Chapter 8

1.7K 84 7
                                    

Edited √ typos

^^^^^^^^××××××××××^^^^^

Shaira's P.O.V.
"Tahan na. Kung ano man yang dahilan mo para umiyak, kalimutan mo na. Andito na ko. Mahal na mahal kita." Sabi niya







Kay Halla.

Okay naman
Okay ako pramis.

Pramis teksman mamatay man si Halla. ahehe bad

Pero kingina niyo.
-

Nandito kami sa hallway ng school. Nakatambay. Wala lang pagod na kami eh.

May mga dumadaang mga teachers pero wala deadma kami pakelam ba nila kung dito kami tatambay? Kanila ba yung hallway? Kanila bay school? Hindi naman diba. Titser lang sila kaya wag silang ano.

Kasama padin namin si Hanna. At si Halla nandito rin di parin natatapos ang paglalandian nila. Tss. Hayop get a room.

Eto ako ngayon kayakap ni Hanna habang tahimik na tumutulo parin ang luha.

Hindi ko na alam kung umiiyak pa ba ko dahil sa ginawa ni Jungmie o dahil sa sinabi ni Jungkook kay Halla.

Sa hindi kalayuan nakita ko si Jungmie na kinakawayan ako na parang sinasabi na lumapit ako sakanya. Tumingin ako kay Hanna at nakita ko siyang nakatingin din kay..... Jungmie?

Hanna's P.O.V.

Nakita ko kung pano kaway kawayan ng isang babae si Shaira. Siya yung nakita ko sa horror booth yung nagbending position.

Si Jungmie.

Ex girlfriend ng kapatid ko.

Pero, patay na siya.

Pinatay siya ng stepmother niya ng malaman nitong ampon lang siya at anak siya ng may ari ng kompanyang nagpabagsak sa kompanya ng stepmother niya.

Pumunta naman dun si Shaira at nakita ko silang pumunta sa isang lugar na walang tao.

Naalala ko kung pano ang ginawa nila sakanya habang nasa harapan ko sila.

Flashback.

3 years ago..

Kasama ko ngayon si Ate Jungmie na girlfriend ng kapatid ko. Actually walang alam ang kapatid ko tungkol sakin ako lang, ang nanay ko at si ate Jungmie.

Nasa condo niya kami. Konting bonding.

Nanunuod kami ng movie ng may magdoorbell.

"Ako na." Sabi ko at dumiretso sa pinto .

Nagulat ako ng may 5 lalake na nasa pinto at agad akong kinuha ng isa. Pumasok ang iba para kuhanin si Ate Jungmie. Pilit ako kumakawala ng may marinig akong sigaw. Tinakpan ng lalake ang bibig at ilong ko gamit ang isang panyo na may kung anong amoy kaya agad akong nahilo.

Nakita ko di Ate na umiiyak na kumakawala sa mga lalake bago ako mawalan ng malay.

-

Nagising ako sa isang kwarto. Tatayo na sana ako ng mapansin kong nakatali pala ko sa pader gamit ang isang kadena

"Hanna? Hanna?"

"Ate Jungmie? Asan ka?"

"Andito ko." Hinanap ko siya at nakita ko nasa kabilang side ng kwarto

"Ate bakit ba tayo nandito? Sino yung mga lalaki nayun?"

"H-hindi ko din alam, Hanna"

Blind CurveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon