Chapter One

1.6K 26 0
                                    

Chapter 1

Everyone was staring at me. Yes, I love the attention they gave me. Hindi naman sa nagmamalaki ako, but I love the fact that everyone loves me. It boosts my confidence more.

"Hi, Key. Chocolates for you." ningitian ko lang ang lalaking nasa harapan ko. I'm trying to remember kung ano ang pangalan niya. I remember his face but not his name. He a gave me chocolates and flowers every week. That's awesome, right?

"You are?"

Bumakas sa mga mata niya ang pagkagulat. "I'm Johnry. Palagi mo na lang kinakalimutan ang pangalan ko." Ngumiti pa siya na parang nahihiya.

Well, hindi ko naman kasalanan kung hindi ko matandaan pangalan niya. Pwera na lang kung importanteng tao siya.

Tiningnan ko siya at ngumiti. I smirked. Kinuha ko 'yong chocolate at mas lalong lumapad ang ngiti niya. In fact gwapo naman siya but I don't want to give a damn.

"Thanks, sana magustuhan mo," sabi niya. Poor guy, I don't like him.

Umalis na ako na hawak-hawak pa rin ang chocolate na ibinigay niya. I asked myself what I'm going to do with his chocolates. I'm on a diet actually.

Habang naglalakd ako, I saw my friends. Beatrix, Hanica, Jerelle and the last na medyo may pagkanerd at may pagkaweird na si Penny. Nakaupo sila ngayon sa aming tambayan. Umupo ako between ni Hanica and Jerelle.

"Wow! Ang aga-aga ang haba agad ng hair mo Keyziana Rivera. Wow 'te, ikaw na talaga!" sabi ni Hanica.

I just rolled my eyes. Heto na naman ang may mga tupak kong kaibigan. Actually sina Beatrix, Hanica at Jerelle lang naman ang matagal ko nang kasama. And that Penny girl na nasa harapan ko, hindi ko siya masyadong feel although okay naman kami. Bago pa lang kasi siya sa grupo kaya siguro gano'n, nag-aadjust pa kami sa isa't isa.

Ipinatong ko ang chocolate sa mesa. "Sa inyo na 'yan. Hindi ko 'yan kakainin."

"Why? Mukhang mamahaling chocolate pa'yan ah." sabi ni Beatrix.

"Basta sa inyo na 'yan. Baka may potion 'yan at baka ma-gayuma pa ako ng wala sa oras."

"Arte mo," sabi ni Hanica sabay tawa.

Napabuntong-hininga na ang ako. Ang boring ng college life ko ngayon. Athough nakuha ko na ang image na inaasam-asam ko pero parang wala pa ring thrill na nangyayari sa buhay ko."

"What's the problem, Key?" nakangiting tanong ni Jerelle.

"Nothing. Paulit-ulit na lang kasi ang nangyayari. G-Graduate na tayo next year, walang pa ring may nangyayari sa college life ko," bored na pagkasabi ko.

"So you want something new? And may thrill?" sabi ni Beatrix habang nakatingin sa kanyang kuko.

Nagkibitbalikat lang ako.

"What if kung gawin natin 'to?" Napatingin kaming lahat kay Penny. Ano naman kaya ang binabalak ng babaeng weird na 'to? I don't really trust her. Parang may mangyayaring hindi maganda.

"Let's play a game."

"Pambata!" agad kong sabi.

Ngumiti naman siya."The prize is my new Prada wallet! "

Lumaki naman ang mga mata ng kasamahan ko at syempre pati ako. Kaya nga madaling nakapasok ang weird na 'to sa aming grupo dahil mayaman siya.

Okay, inaamin kong hindi ako gaanong kayaman. Let's just say na mas mayaman lang talaga siya sa amin. My father was a lawyer and my mother was a Psychaitric. Sikat na lawyer si Dad and he has his own firm and my Mom has her own clinic.

Woman Hater's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon