Chapter 9
He's a woman-hater, right? Then, why did he kissed me? He's like an expert when it comes to this. Niloloko ba nila ako na woman-hater si Yunjiro? Pwes, they're all wrong. May tinatago ang lalaking 'yon. He's a beast.
Yunjiro gave me a sleepless night after we kissed. I don't know if magagalit ako o hindi. I'm just... mad, I guess. Sinigurado kong hindi kami magkita. Iniiwasan ko siya sa hindi malamang rason. Ayokong malaman niya na naapektuhan ako. I don't know who's really my enemy. Is it Yunjiro? Or myself?
"I really hate him," sabi ko. Inis na inis pa rin ako kay Yunjiro. Hindi lang sa kanya pati na rin sa aking sarili, kung bakit hinayaan ko siyang halikan ako. But I can't deny the fact na gusto ko rin.
"Why?" taas kilay na tanong sa akin ni Jerelle.
"Napabuntong-hininga ako. "He said I'm a lousy kisser."
Their eyes went round of what I've said. I rolled my eyes at them.
"Really, Key?" Hindi makapaniwalang sabi ni Beatrix.
"It means, you kissed him?" ani Hanica.
Sinamaan ko siya ng tingin. "No, he kissed me!"
Their eyes and mouth went round together. Like, they can't believe it. Hindi ba sila naniniwala?
"Bakit ka naman niya hahalikan?" hindi makapaniwalang sabi ni Jerelle. Her eyes is still round.
I pursed my lips and take a deep breath. Kaikangan ko i-explain sa kanila dahil parang gumagawa lang ako ng storya. "I don't know, Jer."
Nagkatinginan silang apat. Penny was silently listening to us. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan.
"He said that I'm a lousy kisser. Can't you believe it?" I flipped my hair. Kahit ako hindi rin makapaniwala sa ginawa ni Yunjiro.
Jerelle rolled her eyes. "Duh? Key, Yunjiro is your first kiss. At siya lang nakakaalam. Like duh? Tanggapin mo na lang na totoo nga ang sinasabi niya."
Huh? I looked at her with disbelief. I think my cheeks turned pink. Nagsisisi ako kung bakit inopen ko pa sa kanila ang topic na 'to.
"I think you really got Yunjiro's attention, Key," nakangiting sabi ni Beatrix.
"Wha do you mean?"
"I mean, hindi ka niya hahalikan kung walang rason. Baka unti-unti mo na nakukuha ang atensyon niya. O di kaya baka magulat ka na lang in love na siya sa'yo."
"Tama ka, Bea," sabi ni Hanica. Nag-apir pa sila ni Beatrix. "Ayaw mo 'yon, Key? One step ah no, two steps na nga 'yong nagawa mo. That's why he did that. Tiis-tiisin mo na lang. Alam kong malapit mo na makuha ang loob niya."
Napangiwi ako sa sinabi ni Beatrix at Hanica. Masyado silang cheesy mag-isip. "Bea, Hanica," I sighed. Paano ko ba i-explain? "Wala kayong idea kung anong klaseng Yunjiro ang nakasama ko. He's very different. Kung akala niyo, simpleng introvert lang siya na gusto magbasa ng libro kaysa makipag-halubilo, pwes, nagkakamali kayo. He's a monster who's patiently waiting to devour his prey."
"And'yan ka na, Key," sabi ni Jerelle. "Kaya itodo mo na. Kahit ayaw mo ang ginagawa niya sa'yo. Always back to the basic kung bakit ginagawa mo 'yan."
I pouted. Jerelle is like a father. She always gives a straight answer. Medyo mataray siya pero may point lahat ng sinasabi niya. While Beatrix is like a mother of this group. Sweet and pili ang mga salita niya to make you comfortable. Kami na Hanica parehong pasaway. Penny is like a big sister. I could not really explain but she's a good listener.

BINABASA MO ANG
Woman Hater's First Love
RomanceGumuho ang lahat ng pride ni Keyziana nang ipahiya siya ng isang Woman-Hater na si Yunjiro Lacson. Pinagpustahan nilang magkakaibigan na kapag naging boyfriend niya si Yunjiro ay may makukuha siyang reward. At ito na ang hinihintay niyang pagkakatao...