Sixth.

287 14 1
                                    

Sixth.

Ria's: (P.S. Continuation po ito ng POV ni Ria sa last chapter kasi naputol eh. Recap lng ng konti.)

"Siya nga pala Camille, ikaw pala yung nagligtas samin sa gabing yun! Thank you talaga ah!" natutuwang sabi ko.

nanlaki naman yung mata nilang dalawa, tiningnan ko rin si Louise t parang pinagpapawisan.

"Huh?" naguguluhang sagot ni Camille, "What do you mean ate?" 

"Eh ate, kailan ka ba niligtas ng babaeng toh? Eh magkasama kami most of the time, nagmovie marathon lang kami for like 3 days eh.." sagot naman ni Janina habang kinakamot ang ulo.

"Huh? Eh dba sabi mo Louise si C-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi napasalampak ang ulo ni Louise sa mesa at,

"What is she doing here?" 

-_______________-

Ikaw ang ang dapat tanungin niyan bakulaw ka! Sumusulpot ka na lang kung saan-saan eh!

"Ikaw? What are you doing here? Eh para kang tutuli susulpot kung kailan niya gusto!" mataray na sabi ko sa kanya.

And yes, ang tutuli na sinasabi ko ay walang iba kundi ang nag-iisang si Clemen, suplado, bakulaw, damulag, halimaw, mood swinger at bipolar. Talo pa ang babaeng may dalaw. Oh ha!

"Pinapunta nila ako dito eh." poker face na sabi niya sabay turo sa tatlong kasama ko.

tiningnan ko naman sila.

*insert death glare* 

this day is supposed to be a good day and I am supposed to have a good time with these three people.. Pero bakit andito toh? Eh sa hindi malamang dahilan, dedma ang beauty ko dito! Masyadong snobero!

"Ah, eh, ate. We can explain. Hihihihi" sabi ni Camille sabay peace sign.

"Nakuuuuu! Dapat lang! Ikaw Camille ah, may pakuya-kuya ka pang nalalaman! bakit kapatid mo si Clemen? Inangkin mo pang kuya mo! Tse." tapos nag-cross arms ako.

"Bakit ba ate? Boyfriend ko naman si Louise ah, kaya kuya ko na rin si kuya Nick.." sabay pout *O*

"Kahit na! Hindi pa kayo kasal! Bleeh!" 

Pasensya na, FC na ako sa kanila eh. Like ko sila ^O^

"K-kuya Nick, take a seat muna. ^___^sabi ni Janina.

Umupo naman si Clemen sa gilid. May extra seat kasi, kasi yung style ay parang sofa yung upuan each side tapos table sa gitna tapos yung extra chair ay yung parang malaki ng soft table. Hindi ko alam pano i-explain eh. -_________-

"Explain." matigas na sabi ko sa kanilang tatlo. Kay Louise, Camille at Janina.

Si Clemen, ayun busy kaka-order ng pagkain namin. Infairness, ang formal niya ah. Englishero si koya eh. Ay, nakalimutan ko wala pa rin pala akong kain. Kaya dapat pakainin na ako ng mga toh kasi kung hindi, paktay! Lalabas ng bigla-bigla yung alter ego ko, at sure ako, hindi nila yun magugustuhan!

Nag-alangan naman magsalita ang tatlo.

"Ano? Sasagot kayo o hindi!?" 

"Ah, eh. S-sasagot a-a-te." sagot naman ni Louise.

"Explain your answer in paragraph form and prove your statements using a two-column proof, include your acceptable reasons, postulates and theorems. Ilagay niyo na rin ang formula tsaka isali niyo na rin yung area.." huminto ako saglit, eh ikaw ba naman ang magsalita ng ganun kataas ng one-full breath lang! KAYA MO?

It Started With  A Game (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon