Introduction

3K 140 17
                                    

All Rights Reserve ® TheoMamites Stories 2016

"Lexgard Meadows"

Lexgard, ito ang pangalan ng third map na naunlock dahil sa pagkakasira ng game matrix ng dating EOPH. Ito ang tanging dimension sa buong EOPH na ligtas sa abnormalities. Ang mga programs dito gaya na lamang ng mga AI's ay maayos pang gumagana. At ang mga local settlers dito ay maayos na namumuhay.

Ang mga NPC AI dito ay purong genetically engineered using bio-cloning process na ginawa ng mga genetic specialist ng larong EOPH. Gaya ng mga dating settlers ay may naka implant din sa kanilang pekeng alaala. That also includes the quest at mga abilities ng class na meron sila.

Ang konsepto ng ikatlong map ay kahalintulad ng sa Norse at Greek mythology. Lalo na sa pangalan ng mga tumatayong GODS of the realm. Malawak na di hamak ito sa MELDIVAR map. Ang mga area dito ay UNEXPLORED pa kaya limited lang ang info na meron sa bagong realm na ito.

Dito sa map na ito ang bagong starting point ng mga bagong players (newbie). All races will meet here sa isang area na tinatawag na Throne Of The Ancients. Ang bawat race ay dito magsisimula dahil may ginawang bagong newbie leveling spot sa labas ng starting point. Nandoon din ang tatlong portals na magdadala sa kanila sa kanilang home towns. Restricted na kasi ang mga area sa palibot ng bawat towns dahil sa nakataas parin ang seal. Tila may sarili itong isip at kahit na anong gawin ng mga developers at game programmers na alisin ito ay lagi silang bigo. Ang tanging nakakatawid dito ay ang mga local settlers lamang at mga GM ng laro. Ang isyung ito ay patuloy paring hinahanapan ng paraan ng mga incharge sa EOPH.

March 10, 2346 taong kasalukuyan saktong tatlong araw bago ang muling pagbubukas ng new and improve EOPH. Tinatayang nasa tatlong libo mahigit parin ang bilang ng mga old players parin ang maglalaro. At nasa mga 5-6k ang mga bagong adventurers na susubok na pasukin ang mundo ng ENIGMA. Gamit ng pinakabagong Dimension Splitter na may apat na klase na. Isa na dito ang EARPIECE MODE (Original Form). Ang tatlong nadagdag ay ang korteng PENDANT, ARMLET at RING.

Sinadyang gawing ganito ang mga bagong DS para may mapagpiliian ang mga players. Para narin daw maging accessory-like ang mga ito na sunod sa fashion trend.

******

Sa isang parte ng third map na malagubat ay may isang pagala-galang isang itim na kabalyero. Black Armored Knight ang tinawag dito ng mga nakakitang local settlers. Nakasakay din ito sa isang itim na unicorn na kagaya nito ay balot din ng baluti. Usap-usapan na baka kasali ito sa isang quest para sa mga adventurers. Ang ibang usap-usapan naman ng mga villagers na hindi AI ay baka isa na naman ito sa mga DARK MONSTER. Hindi parin kasi maalis sa kanilang isipan na baka maulit na naman ang mga naganap noon...

Ano nga kaya ang nasa likod ng mga usap-usapang ito? Kayo ba ano sa tingin niyo?.....

.
.
.
.

»»EOPH: RELOADED««

A/N: Done with the intro...

Here's my fixed update sched:

EOPH:RELOADED> Every other Saturday (two chapter per month)

Wizards Chronicles> Every Wednesday (4 chapter per month)

Update will start by: March 23,2016 (WC) and March 26,2016 (EOPH3)

Thats all...

Follow or add me @

Fb> Zeke Vargas TheoMamites WP

IG> zeke1828

Twitter> AkoC_Theo

Enigma Online PH: RELOADEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon