Shaira's
Nagpatuloy lang akong magpaliwanag sakanya kung paano gumawa ng e-portfolio. Ginawa ko na ring example yung gawa ko para mas malinaw sakanya.
"Tangina nakikinig ka ba?" Iritang tanong ko nang mapansin kong sakin siya nakatingin at hindi sa dinedemo ko.
"A-ah oo, ano nang susunod?" utal niyang sagot na parang nabalik sa realidad
"Wala. Tapos na. Kakasabi ko lang na tapos na." Napataas naman ang kilay niya at napatingin sa screen.
"Magpapaturo kasi tapos hindi makikinig. Bahala ka diyan." tumayo na ako at naglakad pabalik sa kwarto ko.
"Teka hindi ko pa naiintindihan yung e-portfolio." pagpigil niya.
Bwisit.
"Pano mo nga maiintindihan eh hindi ka naman nakikinig at nakatunganga ka lang? Bakit ka ba titig na titig ha?! Siguro pinaplano mo na kung pano mo ko papatayin ano?! Bahala ka sa buhay mo iyoutube mo yang hayop na portfolio na yan tapos gamitin mo na rin yang utak mo" I snapped at him and walked immediately to my room.
Where tf did i get those words oh my god.
I just wish na hindi niya ko sapakin bukas dahil don.
Ni minsan kasi hindi naman ako sumagot sa kanya, or lumaban. Though lagi niya kong sinisigawan, tinatapon yung mga damit ko, minumura o kung ano ano, di ako lumalaban. Pero kung di ko lang mahal yon, nilayasan ko na yon matagal na.
Ngayon lang din siya nakiusap nang ganon. At pinakaayaw ko sa lahat ay yung hiningan ako ng pabor, nag effort ako, tapos babalewalain. Kaya nainis ako ng sobra.
(Lyrics ng chorus ng call x3)
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito at lumabas ang isang unknown number na tumatawag sa akin.
Nagaalangan kong sinagot ang tawag.
"Hello? Who's this?"
"..."
"Hello, sabi ko sino to. Nakakaintindi ka ba ng ingles ha."
"..."
Dahil sa inis, akma ko na sanang ibababa ang tawag nang magsalita ito bigla
"Hey Shaira."
Saglit akong nagulat at kinilabutan nang marinig ko ang boses ng isang chipmunk. Gumagamit ng voice changer ang nasa kabilang linya.
Jeez. Ang creepy nito.
Sino ba namang tatawag, hindi kikibo, tapos pag ibababa mo na, magsasalita bigla tapos gumagamit pa ng voice changer.
"Who the fuck are you, and how did you know my number?"
Narinig ko ang matinis na pagtawa nito sa kabilang linya.
"Haha, I'm coming back."
Bago pa man ako makapag react ay ibinaba na niya agad ang tawag.
Nagtataka kong tiningnan ang cellphone ko kung saan sa screen ay may nakasulat na 'call ended'.
What the hell did just happened?
First of all wala akong kilalang coming back---
----------
Please read. I have a story for all of you, also, i want to apologize.
Okay so i know I've stated in the warning part (☢️ Please read!) that if a chapter has a check on its title, it means that it is revised and IMPROVED.
So you may ask, "ano tong chapter nato? improved na to? bakit ang ikli? wala namang kwenta."
Yeah i know i know. I've promised to myself that I'm going to edit everything in this book everytime I am free. Which is now, currently.
But forgive me po. I was so upset and frustrated the whole day that i felt like crying. Everyone in our section.
So what happened?
So basically, today is the day that every student in our school is waiting for. Our Educational Tour. So since last month nagpaplano na kami ng gagawin, bibilin at kung ano ano.
So iba iba yung isang lugar na pupuntahan ng bawat strand. At dahil STEM ang strand namin, ang naiibang pupuntahan namin sa ibang strand ay PhilVocs. Tapos lahat, sa MOA, Gardenia, at ang pinaka exciting, Star City.
But, nasunog ang Star City. Dun kami nagsimulang manlumo. Pero may pag asa pa naman. nandiyan pa ang Enchanted Kingdom. Nirequest yon ng SSG namin at pumayag naman pero inalis na ang MOA sa pupuntahan dahil taga Cabanatuan kami at malayo masyado.
Last week, nagtatanungan na kami kung anong bag dadalin namin, kung anong pagkain bibilin, kung saan uupo at kung ano ano. Asang asa kami grabe, sobrang excited namin dahil four years na kaming hindi nakakaranas ng tour. Yung tipong, isang huling linggo nalang bago mag-tour, tapos parang lalo pang bumabagal yung oras kaya lalo kaming atat na atat.
Then the most awaited day came. Most of us hindi natulog, and yung iba 12 am gumising dahil 2 am ang call time, 3 am ang departure.
Nang paakyatin na kami sa bus, mas sumaya pa kami kasi kanina pa kami nagiintay sa labas eh. Ang bilis lang namin nakumpleto kumpara sa ibang section na may mga na-late. Kaso napansin namin kulang ng isang row yung mga upuan kaya may mga walang pwesto. May seat plan kami pero biglang kulang yung upuan sa bus.
Nagintay kami, tapos dumating yung adviser namin, sabi lilipat daw kami ng bus kasi nga kulang, pero pagbaba namin, nakita namin ang isa pang section na nagiintay, sila pala yung kapalit namin sa bus na binababaan namin.
Nang makababa na kami, wala pa pala yung bus kaya nag intay pa kami. Sobrang tagal namin nag intay na pinapanood nalang namin yung ibang mga bus na nagaalisan na, tapos kami para kaming tanga don na nagiintay parin.
tapos bumalik yung adviser namin, ang sabi, naaksidente daw ang bus na dapat sasakyan namin. Dun na kami lalong nanlumo. Ano ba? Matutuloy pa ba?
Binigyan kami ng options.
a. Makikisiksik kami sa ibang bus na puno nadin. in short, sardinas. daig pa jeep.
b. sasakay kami sa bus na hindi aircon na posibleng magkasakit kami dahil sa sobrang init ng byahe, bilad, tapos traffic pa.
c. Refund. Ibig sabihin pati yung incentives naming makukuha sa subject na pinakaaasam namin, mawawala din
d. Reschedule. Hindi na feel yung tour kasi section nalang namin. May possibility na hindi narin payagan ang iba.
e. sumakay sa van na kolorum na walang pananagutan kung sakaling maaksidente kami.
Wala ni isa sa mga option ang maganda. Pero sa huli, pinili nalang namin yung reschedule. Thinking na konti nalang yung pila sa EK, kasi wala na kaming kasabay. Itake nalang yung risk na payagan ng magulang. Kesa dun sa ibang options na delikado.
Ang mas malungkot? Malabo nang mareschedule dahil ang sabi samin ng adviser namin, wala siya buong week next week. Hindi naman papayag ang parents namin at kami na walang adviser na kasama.
But, the fact na pinababa kami sa bus na dapat amin, yun yung pinaka nakakafrustrate.
And yung dahilan nila na naaksidente daw. Hindi kami naniniwala don. Yung sinakyan namin na unang bus, yun naman talaga yung amin eh, nagkulang lang talaga ng upuan.
And saktong pagkapababa samin sa bus, naaksidente yung dadating para samin? lol lokohin niyo lelang niyo.
Ang lungkot lang. Kasi maghapon ngayon magkakasama kami ng mga kaibigan ko. Tapos hindi maiwasang mapatingin sa mga day sa messenger ng iba pa naming mga kaibigan na nasa EK na. Na dapat kasama namin ngayon kundi dahil sa palpak na travel agency.
Hindi ko na babanggitin ang anumang pangalan ng travel agency, school namin, o ng bus company (tho walang bus company kasi iba iba yung bus na sinakyan nila tss) and wala naman akong kaklase na nakakaalam na nasa wattpad ako or ng account ko atleast. (i hope)
Na-scam kami dun. Pucha.
BINABASA MO ANG
Blind Curve
De TodoBeing the one and only wife of your bias is the highest dream a fangirl would think, and when it comes true, it might be the best thing that ever happened to her. But what if the so-called "highest dream" turns into the "darkest nightmare"? j.jk x c...