Chapter 5

1.8K 86 7
                                    

Jin's

Okay let's do this.

It's my time to shine. I am the worldwide handsome and no one's gonna stop me.

"Ah Shaira, anong gusto mong gawin?" tanong ko sakaniya nang makapasok kami sa mall.

"Uhm, kumain nalang muna siguro? Medyo nagugutom narin kasi ako." sinangayunan ko naman iyon.

"Saan mo gusto?" tanong ko pa ulit.

"Ewan pa eh, san ba masarap sa tingin mo?" tanong niya.

Sa piling ko Shaira---

"Uhm-- ayon, sa Bonchon, gusto mo?"

"Sige pwede, tara na." Aya niya kaya naglakad na kami papunta doon.

Nakamask ako at medyo iniba ko ang itsura ng buhok ko sa normal na style nito pag humaharap sa fans. Pinili ko ring mag specs nalang kaysa mag shades dahil mahahalatang nagtatago ako kapag ganon ang ayos ko.

"Ako na ang oorder Shaira, maupo ka na."

"Sure ka?"

"Oo, sige na." nginitian ko naman siya at nginitian niya rin ako pabalik at naghanap na ng upuan.

Umorder ako ng Bibimbowl para saakin at umorder naman ako ng 2-pc chicken, chicken poppers, spicy parehas, at bingsu para kay Shaira.

Pagkatapos ibigay sa akin yung number ay hinanap ko na ang kinauupuan ni Shaira.

Nang mahanap ko ito ay agad na akong pumunta doon.

Mga ilang minuto pa ang lumipas ng paghihintay ay dumating na rin lahat ng order namin.

Habang inilalapag ng waiter ang mga order namin ay hindi mapigilang matuwa ni Shaira.

"Hoy, pano mo nalaman tong mga gusto ko? Eh wala naman akong sinabi sayo ah" taka niyang tanong habang hindi parin inaalis sa paningin niya ang mga pagkain sa harap namin.

Napatawa nalang ako. "I know you too well. More than your husband." kibit balikat kong sagot na siyang ikinatigil niya. Nagpanic ako. Shet wrong move Seokjin

"A-ah, by the way, kamusta ka? Parang ang tagal rin naming nawala ah."

"Okay naman, ganon parin. Puro sigaw nalang niya naririnig ko sa bahay. Bakit ba kasi hindi niyo nalang sinama yon?"

Binigyan kasi kami ni PD-nim ng 3 months break at napagdesisyonan namin na magbakasyon nalang kaming anim sa LA ng magkakasama. Pero itong si Jungkook, nagpaiwan dahil may pasok daw siya at mas gugustuhin niyang mag-aral kaysa magbakasyon.

"Alam mo naman yon. Hayok na hayok magmana ng kompanya in the future. Kaya mas gusto niyang mag-aral kahit ieexcuse naman siya. Pagod na pagod na yon sa practice at promotions alam namin pero pinili paring wag mag break." sabi ko.

"Dapat lang na pagbutihan niya sa pagmamanage at nang may makapitan kami." napatingin ako kay Shaira na biglang bumulong pero nakafocus lang siya sa pagkain niya.

"Ano?" rinig na rinig ko ang binulong niya kanina pero hindi ko naman naintindihan kung anong ibig niyang sabihin.

Napatingin siya bigla sa akin. "A-ah wala. Ahm bilisan na natin kumain gumagabi na."

---
Shaira's

"Thank you for the food. And for today." nginitian ko siya na siya namang sinuklian din niya ng ngiti.

8:30 na ng gabi.

Bumaba na ako ng kotse niya dala dala ang mga pagkain na tinake out ko sa Bonchon. Tinanong niya kasi ako kung gusto kong magshopping pero mas gusto ko ng pagkain kaya nagtake out nalang ako pero siya nagbayad. Sabi ko ako na pero ayaw pumayag. Sana lagi diba char.

Pumasok na ako sa gate. Inintay ko munang umalis siya saka na ko tuluyang pumasok sa bahay.

Pagpasok ko ay nadatnan ko si Jungkook na nagsecellphone sa sala.

"Gabi na ah. San galing?" Biglang tanong niya kaya nagulat ako. Tiningnan ko siya at nakita kong nagcecellphone parin siya at hindi inaangat ang tingin niya.

Luh sasabihin ko ba?

Who cares wtf.

"Ah nagpractice kami para sa foundation day."

Blind CurveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon