Chapter 6: Unmasked Enemy

1.6K 84 31
                                    


"Virgo's Pov"

Nagtagumpay si ar0012 na mastun si Hypnos kaya naman ay sumugod na ako.

"Assassinate!" isa sa mga ultimate skill ko ang aking ginamit using all of my MP gauge.

Hindi nakaiwas sa direct attack ko si Hypnos kaya naman malubha itong napuruhan. Bagsak ito sa lupa having it's HP at 35%.

"Final strike!" utos kaagad sa amin ni kuya.

As instant as that ay muli kaming nagbato ng kani-kanyang skills para tapusin na ang boss.

"Crimson Ray!" ito ang huling skill na tumama kay Hypnos na galing kay Erenir.

Muling nabalot ng usok at alikabok ang buong paligid. Nagregroup na kaagad kami at naghintay sa battle result at system announcement. Pero tila wala yatang balak lumitaw ng system announcement dahil maglilimang minuto na at wala parin.

"What's going on bro?" tanong ni Slicer.

"Hindi pa tapos ang laban na ito." biglang sabat ni Gwydox.

"What? Anong ibig mong sabihin don?" tanong ni ate Ayana.

"He's been awaken." simpleng sagot ni Gwydox.

"Sino?" tanong ni kuya Zeke sa kanya.

"Ako!" isang malalim na boses ang sumagot mula sa makapal na usok sa aming harapan.

Naalarma kaming lahat at naging alerto dahil mukhang mapapalaban ulit kami ng todo.

"You think you can eliminate me just like that huh!?" muling nagsalita ang boses na sa pakiramdam ko ay si Hypnos.

"Thorn Spiral!" biglang pagpapakawala nito ng isang unknown ability.

Tinamaan kami isa-isa ng mga maliliit na tinik sa braso, paa at katawan mula sa tirang iyon. Leaving us with a negative status.

Poison

10% hp ang bawas nung skill niya sa akin plus 5-7% poison -hp overtime. Mukhang ibang-iba na si Hypnos ngayon.

"Yan ang second form ni Hypnos. Ang Nature Phantom." sabi ni Gwydox sa amin.

"Zeke's Pov"

We didn't expect this na meron palang transformation ability si Hypnos. Ngayon ay parang mas lumakas na ito ng sobra. Bukod sa bagong weapon ay meron pa itong bagong mga abilities.

Nature manipulator narin siya ngayon with darkness attributes.

"Flora Carnivora!" isang skill ito na mula sa kanya causing all the giant plants to move na tila ba mga ahas.

"Evasive action guys!" sabi ko sa kanila.

Bumuka ang mga bulaklak ng mga halaman na nagmistulang bibig ng malaahas nitong anyo and attacking us bluntly. It seemed endless dahil sa lubhang sagana sa halaman ang buong templo. Ilag dito ilag doon ang ginagawa naming lahat. Cutting those plants are just making the situation worst dahil nagreregenerate lang ang mga ito.

"Shield Vanguard!" dinig kong cast ni Jin ng defensive skill niya.

Nagsimula ng umatake ang boss using his new long ranged weapon.

"Rapid Shot!" nag cover shot naman kaagad si ar0012.

"Razor Dance!" isang counter skill naman ang iginanti ni Hypnos dito. Isang mabilis na pagwawasiwas ng latigong tinik ang ginawa niya blocking all of ar0012's bullets.

Enigma Online PH: RELOADEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon