseselos naman siya habang nakatalikod kay Eri kasi lino-lock niya ang pintuan parehas kanina. "What if your in love with someone older than you...?" Wika ni Eri habang binabasa ang nasa laptop ni Liel. Lumaki ang mga mata ni Liel at agad agad na sinirado ang screen ng laptop, upon doing so, natapilok siya sa charger kaya bumagsak ang dalawang teenager sa sahig.
(WRITTEN BY Orionbelt)
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES (COMPETITION)
Short StoryCOMPILATION OF ONE SHOT STORIES. THIS IS A COMPETITION FOR WRITERS and WATTPAD addicts. Winner will become an official admin of FB WATTPAD lovers page. Support them and let us help them to boost there writing skills and experience. We also want to...
