Chapter 4: The Fire Lightning

2.5K 142 14
                                    

All Rights Reserve ® TheoMamites Stories 2016

"Aquilon's PoV"

Hindi nga ako nabigo sa paghihintay dito sa Ascending Temples. Biruin niyo ang unang batch ng naligaw dito ay ang guild ng MaXiMus at Empireal Armada. Hindi maitatangging malalakas ang mga guild na ito. At malaki ang naging contribution nito sa pagtalo sa nakaraang anomally. Idagdag pa ang Guild Leader nilang si Zaphro na number 1 strongest player sa HALL OF HEROES. Hindi pa ito nairelease but I think it will be soon. Kaya naman ay sa kanila ko ibinigay ang nag-iisa kong 1 time quest. One time dahil unrepeatable ito. Once completed ay hindi na pwedeng ulitin o kunin ng ibang party.

Swerte ang mga ito kapag natapos nila dahil hindi basta-basta ang reward na ibibigay ko sa kanila plus the XP. Sabihin na nating isang unique reward ang naghihintay sa kanila. But then they need to face the Gods of each temple.

"Demon God Strike!" sumugod kaagad si Zaphro nung naging seryoso ang God of Travel na si Hermes.

Ang iba namang kasama niya ay nagsilabasan narin ng kanikaniyang full power state. Naglalakihang Sky Beast Cloak ang nakita ko na gamit ng iba sa kanila. At Hero Aura nanan sa mga successors.

Isang pagsabog kaagad ang narinig ko matapos magtapatan ng lakas ang dalawang panig na parehong nasa God Category. Magkahalong itim at pulang aura ang kulay na kumikislap sa tuwing nagtatama ang atake ng dalawa.

"Hell Scream!" isang nakakabinging sigaw ang ginawa ni Zaphro na lumikha ng isang dark sounwave skill patungo kay Hermes.

"Flame Wall!" lumitaw naman ang matibay na fire barrier nito at tumalbog lang dito ang skill ni Zaphro.

Mabilis namang nakalapit ang successor ng Lightning Garuda sa ibaba ni Hermes kasama ng ilang caster ng grupo na sina Erik, Erenir, Xavier at Verilion na pawang nakapaloob sa cloak ng Lightning Garuda Successor. Nailagan naman kaagad ni Hermes ang direct attack ni ar0012. Ng nangyari yon ay kaagad nagbitaw ng skill ang mga caster na sakay nito.

"Aqua Rage!" si Erik.

"Crimson Apocalypse!" si Erenir.

"Silver Wind!" si Xavier

"Lightning Storm!" si Verilion.

Paatras ang naging movement na ginawa ni Hermes. Pinapahabol lang niya ang mga skill na pinakawalan ng mga ito gamit ng pambihirang bilis. Isa-isang tumama sa mga wasak na bato ang mga skills nila Erik.

"My Turn!" pumadyak lang si Hermes sa hangin gamit ng kanang paa. Parang naging super sonic ang pagbulusok nito patungo kay ar0012.

Tinangka itong harangin ng dalawang babaeng meyembro ng guild ni Zaphro gamit ng skill nilang...

"Blood Rain!" mula kay Leanne.

"Nature's Wrath!" galing naman kay Ayana.

Pero agad lang lumundag si Hermes sa itaas. Naghihintay naman doon ang dalawang meyembro ng guild ni Zaphro na sina Slicer at Virgo. Tila gumagawa ang mga ito ng unison skill dahil magkadikit ang mga espada ng dalawa.

"Black Whirlwind Dragon!" sabay nilang sigaw na dalawa.

Direktang tatama ito kay Hermes. Isang itim na ipo-ipong anyong dragon ang nagawa nila Slicer.

"Fire Lightning Serpent Strike!" bigla ay sabi ni Hermes.

Mas lalong bumilis ito at binangga lang ang skill ng dalawa. Dahil sa piercing power ng skill ni Hermes ay naglaho ang skill nila slicer at tumilapon sa magkabilang side ang mga ito pagkadaan niya.

Enigma Online PH: RELOADEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon