Third Person's
Tahimik na naglalakad si Shaira sa campus nila nang may kumalabit sa kaniya.
"Shaira."
Nilingon niya ito at nakita niya ang coach ng music club na si Jihoon na kaibigan din niya.
"Oh Ji, bakit?" tanong niya.
"Pinapatanong ni Soonyoung kung wala ka daw bang balak pumunta sa practice niyo ng sayaw para sa foundation day. Gago ka kasi pinapainit mo itlog nun gigil na sayo hindi ka kasi sumisipot." sabi nito sakanya
"Ano ka ba Ji, ikaw lang nagpapainit sa itlog nung bakla nayun no." biro pa ni Shaira na ikinataka ni Jihoon. Wag na kayo magtanong, slow yan, parang pagtangkad niya.
"Diba boyfriend mo yun?" Pangaasar pa ni Shaira habang tumataas baba ang kilay pero agad niya itong binawi nang samaan siya ng tingin nito at mapansin niya ang paghigpit ng hawak nito sa strap ng case ng gitara niya.
"Hoy joke lang putangina wag mong ihahampas sakin yan."
"Pumunta ka sa practice niyo mamaya, may bisita raw kayo patay ka pag di ka nakasunod sa mga steps niyo don ako hahambalos sayo." tinawanan lang siya ni Shaira.
"HAHAHA napakasupportive mo talagang boyfriend---OH MY GOD HAHAHA BYE PRE!!" Muntik na siyang mahambalos ng gitara don kaya tumakbo na siya palayo.
Miyembro si Shaira ng dance troupe ng school at si Kwon Soonyoung ng Seventeen ang kanilang choreographer kapag may mabigat na events at may mga bisitang darating. Bigatin diba? Kwon Hoshi? Nuxx
Si Jihoon naman ang coach ng music club ng school. Kasama na don ang choir, band, at pati narin ang mga high school voice students na kumukuha ng Special Program for the Arts ng school.
Sa case ni Shaira, isa siyang Business Management student na trip lang sumali sa dance troupe. Kung tutuusin mahirap ibalance ang college life at extras pero kaya naman niya.
Ang school nila ay maliit lang at mainly focused on the Arts. Maraming nagaaral ditong mga gustong mag idol and such at limited lang ang academic courses dito.
Originally, ang gusto talaga ni Shaira ay Engineering. Civil. Pero gusto niyang matuwa sa kaniya ang kaniyang magulang sa pamamagitan ng pag-aaral niya para maging tagapagmana ng kanilang kompanya kaya kahit hindi siya pinilit, Business Management ang kinuha niyang course.
Napatigil sa pagmumuni-muni si Shaira at tiningnan ang oras. 3:47 na at alas kwatro ang start ng practice nila. Kahit tinatamad nanaman ay naglakad nalang siya papunta sa dance studio ng school na to.
Pagkapasok niya, nagtaka siya sa sobrang ayos ng studio nila. Unlike dati na akala mo may nag-ano dahil nagkalat ang mga hinubad na damit.
Ngayon sobrang linis. Kakamop lang ng sahig, pati yung salamin walang makikitang dumi, wala ring mga nakakalat na kung ano ano sa sahig. Tanging ang stuff toy na tiger lang na nag-iindicate ng gitna ang nasa sahig.
"Bat ang linis dito? Bago to ah." bati ni Shaira pagkapasok niya.
Nilingon naman siya ng mga kagrupo niya, kabilang na si Soonyoung na inaalala ang choreo ng kaniyang sariling grupo sa isang gilid, kaharap ang salamin.
"Mag-papractice ka? Bago yan ah." balik sa kaniya ni Soonyoung na ikinatawa ng iba. Inirapan lang sila ni Shaira.
"May darating daw kasi ngayon na bisita, kaya naglinis." lumapit sakaniya si Mica na kasama niya rin sa dance troupe. Saka sila sabay na naglakad papunta sa gilid kung saan nakatipon ang mga bag ng iba para ilapag din ang bag ni Shaira.
BINABASA MO ANG
Blind Curve
DiversosBeing the one and only wife of your bias is the highest dream a fangirl would think, and when it comes true, it might be the best thing that ever happened to her. But what if the so-called "highest dream" turns into the "darkest nightmare"? j.jk x c...
