Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Yunjiro. I admit na, medyo natakot ako sa gagawin niya. Hindi joke ang pinasok kong gulo. Lumabas na ako sa kanyang sasakyan at agad naman siyang umalis.
Naiwan akong nakatingin sa paalis niyang sasakyan.
"Key?"Napatingin ako sa taong tumawag sa akin. "Kuya!"
"Kanina ka pa ba diyan?" tanong niya. Nakatayo siya ngayon sa may pintuan. "Pumasok ka na. Gabi na ho."
Sumunod naman ako sa kanya at pumasok sa bahay. Namilog ang mga mata ko sa taong nasa bahay ngayon. "Tita Yuri!!!"
Lumapit ako sa kanya at niyakap. Tita Yuri is one of my Mom and Dad's friend. Naka-base na siya sa Singapore because of her business which is a Beauty Salon. She's an expert when it comes to making someone beautiful. I am one of her product. She helped me how to take care and enhance myself. I owe her that.
"Key! Kumusta ka na?" sabi niya habang yakap-yakap ko siya.
Napatingin na ako sa kanya. "Okay naman po! Na miss kita. Kumusta naman iyong salon?"
"I miss you too, young Lady.." Sabi niya habang nakangiti. Halata namang Masaya siya sa ginagawa niya. Ang ganda talaga ni Tita at hindi ka talagang magsasawang tumingin sa kanya. "My business is doing good in Singapore. For now, magf-focus ako sa branch ko dito sa Pinas."
"Andiyan ka na pala Key." Sabi ni Mommy nang lumabas siya sa may kusina dala-dala ang nga niluto niya. "I invited your Tita Yuri to have dinner with us. Kanina lang siya dumating galing Singapore."
Ngumiti lang ako kay Mommy. My Mom's name is Kara Rivera. "Where's Dad?"
"Coming..." sagot niya.
"Maiwan muna kita Key, I'll help your Mom." Sabi ni Tita at pumunta sa kusina.
Napatingin ako sa may sala at namilog na naman ang mga mata nang nakita ko ang katabi ni Kuya. "Jire!"
Lumapit ako sa kanya at pinisil ang kanyang cute na pisngi. "Stop it, Keyziana! You're still ugly." Winaksi niya ang kamay ko.
Jireyo Corpus, eight years old, anak ni Tita Yuri. Parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya. Single Mom si Tita at siya lang mag-isa ang nagpapalaki kay Jireyo. Hindi ko nga alam kung saan ang Dad ni Jireyo dahil hindi naman sinasabi ni Tita. Siguro alam ni Mommy.
"Did I tell you that you will call me Ate?"
Tumaas ang kilay niya. "Never!"
Nanggigil talaga ako sa batang ito. Ang bata pa nga niya pero napakasuplado. Hindi na niya ako ginagalang. Matagal ko nang tinuturo sa kanya na tawagin akong Ate, pero ang tigas lang ng ulo.
Hindi na ako nakapagtimpi, pinisil ko na naman ang pisngi niya. Na-miss ko rin kasi ang batang ito. Grade 3 na kasi siya at busy rin siguro sa school. At alam kong matalino ang batang ito at parang advance siya sa ibang ka-edad niya. Mas gusto niya magkulong sa kwarto at magbasa ng mga libro.
Winaksi niya na naman ang kamay ko at halatang nainis siya sa ginawa ko. "Hindi ka pa rin nagbabago. Ang pangit mo pa rin."
Sinamaan ko siya ng tingin at tinaasan niya lang ako ng kilay. Pero teka lang ha, may naalala ako kay Jireyo.
Tumawa si Kuya na katabi ni Jireyo. "Nag-aaway pa rin kayo, noh? Ikaw naman Keyziana, pinapatulan mo si Jireyo at ikaw pa ang parang bata sa inyong dalawa."
Nagpout lang ako. "Hindi ako bata noh! Ang isa kasi dyan, hindi marunong tumawag ng ate." Sabay tingin kay Jireyo.
"Why would I? Did you hear what Kuya Kent said? Sa ating dalawa, ikaw ang bata." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Woman Hater's First Love
RomanceGumuho ang lahat ng pride ni Keyziana nang ipahiya siya ng isang Woman-Hater na si Yunjiro Lacson. Pinagpustahan nilang magkakaibigan na kapag naging boyfriend niya si Yunjiro ay may makukuha siyang reward. At ito na ang hinihintay niyang pagkakatao...