1 4

131 3 0
                                    

'''''''''

Maganda naman ng naging flow ng misa namin. Para ako lang psh.

Pagkatapos ay dumiretso na kami agad sa mall para maglibot at magbonding. At etong punyetang Mingyu nato eh kanina pa ko inaasar.

"Shairaaaa, aminin mo na kasiii, crush mo ko diba??" naglalakad siya ng patalikod at nakaharap sakin.

Dire-diretso lang akong maglakad at hindi siya tinitingnan pero halata ang lukot ng mukha ko dahil sa kapreng to.

"Ano ba putangina mo." iritang sagot ko sakanya. Bwisit ang kulit eh.

"San niyo gustong pumunta?" tanong ni Ate Yana kaya nagsabay sabay naman kami ng sagot.

"Kain muna tayooo."

"Shet tara arcade!"

"Arcade!!"

"Libot tayo dept storeee."

Nagkatinginan kami nila Mingyu at Halla nang parehas kaming sumigaw ng arcade. Tumawa siya sakin at ngumiti lang ako. Wala naman kasing nakakatawa duh.

"Okay so maghiwahiwalay muna tayo, mamaya na tayo magkita kita pag kakain na, sabay sabay na tayo." - Ate Yana

Sumangayon naman kaming lahat at naghiwa hiwalay na. Magkakasama kami ngayon nila Shaira, Jungkook, at Mingyu. Ewan ko putangina, sunod ng sunod tong kapre na to sakin. Pero okay nayun kesa naman maging third wheel ako sa dalawang malanding to.

"Tara naaaa" sigaw ni Mingyu pagkabili namin ng mga token at hinila ako, hinayaan ko lang siya at natawa nalang sakanya.

Cute.

Dumiretso kami sa hilera ng mga basketball ring, naghulog si Mingyu ng dalawang token at nginitian ako ng malawak. Tangina ang cute niya ahsusja. Napangiti nalang din ako sakanya at sabay kaming kumuha ng bola para ishoot sa ring.

"SHET SHAI GALINGAN MO NAMAN HAHAHA"

"ISA ISA LANG KASI NAHAHARANGAN NG BOLA MO YUNG BOLA KO EH!"

"Babe tara din basketball~" rinig kong maarteng sabi ni Halla.

Napalingon ako sa kanilang dalawa at nakita kong nakatingin din sa amin si Jungkook pero agad niyang ibinaling kay Halla ang atensyon niya kaya ibinalik ko nalang rin sa pagsh-shoot ang akin.

"Babe, ako nalang, watch me." rinig kong sabi ni Jungkook at nakita ko pang kumindat siya sa peripheral vision ko. Ngumiti naman si Halla sa kanya at umatras.

Tangina niyo ang landi niyo mga puta.

Naunang matapos si Jungkook dahil ang dali lang niyang na-time out dahil sobrang bobo niya magshoot.

Mga ilang sandali lang ay natapos narin kaming magsigawan at magshoot ni Mingyu.

Sobrang saya nitong isang to. Tawa siya ng tawa habang tinitingnan yung score namin, busy ako sa pagkuha ng ticket mula sa machine, at dun ako tuwang tuwa dahil ang daming lumalabas ahihihi.

"Shaira tingnan mo kasi yung score natin putang---mamaya nayan!!"

Inis ko namang ibinaling ang tingin ko sa taas at nakita ko ang score namin.

659.

AY PUTANGINA.

"WOOAAAAHH ANG GALINGGGG AHAHAHA" tuwang tuwang sigaw ko at inangat ang dalawang kamay ko para sana makipag apir sakanya pero hinawakan niya ang kamay ko at pinag intertwine at tsaka siya tumalon talon which I didn't mind at nakitalon nalang din ako sa tuwa.

"Oh my gosh, ang galing mo babe!" rinig kong sabi ni Halla kaya napatingin din ako sa score ni Jungkook. 506 at mag isa lang siya.

Ang galing nga ng boyfriend mo bwisit.
Pero okay lang yon, mas magaling kami, mag isa lang siya don, pero kami, magkasama kami ni Mingyu o diba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blind CurveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon