First.

834 19 8
                                    

First.

Ria's POV

"Ria-chan, ano trip natin ngayon? Boyhunting tayo?" ^________^

 "Naku Tomo, kung anu-ano na naman yang iniisip mo. Gumawa na lang tayo ng project natin."

( ____ _____ ) -> mukha niya

"Eeeeeh, kailan ka pa umayaw sa pagboboyhunting ha? Tssss, wala kang mapapala sa pagbabagong buhay mo, I am telling you!" pinameywangan niya naman ako. Nandito kami ngayon sa kwarto ko, gumagawa ng scrapbook sa Social namin. 

"Shut up Tomo. Let's not talk about that."

"Kasi naman bakit ka nagpapaapekto kay Cr-"

hindi ko na siya pinatapos magsalita.

"Ituloy mo lang ang sasabihin mo at sigurado ako, manghihiram ka ng mukha kay Attack."

si Attack ang aso kong bulldog. Hahahaha, ganda ng name noh? Eh ayaw na ayaw niya kay Attack my love -_______- 

"Oh, may sasabihin ka pa?" pagpapatuloy ko. Umupo naman siya at kunwari gumugupit ng mga papel.

"Wala. Sabi ko nga tapusin na natin toh." malungkot na sagot niya.

"Yun naman pala eh. Pagkatapos nito, punta na lang tayo ng mall."

bigla naman nagliwanag ang mukha niya.

"Talaga? So payag ka na? Boyhunting?" excited na tanong niya.

"Hindi! Naku ininom mo ba gamot mo? Umaatake na naman kalandian mo."

Siya nga pala si Tomomi Salazar-Sato, ang aking pambansang bestfriend! Hahahahaha. Half Japanese, half kamatis. Half human, half hayop. Half matalino, half uto-uto. Half maganda, half pangit. Half mataba, half mapayat. Joke lang. Tatay niya hapon, nanay niya naman Pilipina, at dito na siya lumaki. Hindi yan malandi ha? Mahilig lang talaga sa mga gwapong nilalang, never pa din yang nainlove.  Saka, huwag kayo magpapaniwala diyan, takas yan ng mental. Maraming trip sa buhay at mas higit na isip bata sa akin. Pero mahal ko yan.

At syempre makakalimutan ko ba naman ang aking sarili eh ako ang bida dito. I'm Ria Alea Santinez, 16 years young, 4th year highschool student sa Casimero Academy. Bipolar, maganda, petite, at matalino. I live with my nanny, na tinuring ko na ring mama ko kasi ang biological mom ko ay nasa America nagtatrabaho. My dad? I don't have one and I don't give a damn about him. Pero okay lang kasi mayaman naman kami. Anong connect? Ewan. Don't ask about my attitude, kasi complicated and I am also single? 

(Bakit patanong Ria? Hindi sure?)

Huwag eepal Nana ha. 

(Para tanong lang. Taray neto, meron ka?)

Shut up -_______-

After 3 hours.

"Finally! The project is done, so therefore I conclude pupunta na tayo ng mall?" tanong niya sakin habang nililigpit ang mga kalat namin.

"Fine. Pero clean this mess, okay?"

"Yes boss! Hehehehehe." 

kaya ayun, pagkatapos niyang linisin ang kalat namin ay nagpaalam na kami sa nanny ko at dumiretso na kami sa mall. Nagpahatid na rin kami sa driver ko. Pagdating namin sa mall, kumain muna kami at pagkatapos naglibot-libot.

It Started With  A Game (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon