1 2

186 9 0
                                    

Shaira's P.O.V.

"Ano nanaman ba ha?" tanong ko sa babaeng--no, multong nasa harap ko.

"Hay nako abay, chill ka lang. Di mo ba ko nakita? Kanina pa ko nakaupo sa backseat jusko." sagot niya.

Nyeta to di ko siya napansin ha.

"Eh ano ngang ginagawa mo dito? Epal ka ba ha."

"Wala, grabe, nakikijoin lang eh. Nasa labas pala yung jowaers mo. Kanina ka pa iniintay magising."

Napatanaw naman ako sa labas ng bintana at nakita ko don si Jungkook na nakaupo sa isang telang nakalatag sa damuhan. Sa tabi niya ay may ilang pagkain.

"Lalabas na ko paker ka wag mong subukang makinig sa usapan namin." banta ko sakanya.

"Kung mag uusap kayo." nakangisi niyang asar sakin dahilan para pandilatan ko siya ng mata pero tinawanan niya lang ako.

Inirapan ko siya at binuksan ang pintuan ng passenger seat at lumabas na ng kotse. Pinuntahan ko si Jungkook at umupo sa tabi niya. Napansin naman niyang dumating ako kaya napatingin siya sakin.

"Gising ka na pala." sabi niya. Gusto ko sana siyang sagutin ng "Ay hinde kyah pic ko lang to" kaso ala ako sa mood jusq.

"Nasan tayo?" tanong ko.

"In your hometown. Cabanatuan." nanlaki ang mata ko sa sagot niya at napatingin ako sa paligid.

Shit! It is real! I'm in my hometown!

Napatayo ako sa kinauupuan ko at nagsimulang tumakbo takbo sa paligid. Kahit wala akong maappreciate na kagandahan sa paligid nitong Cabanatuan, namiss ko parin dito. Sobra.

Hindi ko man naaalala lahat ng memories ko dito, nakagawa naman ako ng bago pagkayari ng mga ala-alang nakalimutan ko.

Yes, naaksidente ako 1 and a half years ago. It was a car accident. At tumama ang ulo ko sa kung saan kaya ayon, nagka amnesia ako. My parents told that I was with someone in that accident. They didn't tell me who it was o kung kami dalawa lang ang nandoon, o kung may mga kasama kami.

They decided na wag akong pwersahin at hayaan na ako mismo ang makaalala ng mga iyon. Hindi rin daw nila alam kung nasan ang mga kasama ko dahil bigla nalang daw nagpa discharge ang isa sakanila noon nang hindi nagpapaalam.

But hey, this isn't the time to reminisce the past.

Bumalik ako sa pwesto ko sa tabi ni Jungkook habang malaki ang ngiti sa labi. Yet may space parin sa pagitan namin. Yes hindi yun mawawala syempre.

"Bakit tayo nandito?" kumalma na ang feels ko nang tanungin ko yan.

"Wala lang." sagot niya kaya di na ako kumibo. Dinama ko nalang ang hangin na humahampas sa mukha ko. Nandito kami sa isang open subdivision na wala pang ganong bahay. Malapit rin siya sa highway. Madalas rin may mga naglalakad lakad, nagjojogging, at nagbabike dito since malawak ito at walang ganong bahay.

"Shaira." napatingin ako sakanya nang banggitin niya ang pangalan ko.

"Wala ka bang napapansin?"

"Sa iyong, kapaligiran?~" kanta ko naman bilang panggagago sakanya. Sinamaan naman niya ko ng tingin kaya nawala ang ngiti ko. Hayp

"Ano?" tanong ko.

"Uhm, yung ugali ko." nahihiya niyang sabi

"Anong meron sa ugali mo?" tanong ko naman

Hindi siya nakasagot kaya pinag isipan ko nalang sa sarili ko kung anong meron.

Mga ilang minuto nakalipas, naisip ko na kung anong meron.

Bumait siya ngayon huh, odiba bobo lang ngayon ko lang naisip yun lang pala.

"Gets ko na." sambit ko. Napatingin naman siya sakin.

"Bakit di ka galit sakin? Bakit hinahayaan mo lang akong sumigaw kanina pa, minumura pa kita. At bakit mo ko dinala dito? Anong meron sayo ngayon?" tanong ko kaya napabuntong hininga siya.

"Shaira." banggit niya ulit. Puta naiinis na ko kanina pa shaira ng shaira to di naman tinutuloy sasabihin.

"Ano ba?" medyo halata na ang pagkainis ko sa sinabi kong yan.

"Hindi ka ba nagsasawa?" tanong niya
"Saan?" nakakunot noo kong tanong

"Sa lahat. Sa pagtrato ko sayo, sa pagkakatali mo sakin." napaisip ako dun.

"Sawang sawa na actually." seryoso kong sagot.

"Pero bakit? Bakit di ka pa makipaghiwalay sakin? Bakit mahal mo parin ako?" tiningnan ko siya at umiwas din.

Tangina yan.

"Ewan ko putres, ano bang gusto mong iparating ha?" inis kong tanong para makaiwas sa mga sinasabi niya. Ang awkward kaya nun.

"Sorry sa lahat Shaira, masyado lang akong desperado." sagot niya.

"Desperadong ano?" tanong ko.

"Desperado akong maging malaya. Desperado akong ayawan mo ko. Para ikaw na mismo ang makipag hiwalay sakin. Kaya kinailangan kong umakto ng ganon sayo. Para isang araw magsawa ka na sakin at ikaw mismo ang magsabi sa mga magulang natin na ayaw mo na." napatingin ako sakanya nang sabihin niya iyon at tumango tango lang ako.

Oo, ganun lang ang sagot ko sakanya pero deep inside, gusto ko siyang murahin ng walang katapusan at tanungin kung bakit.

"Shaira, nakikiusap na 'ko. Please, para sating dalawa. Para hindi na tayo masaktan pareho. Itigil na natin to. Maghiwalay na tayo, to be fair, I'm giving us two months. And I'll make you feel how to be loved by Jeon Jungkook before we part ways."

****

Blind CurveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon