Chapter 7

1.7K 88 16
                                        

Typos.

Shaira's P.O.V.

Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. Nagpunta na ko sa banyo ng kwarto ko at naligo.

Ngayon ang Intrams namin. Hindi ko naman maiwasang maexcite dahil ang daming booths na nagkalat ngayon sa school. May Horror Booth, Marriage Booth, Dedic Booth, Kissing Booth, at kung ano ano pa.

Wala kaming booth na itinayo para freeng free kami buong event. Huehuehue.

Nang matapos ako ay agad na kong nagbihis at lumabas na. Inilabas ko ang hotdog at bacon sa ref at nagluto.

Kahit naman ganito kasimple lang yung lulutuin kaya ko naman noh.

Pagkayari ko ay inihain ko na sa plato ko yung pagkain at pumunta na sa table para dun na kumain.

Tinignan ko yung relo ko. 6:00 am.

Sinadya ko talaga na gumising ng maaga para hindi ako maabutan ni Jungkook.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng maisipan kong maglagay ng note sa table.

Alam kong wala siyang pake kung unalis na ko. Pero gusto ko lang ipaalam sa kanya na bahala siya sa buhay niyang magluto ng sarili niyang breakfast. Huh!

Pagkatapos kong kumain ay nahagip ng mata ko ang isang babae sa sala.

Yung babaeng nakita ko na patay sa panaginip ko, at yung nakita ko sa may sala din nung nakaraang gabi.

Nakangiti siya sakin at ibinaling niya ang tingin niya sa papel at ballpen na nakalapag sa table ng sala.

Napangiti nalang ako ang mouthed 'thank you' to her.

Nginitian niya lang ako at umalis na.

Napapaisip ako-- teka may isip ba ko ? Huehue syempre meron. Tap wan ako nuh. Hehe.

Pero kidding aside.

Bakit lagi niyang pinapagaan ang loob ko?

Tinulungan.

Hindi ba siya hihingi ng tulong tulad ng ginagawa ng ibang nagpapakita sakin?

"Gago ka ba? Hihingi ako ng tulong nuh"

"AY KINGINERZ MO PO!" Nagulat ako ng biglang lumitaw yung babae sa gilid ko.

"Pwede ba? Kung magpapakita ka, wag mo kong gulatin. Tsaka sabi mo hihingi ka ng tulong. Paano kung mamatay ako sa gulat, edi hindi na kita matutulungan?" Panenermon ko sakanya.

"Sorry naman po diba."

"Teka nga. Ano bang pangalan mo? At anong klaseng tulong?"

"Lee Jungmie. At kung anong klaseng tulong? Malalaman mo soon... byeeee Shaira." At nawala na siya.

Kinuha ko nalang yung papel at ballpen at nagsulat.

Jungkook, nakaalis na ko. I know na you don't give a shit kung nakaalis na ba ko. Kung buhay pa ba o patay na. Ganyan naman eh. Wala kang pake saken. Pero gusto ko lang ipaalam sayo na hindi ako nagluto ng breakfast mo. Hindi mo naman kakainin diba? Hindi rin ako nagpadeliver. Kaya wala kang choice. BAHALA KA SA BUHAY MO.

- Shaira.

Yan ang nakasulat..

Pero..

"Hindi kasi ganyan."

"AY BABA! ANO BA NAMAN JUNGMIE?! ARAW ARAW MO BA KONG GUGULATIN?!"

Blind CurveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon