*****
Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. Linggo ngayon, alas sais ng umaga. Kailangan kong gumising nang maaga dahil magsisimba pa ako.
At dahil tamad akong tunay, nagcellphone muna 'ko bago ako gumayak. Alam kong relate kayo jan wag kayo. Magce-cellphone kapag maaga nagising, tapos pag late na, saka magkukumahog gumayak. Diba.
Pagkatapos ng 20 minutes na pag aaksaya ko ng oras, lumabas na 'ko ng kwarto ko para kumain nang makasalubong ko si Jungkook na palabas ng kwarto niya.
Shet nagtaka talaga 'ko kasi mas tamad pa yun sakin.
Ala una ng hapon gising no'n tuwing linggo jusmeyo. Tumingin ako sa relo kong suot at 6:23 palang. Shet isa itong himala.
Gusto ko sana siyang tanungin kung anong nilamon niya at napakaaga niya ngayon kaso nginitian niya lang ako at nilampasan.
Dahil sa ngiti niya ay napahawak ako sa dibdib ko na may gulat na ekspresyon sa mukha. Kung iniisip niyo ay bumilis ang tibok ng puso ko kaya ako napahawak, ay hindi. Gulat lang talaga ko kasi shet! Ngayon lang niya ko nginitian ulul!
Anyway, panget niya. Gumayak nalang ako at lumabas na ng bahay. Sasakay na sana ako ng kotse ng driver, dahil nga binenta nung ilong na yun yung kotse ko sa kung sino, nang mapansin kong wala yung kotse niya.
Hindi ko nalang din pinansin at umalis na ako.
--
Nang matapos ang misa ay lumapit ako sa choir na kumanta. Dati kasi akong member ng choir na ito at nagquit ako dahil hindi ko na kinakaya ang schedule.
Minsan kasi ay pinapagawa ako ni mommy ng kung ano anong shit tungkol sa kumpanya para daw masanay ako. Isama pa ang walang katapusang projects at performances kaya di talaga kaya.
Nasa loob pa ng mismong simbahan ang choir nang lapitan ko sila. Agad silang nagsigawan nang makita nila ako.
"SHAIRAAAA!!"
"HOY YUNG CRUSH KO BUMABALIIIIK!!!"
"HOY BRUHA NAMISS KITA!!"
"SAN KA BA NAGSUOT BAKIT NGAYON KA LANG NAGPAKITA TANGI--"
Tinakpan ko na agad ang bibig ni Thine bago pa siya makapag mura. Hauf na babae to nasa loob ng simbahan magmumura.
"Nasa simbahan ka babae, baka nakakalimutan mo." napatakip naman siya sa bibig niya din nang alisin ko ang kamay ko.
"Sorry naman, namiss lang kita. San ka ba nagsuot kasi, hindi ka na nagsisimba nung mga nakaraang linggo." sabi niya.
"Nalelate kasi ako lagi ng gising, kanina nag alarm ako kaya ayon napaaga ako." sagot ko.
"Babalik ka na ba crush?" nakikita kong nagnining-ning pa ang mga mata ni Carlo ng tanungin niya sakin yan.
Ang landi talaga ng isang to kahit kelan. Babakla bakla naman. Ewan ko ba kung bat hindi siya nandidiri sa sarili niya tuwing sinasabi niyang crush niya ko e kitang kita naman na bading siya.
"Mandiri ka sa sinasabi mo Carla." pang aasar ko. Nakita ko naman ang gulat na ekspresyon sa muka niya.
"Bakit crush?! Kaya ka ba nagquit kase nandidiri ka? Bakit?! Sintunado ba kami?! Huhuhu!" put- ang oa niya.
Nakatanggap siya ng isang malakas na batok sa sakin. "Bobo ka ba. Hindi yun ang tinutukoy ko. Tinatawag mo kong crush kaya mandiri ka. Parantanga"
"Hoy tutal naman eh nandito ka na, ipapakilala na namin sayo yung bagong member. Nag-cr lang siya saglit." sabat naman ni Ate Yana, organista namin. Nila, I mean.

BINABASA MO ANG
Blind Curve
عشوائيBeing the one and only wife of your bias is the highest dream a fangirl would think, and when it comes true, it might be the best thing that ever happened to her. But what if the so-called "highest dream" turns into the "darkest nightmare"? j.jk x c...