Chapter 5
"Congratz, Key." Sabay na sabi nila nang dumating ako sa tambayan namin. Si Penny nakangiti lang.
"Bakit na naman ba?" sabi ko sabay upo sa tabi ni Hanica.
"Hindi mo ba in-open ang site ng BIU?" tanong ni Beatrix.
Kumunot ang noo ko. "Why?
"Kayo ang topic ni Yunjiro," sabi ni Hanica. "Alam mo kung ano ang main topic? You are his girlfriend."
I pursed my lips. Ang acting ko kahapon ay naging totoo na.
"Is it true?" excited na sabi ni Beatrix.
"Of course not," sabi ko. "Napaaway lang ako kay Sally kaya sinabi ko na girlfriend ako ni Yunjiro. Naniwala naman sila."
"Who's Sally?" tanong ni Hanica.
"Na meet kong frog sa swimming pool," seryosong sabi ko. Kapag iniisip ko ang naging sagutan namin ni Sally, umiinit ang ulo ko. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. She's an insecure frog and attention seeker ever.
Napatawa sila sa sinabi ko. "So may development na kaya ni Yunjiro?" tanong ni Jerelle habang sinusuklay ang mahabang straight na buhok niya.
"Alam kong malapit na 'yon." I said with confidence. "I'll do everything."
"That's good, Key." Lahat napatingin kami kay Penny. She's quiet pero kapag nagsasalita siya, she's different. "You really did a good job."
"Of course," taas-kilay na sabi ko. "Step by step, Penny. I'll make sure na magagawa ko ang deal natin. But let me ask you, why are you doing this?"
"What do you mean?"
"Bakit gusto mong malaman ang lahat tungkol kay Yunjiro. You can hire a private investigator."
She plastered a smile on her face. "Well, I'm just curious. And besides, I really wanted to help you. We're friends, right?"
Hindi ako kumbinsido sa naging sagot niya. But this is enough for me. Whatever it takes, I will do this. Nandito na ako, kaya wala nang atrasan 'to. Yunjiro will be mine.
**
PAGKATAPOS ng klase ay napagdesisyonan kong pumunta sa coffee shop ng school. Kailangan ko pa kasing ayusin ang ipapasang design para sa aming project runaway this coming U-week. Kailangang maka fifty designs kami sa iba't ibang category. This is really stressful.
Naglalakad ako nang may nagharang sa aking daan. Agad naman ako napatingin.
"Hi, Key." he said while smiling at me.
"T-Troy."
"Where are you going?" his eyes disappears again.
"Uhmm, may tataposin lang ako."
"Why don't we seat here?" sabi niya sabay turo sa bench na nasa gilid ng malaking puno. Tumango naman ako at sumunod sa kanya.
"I heard you are Yun's boyfriend," sabi niya.
I bit my lips. He's Yunjiro's friend. Ano ba ang sasabihin ko sa kanya. "A-aah."
"You can tell me the truth."
I sighed. "No, he's not my real boyfriend."
"Do you like him?"
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Ang deal namin ni Penny ay kami lang magkakaibigan ang nakakaalam. Dapat walang may makakaalam sa pinaplano namin.
I looked at Troy straight in his eyes. Kaibigan siya ni Yunjiro, maybe he can help me. And I'll use him whatever it takes. I hope he will forgive me. "Yes, Troy. I really like him.But he doesn't like me. Pero hindi ako susuko."

BINABASA MO ANG
Woman Hater's First Love
RomanceGumuho ang lahat ng pride ni Keyziana nang ipahiya siya ng isang Woman-Hater na si Yunjiro Lacson. Pinagpustahan nilang magkakaibigan na kapag naging boyfriend niya si Yunjiro ay may makukuha siyang reward. At ito na ang hinihintay niyang pagkakatao...