All Rights Reserve ® TheoMamites Stories 2016
"Zaphro's POV"
Nakita kong medyo napipikon na ang mga kasama ko. Though they're still hesitant to attack dahil sa sobrang bilis ni Hermes. Alam kong hindi pa seryoso ang AI na ito dahil hindi pa niya ginagamit ang malalakas niyang skills. Bilis pa lang ang pinapakita niya, mga nasa 45% of his max speed sa calculation ko. May mas ibibilis pa ang mokong na to!
"Accel, Shion! Try to catch up with my speed. The rest find an opening.." sabi ko sa mga kasama.
Nagpalit kaagad ako sa second form ko at ganon din si Accel. Si Shion naman ay nagshift into his fastest gear. Mas naging mabilis na kami kumpara sa dati ngayon. We will push this AI to it's limit, coz that's the plan. Sa ganitong paraan ay mapag-aaralan ng mga kasamahan ko ang galaw niya.
"Berserk!" nag self buff ako upang mas iangat pa ang aking stats and speed. Gamit ng blink ay napunta ako sa likod ni Hermes at umatake mula doon gamit ng mga espada ko.
Naglaho ulit siya but this time medyo nakikita ko na ang movement nito. Pumaling siya pakanan... Kaya naman nagblink kaagad ako upang salubunging siya. Muli ko siyang inatake.
"Freezing Slash!" mabilis parin ang naging counter meassure niya nailagan parin nito ang pa-X wave na gawa ng skill ko.
But one thing I notice, may barrier siyang itinaas. Medyo faint na halos di mo makita. Nadaplisan yata siya ng skill ko.
"Card Prison!" sumigaw si Accel at binalot ng mga cards niya si Hermes. Napalibutan siya ng cubelike formation ng cards nito.
"Golden Sky Dragon Fang!" mula sa ilalim ay lumabas ang skill ni Shion na nagshift na bilang Beast Successor.
Isang golden wave ang tumusok sa kulungang gawa ni Accel na lumikha ng malaking butas sa bubong ng templo ni Hermes. Binalot ng usok ang paligid kaya nahirapan kaming makita kung nasaan ngayon ang kalaban. Ilang saglit pa lang ay may mga narinig na kaming impit na sigaw. Una narinig ko si Erenir at Aryus tapos sinundan ng mahinang pagsabog. At may mga sumunod pang mga kasama namin ang narinig ko.
Sinamantala ni Hermes ang panandaliang pagkabalot ng usok sa paligid upang umatake.
"Cyclone!" narinig kong sigaw ni Verillion sa di kalayuan. That skill was not meant to attack. Ginawa niya yon to absorb the smoke around us. To clear our visions.
Nakita ko kaagad na nakadapa ang ilan sa mga kasamahan namin. Halos nasa 50% agad ang mga HP bars nila. Biglang sumugod si Leanne kasunod ni Ayana kay Hermes kaya sumunod narin ako.
"Fighter's Will!" naging melee type na si Leanne. Sinabayan ko siya sa pagsugod.
Pinagtulungan naming inatake si Hermes gamit ng aming bilis. Si Ayana naman na nagsummon ng isang Archer spirit na nagbibitaw ng mga arrow patungo sa kalaban.
"Umalis kayo jan!" sabi ni Ayana sa amin matapos niyang i-load ang isa niyang skill.
"Dark Bloom!" parehas kaming nagblink palayo ni Leanne bago pa tumama ang skill ni Ayana.
Ngayon tiyak kong hindi na nakailag pa si Hermes. Pure speed lang siya at walang blink ability. Hes only option now is to defend himself against Ayana's skill.
Nakita kong tumama ang aura ng skill ni Ayana sa kalaban. At ngayon ay naging malinaw ang orb barrier na ginamit nito. Deneflect nito ang tira ni Ayana palabas sa butas ng bubong.
"Pyro Strike!" sigaw nito ng skill niya. Nagliliyab ng apoy ang buo niyang katawan na bumulusok paibaba sa kinaroroonan ni Ayana.
Nagshift naman si Ayana bilang Hero Form at mabilis na nagcounter sa paparating na skill ni Hermes.
"Lotus Barrier!" itinaas niya agad ang barrier niyang may anim na layers.
Kaagad na nagsapukan ang dalawang skill. Paisa-isang nababasag ang layer ng harang ni Ayana. Sobrang lakas ng skill ni Hermes at nagawang matibag ang perfect defense ng aming summoner mage! And for a second ay inakala naming tinamaan si Ayana ng direkta ng skill nito.
"Now!" narinig namin ang sigaw nito mula sa aming likuran.
Sumulpot bigla ang summon nitong si Libra sa tabi ni Hermes at gumamit ng gravity magic suppressing Hermes movements. Nakita ko naman si Accel na nagbato ng mga cards sa sahig paikot kay Hermes.
"Way Of Binding: Dark Chains!" mga aninong kadena ang pumulupot kay Hermes mula sa skill ni Accel.
Pumalibot na ang mga kasamahan ko ngayon at pinagmasdan si Hermes. At sa kumpas ni Verillion ay isa-isang nagbato ng skills sina Erik, Aryus, ar0012, Shion, Kai, at Jin.
"Poison Claw!" skill mula kay Virgo.
"Crimson Ray!" sinundan pa ni Erenir.
Sunod-sunod ang pagsabog dahil sa mga skills nila. Medyo na wawala na ang skill ni Libra kaya umaksiyon narin si Gwydox to assist Libra.
"Galaxy Force!" isang magic circle ang lumitaw sa itaas ni Hermes pushing him to the ground with tremendous force.
Just to make sure ay ginamit ko rin ang skill kong Frost Field para mapagyelo ang sahig na tinatapakan niya. Pati narin ang kalahati ng kanyang katawan ay nabalutan ko ng yelo.
"Verillion ikaw na!" sabi ko sa kaibigan na kanina pa lumilipad sa itaas.
"Elemental Fusion: Rain Of Elements!" isang napakalakas na all elements skill ang pinakawalan nito kay Hermes.
Dahil sa skill na ito ay tuluyang nasira ang buong templo. Ngayon ay nagmistula na itong isang ruin. We all manage to made it outside. Tanaw namin ang may kalakihang butas na nalikha ng mga skills namin. Nandoon si Hermes na bahagyan nakahiga pa.
Nasa 65% na ang remaining HP niya. Ang kunat talaga niya. Mga tantiya ko ay nasa 3 Million ang hp niya.
"Aba mukhang seryoso kayo ah. Hindi na masama!" biglang nagsalita si Aquilon na lumapit na pala sa kinaroroonan namin.
"Ang hirap, sobrang taas ng defense at HP niyan. Buhay parin, kainis!" sabi ni Virgo kay Aquilon.
"Well, you'd better prepare for the worst! Good luck!" sabi ulit nito bago mabilis na lumayo sa amin.
"Ano daw yun?" maang na tanong ni ar0012.
"Hermes is getting serious. Partida pa lang yun kanina, warm up lang yun!" sagot ni Gwydox.
"Tama, pinipigilan pa niya ang lakas niya." sabi ko sa mga kasama.
Habang sinasabi ko iyon ay biglang naglabas ng reddish aura si Hermes na bahagyang lumikha ng shockwave sa paligid. Nanlisik narin ang mga mata nito na tila galit na galit na.
"Switch to your strongest state everyone!" sigaw ni Verillion.
Kaagad namin iyong ginawa. I switch to my final Demon God Form.
"Gwydox!" hudyat ko sa aking animus.
"Oo papa!" si Gwydox.
"Animorph!" sabay naming bigkas.
Magkakaalaman na ngayon kung hanggang saan ang lakas ng God na ito!
Sumigaw ako ng buong lakas bago mabilis na sumugod kay Hermes.
"Demon God Strike!"
.
.
.
.A/N:
Lol... Short update may gagawin pa kasi si author niyo.. No edits at the moment. Ipagpatawad kung madaming spelling errors and typo..
Tamad ako ngayon magedit.. Haha...
Until next update!
Chow!..
BINABASA MO ANG
Enigma Online PH: RELOADED
Science FictionThis is the third sequel of EOPH. Not like before (previous seasons), the fights will be for real. DARE TO PLAY A GAME IN A REAL WORLD. REAL FIGHTS, REAL DIMENSION.. EOPH: RELOADED