Chapter Two

1K 26 0
                                    


CHAPTER 2

"Nababaliw ka na ba, Key? You didn't even know him."

"Bakit?"

Nagtinginan sila. And what are they talking about? Ayaw ba nila na magka-Prada Wallet ako. So unfair.

"Penny! Huwag na lang 'yan! Hindi joke si Yunjiro." seryosong sabi ni Jerelle.

"Bakit? It's just a kiss. Pwede naman siyang tumakbo agad." sagot ni Penny.

I licked my lips. Maybe I'll do that. I'll kiss him and run afterwards. I just wish I'll never see him after that.

Napabuntong hininga silang lahat.

"Kung sa bagay, ako nga tumakbo rin pagkatapos." sabi ni Beatrix. "Kaya mo 'yan, Key."

"Oo nga, you can do it," sabi naman ni Hanica habang nakangisi.

"Basta binalaan na kita," ani Jerelle habang nakataas ang kilay.

I smirked. They're really crazy. Tumalikod na ako at handa na sa gagawin ko.

"Wait, Key!" sabi ulit ni Jerelle.

"WHAT?" inis na sabi ko. Gusto ko na talaga gawin ang dare para makuha ko na agad ang prize. Bakit ang dami nilang reklamo.

"Uhmmm...Di'ba?" she pursed her lips and her forehead creased. "Di'ba? W-wala ka pang first kiss?"

Namilog ang mga mata ko. Did I heard it right? Sinabi niya talaga 'yon? Pero kinalma ko ang sarili ko, baka mawalan pa ako ng confidence.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Wala akong pakialam."

"What? For Prada wallet? Hahalikan mo si Yunjiro Lacson?" hindi makapaniwalang sabi niya.

So his name is Yunjiro Lacson. Well, baka makalimutan ko rin naman agad ang pangalan niya. Tumaas naman ang sulok ng bibig ko. "Maswerte siya dahil sa kanya ko lang 'to gagawin! So what? I'm not a kid anymore. It's just a kiss! As if mamatay ako kung gagawin ko 'yon."

The truth is, I was really nervous. If I'll kiss him, he's my first kiss. Bahala na, basta buo na ang loob ko na gawin 'to. Para sa Prada.

But before everything else, I lookedto myself first. Wala namang mali sa damit ko and I'm confident with my looks. I have long medium wavy hair, paired with almond eyes and slim pointed nose. I have a fair skin but mas maputi sa akin si Beatrix. I think kaya ko na.

Lumakad na ako papunta sa kinaroroonan ng lalaking tinutukoy ni Penny. He was reading a book. Bago ako makalapit sa kanya, may mga tatlong babaeng pumunta sa harapan niya.

"Sige na girl kaya mo 'yan!" sabi pa ng mgag kaibigan niya.

Huminga muna ng malalim ang babae. "Uhmm.. Yunjiro?" pagsimula niya.

Tumingin ang lalaking nangangalang Yunjiro. There's something odd about his eyes.

"This is for you," sabi niya sabay abot ng isang box. Maybe it's a cake. "Actually, I like you."

Napataas ako ng kilay. She has a guts, huh. Uso na siguro ngayon ang mga ganitong set-up. Ang mga babae na ang nangliligaw sa mga lalaki. Oh yeah, bakit nga ba ako magugulat? Modern na modern na ang dating ngayon.

Nakatingin lang sa kanya si Yunjiro na parang wala lang. Medyo nahalata na ng iba ang ginagawa ng babae. Kinuha ni Yunjiro ang cake at tiningnan ito. Halatang tense ang lahat kung ano ang sunod na gagawin niya.

"Ang swerte niya, tinanggap ni Yunjiro ang cake niya." Rinig ko na wika ng babae sa likuran ko.

Ngumiti naman ang babae at halatang kinikilig. So what's next?

Woman Hater's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon