"Cyclone Vortex!" Nagpakawala ng skill si DarkZero mula sa itaas ng mahigit limang heavenly guards na nilure nila DeathXKairin at astarte.
Halos isang oras din silang nanatili lamang sa Angel's Territory getting as much exp as they can. At ang kanina na mga low levels ay umabot na kaagad sa lagpas level 100. Ito ay sa kadahilanang sampung beses na mas mataas ang nakukuha nilang exp sa mga mobs. Dahil sa ongoing event ng EOPH, only available for levels 200 below. Kaya madali lang ang pagboboost ng party.
"Nice, kapag magtagal pa tayo dito aabot sila ng level 200." sabi ni astarte_toki.
"Di rin masama dahil mahal ang loots dito per stack." sagot ni Death. Naibibenta kasi niya ng 300k+ ang normal drops ng mga mobs dito sa NPC merchant. Umuuwi sila sa Lexgard kapag napuno na ang kanilang inventory (salitan sila). Paminsan-minsan ay nagdadrop pa ito ng rare weapons na may elemental na Holy. Ito ay ang Winged Bow, Winged Sword, Winged Mace, Winged Staff at Winged Knuckles. Ipinamigay na lamang nila ito sa mga kasama para may magamit silang magandang weapons. Ang habol lang nilang tatlo ay ang napapabalitang ultra rare drop ng mga guards. Ito ay ang Angelic Armor (Legendary).
*Angelic Armor*
Type: Full set
Race: All
Category: Legendary
Element: HolyStats
Def: 2000
Atk: 1500
Hp: 7500
Regeneration: +25%Special Effects:
Barrier (Passive) chance 27% last for 1 minute.
Golden Ray matk chance during defence (Deals both physical and magical damage min: 25k max: 65k).Mas nakakahatak ng pansin ang special effects nito na additional defensive skill at attack skill chances. At paniguradong kapag upgraded na ito to +10 ay mas tataas pa ang basic stats nito at ang epekto ng special skills.. Ilan pa lang ang kumpirmadong nakakuha nito dahil sa sobrang baba ng drop chance ng nasabing armor.
Sa ngayon ay umaabot ng isang bilyon ang halaga ng nasabing armor na naitala sa NPC Merchant exhibit display. Isang player ang naglagay nito doon. Kung sa totoong pera ay mahigit isang milyon ito. Ganon kamahal kapag naibenta.
Nagpatuloy lang ang tatlo sa pagpaslang sa nga guards hanggang sa may napansin si astarte na kakaiba.
"Uy, may lumitaw na maliit na Guard oh!" biglang bulalas nito.
"Yan na naman?" kumento ng isang player sa ibang grind party.
Marami pang ibang nagsalita at medyo mababanaag mo sa mga mukha nito ang pangamba. Kinutoban tuloy sila DarkZero ng hindi maganda. Kapansin-pansin din ang pagkonti ng mga players sa area kung saan malapit ang bagong mob.
"Bakit anong meron sa kanya?" nagtanong na si DeathXKairin sa ibang players na malapit.
"Mini-Boss yan!" simpleng sagot ng isang elf race player.
Pagkasabi ng player na iyon ay kumawala ang isang ngiti sa mga labi ni Death. Imbes na matakot ay na-excite pa siya dahil paniguradong maganda ang drops nito.
"thanks!" nagpasalamat siya sa elf player.
"Mukhang magiging seryoso na tayo nito ah!" lumapit si DarkZero sa kanilang dalawa ni astarte.
"Masyadong malakas yan, wala kayong laban. Nung huling lumitaw yan halos naubos lahat ng players dito." babala ng isa pang high level player na nasa malayo at tila nanonood lang.
"Susubok lang kami dre, wala naman sigurong masama diba?" sagot ni DarkZero.
"Bahala kayo."
"Aeolus contain the boss para hindi madamay ang ibang players sa paligid." utos kaagad ni Death sa animus nito.
BINABASA MO ANG
Enigma Online PH: RELOADED
Science FictionThis is the third sequel of EOPH. Not like before (previous seasons), the fights will be for real. DARE TO PLAY A GAME IN A REAL WORLD. REAL FIGHTS, REAL DIMENSION.. EOPH: RELOADED